13th post

49 1 0
                                    

Ako?.... kanina ko pa hinuhulaan... ako lang pala?

Isang vowel which is A, nagsa-start sa consonant at nag tatapos sa vowel na letter A....

SAMANTHA?!!

Mama ni Darrel: "Syemre kasintahan kanya di ba? So ikaw ang mahal nya? Bakit may iba pa ba?"

Ayh... oo nga pala, ang pagkaka-alam ng mama ni Darrel ay nobya nya ako kaya siguro inisip nya na ako ang mahal ni Darrel.

Hyuh! Pinag-pawisan ako duon ah.

Ako: "Aaaahhh... hehe opo... Sya nga naman."

Nag-nod ang mama nya at umalis na.

Tumingin ako kay Darrel.

Ako: "Sige na... hindi ko na aalamin, sarilihin mo na yan."

Darrel: "Si Kayla..."

Ako: "Hah?"

Darrel: "Si Kayla ang gusto ko."

Napangiti naman ako na parang nae-excite.

Ako: "yung cheerleader ng school?!"

Darrel: "Oo nga! Paulit-ulit? Unli?"

Ako: "Sya pala ah... pagkaka-alam ko kaka-break nya lang sa boyfriend nya, gusto mo ireto kita?"

Darrel: "Sira ka ba? Nagpapanggap tayo na magkasintahan, tapos ire-reto mo ako? Atsaka ayoko, para naman kasing binubugaw ako."

Ako: "Sus... matatapos din ito. Ayaw mo nun, pagwala na tayo kayo na?"

Kumamot naman sya sa batok nya.

Darrel: "Wag na... "

Hindi ko alam pero ba't bigla syang nalungkot nung sinabi nyang si Kayla ang crush nya?

Binasted kaya sya? Hmmmm....

Ako: "Ok..."

Nang matapos na syang magluto ay inihain na nya sa hapag.

Niyaya naman akong kumain ng mama nya at siya? Ayun, walang imik.

Adobo pala ang niluto nya at nung tinigkman ko na....

WOW! Ang sarap... talo pa ang luto ni Manang na katulong namin. Kung kunin ko kaya syang private chef sa bahay namin. Hehe...

Matapos kaming kumain ay naglinis na ng hapag si Darrel habang ako naman ay naka-upo sa sofa. Tinitignan ko sya habang naglilinis...

Ang sipag talga ng lalaking ito, ang bait pa sa pamilya... swerte ang mapapangasawa nito.

Kung babae lang ako't niligawan nya ako? Sasagutin ko talga sya. Aba't saan ka makakakita ng gwapo matalino, mabait at maarugang lalaki? Pero tomboy ako eh, at hindi ako nai-inlove sa lalaki kundi sa babae lang kaya hindi pwede.

May lumapit naman sa aking bata...

"Ate..."

Kuya...

"Ate... papakasalan mo ba kuya ko?"

Chismosong batang ito ah.

May tumakip naman sa bibig ng bata, ng tinignan ko kung sino si Darrel pala.

Darrel: "Wag kang chismoso... kay bata-bata eh... duon ka na nga, maglaro ka na duon."

Hay salamat... di ko na kailangang sagutin ang tanong na-iyon.

Tumayo na ako at humarap kay Darrel.

Ako: "Darrel, kailangan ko ng umuwi."

Darrel: "o sige... lumabas ka lang sa gate tapos lumayas ka na."

Hm? Ba't bigla atang umiba ang mood ng lalaking ito?

Mama ni Darrel: "Darrel, ihatid mo ang nobya mo hanggang kanto, alam mo naman mdaming sanggano sa labas baka anong mangyare sa kanya."

Darrel: "opo..." – malakas nya pang sabi.

Darrel: "Nakapasok nga ang isa eh." – bulong nya pa.

Teka, ako nga ang tinutukoy nya?

Naglakad na sya papalabas at sumunod naman ako.

Naglalakad kami ng tahimik na nakakapanibago sa kanya. Ano kayang problema nya?

Ako: "Hoy, anong problema mo't ang tahimik mo?"

Darrel: "ang gulo mo din noh. Kanina pinapatahimik mo ako tapos ngayon na tahimik ako tinatanong mo kung bakit ako tahimik."

Ako: "Chill ka lang... nakaka-panibago lang eh."

Darrel: "Wala ako sa mood, tapos!"

Ako: "Ok fine... alam mo kung ayaw mo talaga akong ihatid ok lang... kaya ko sarili ko."

Darrel: "Ok fine!" then lumiko na sya at naglakad na pabalik.

Hala? Anong problema ng lalaking yun?

Bahala nga sya.

Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad at sumakay na ng taxi at pupunta ako sa tambayan.

Pagdating ko duon ay nakita ko naman sila Daniel, Shai at Brian.

Pumunta ako sa isan upuan at umupo.

Shai: "Kain ka?" sabay abot ng pagkain.

Ako: "Di na... nakakain na ako eh."

Daniel: "Saan naman? It's rare na kumakain ka sa labas na walang kasama."

Ako: "Hindi ako kumain mag-isa, kasama ko si Darrel at hindi kami kumain sa labas kundi sa bahay nya mismo."

Nagulat naman silang tatlo.

Shai: "Oh...my....god! Niyaya kanya?!"

Ako: "Hindi! Actually, gate crasher ako. Nagpumilit akong pumasok, no choice ako eh. Nakita ko sila Charice sa daan at kailangan ko ng pagtataguan kuni lagot ako at nakita ko si Darrel kaya ayun, nagpumilit akong pumasok."

Daniel: "At pinapasok ka naman?"

Ako: "Nung una hindi pero may sinabi lang tapos pumayag din."

Shai: "ano? I love you, di ko kaya kapag wala ka sa buhay ko Darrel."

Lumapit naman si Daniel at may action na parang may binuksan.

Daniel: "oh Sam ko.."

Pagktapos ay slomo silang nagyakapan.

Kinuha ko naman yung isang unan at itinapon sa kanila.

Ako: "Mga baliw talaga kayo!" natatawa-tawa ko pang sabi. Nakakatawa naman kasi ang pinaggagawa ng dalawang ito eh.

Brian: "Kayo puro kayo kabaliwan, paano kung may nangyare kay Sam."

Daniel: "brian, wala nga di ba? Oh kita mo naman, ok lang si Sam. Atsaka, anduon naman si Darrel eh."

Brian: "kahit na... lampayatot yun eh." Tumingin naman sa akin si Brian. "Ok ka lang ba Sam?"

Ako: "Hmp! Wag ka ngang OA? Sus, sila lang? Yakang-yaka ko yun noh."

Shai: "Yakang-yaka daw pero nagtago naman sa ilalim ng bubong ni Darrel."

Daniel: "Kaya nga... at nakikain pa."

Shai: "haha... tiyak ako, masarap yun. HRM student yung nagluto eh."

Ako: "Ewan ko talga sa inyo."

Tumayo na ako at kumuha ng beer sa ref at sumindi din ng sigarilyo.

Brian; "Tigilan mo kaya yang paninigarilyo mo Sam."

Ako: "Wag mo nga akong paki-alaman Brian. Tatay ba kita para pagbawalan mo ako?"

Brian: "Concern lang naman ako sayo eh."

Ako: "Then, I don't need it."

Uminom ako at umupo ulit.

Nagkwentuhan at nag-inuman lang kami at ng pagkagabihan ay umuwi na ako ng lasing.

Hindi naman problema iyon eh, nagpasundo ako sa driver ko.

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon