31st post

46 0 0
                                    

Gabi na kami naka-uwi galing sa pagpunta kung saan-saan. Maaasahan mo talaga ang mga tunay na kaibigan sa lahat ng bagay lalo na kung malungkot at nasasaktan ka.

I'm very blessed to have them.

Nasa kwarto ako at humiga na sa kama ko. Napagod ako ng sobra pero masaya naman .

Pinalitan na ni Manang ang kumot at bed sheet pero yung sa unan lang ang hindi. Hindi naman din ito nabahidan ng dugo kaya ok lang.

Pagkahiga ko ay nagpa-side view ako at kumuha ng unan sa may side ko at niyakap. Ibinaon ko naman ang mukha ko at nagtaka naman ako sa amoy.

Parang iba ata?

Inamoy ko ang unan na nasa ulunan ko at sunod ay ang unan na yakap-yakap ko.

Iba talaga eh...

Inulit ko naman ang pag-amoy-amoy. Iba talga eh.

Alam ni Manang ang favorite kong pabango kaya yun ang ginagamit nya palagi pero iba itong isa.

Tatayo na sana ako para tawagin si Manang pero may bigla akong naalala.

Oo nga pala noh, di na tulog si Darrel at ito ata yung ginamit nya na unan kaya siguro na iwan ang amoy nya sa unan.

Napangiti naman ako at humiga ulit. Niyakap ko ang unan. Ibinaon ko ang mukha ko sa unang iyon ulit at syempre maaamoy ko ang naiwang pabango ni Darrel.

Shit, nakaka-adik ang amoy.

Bigla namang may nag-flashback sa akin.

We are kissing each other's lips...

Totoo ba yun na nangyare o panaginip lang?!

Kinuha ko naman ang cellphone ko at denial ang number nya.

Ilang ring na pero hindi nya pa din sinasagot.

Darrel: "Hello?"

Ako: "Ba't ang tagal mong sagutin?"

Darrel: "Bakit na naman ba? Sa bar ka na naman?"

Ako: "Wala... nasa bahay ako."

Darrel: "Ano kailangan mo?"

Itatanong ko sana kung totoo bang na naghalikan tayo kagabi.

Ako: "Itatanong ko sana kung nakakain kana?"

Hala? Bakit yun ang nasabi ko?

Darrel: "aah.. wala pa. Kakain pa lang, kakatapos ko lang kasing magluto. Kaw?"

Anong ako?

Ako: "Oo, nag-dinner na kaming apat?"

Anong bang nangyayare sa akin?

And wait... bakit ako nakangiti?!

Darrel: "Ok ka na?"

Ako: "Medyo... Darrel."

Darrel: "Po?"

Ako: "Pwede mo ba akong... pwede mo ba akong tulungan na makalimot?"

Natahimik naman sya ng ilang sandali.

Darrel: "So you mean... as your rebound?"

Ako: "No..as my friend. Di ba barkada tayo?"

Darrel: "So, what do you want me to do?"

Ako: "Paki-sapak si Ellysa..."

Darrel: "Hah?"

Ako: "Joke lang..."

pero kung gusto mo, why not?

Ako: "Gusto ko sanang parati kang nasa tabi ko... I feel comfort and warm kapag andito ka sa tabi ko."

Darrel: "Hmp! Kahit naman hindi mo sabihin parati naman akong nasa tabi mo eh... Di ba nga magkasintahan tayo... pero drama nga lang. haha!"

Ako: "hmp! Bakit... gusto mo totohanin na natin?"

Bigla kaming natahimik pareho...

Gosh... anong sinabi ko?

Ba't ko yun sinabi?? Samantha bawiin mo yun... bawiin mo!!

Magsasalit na sana ako ng bigla syang magsalita.

Darrel: "Bakit... Inlove ka na sa akin?"

*dug-dog*

Shit ano 'to?

Ako: "Hah?"

Darrel: "sabi ko...bakit, inlove ka na sa akin?"

Ako: "Ikaw.... May feelings ka pa ba sa akin?"

Darrel: "Ba't mo naman nililiko at ibinabalik sa akin ang tanong ko?

Ako: "I just want to know. Ano ba?"

Darrel: "Bakit, kung sinabi kong meron may magbabago ba?"

Ako: "Bakit, kung sinabi kong meron nga... anong magbabago?"

We both chuckle...

Darrel: "Ok fine... sabay nalang nating sabihin.

Ako: "Buti pa nga...

Darrel: "1"
Ako : "2"
Darrel: "3"
Ako & Darrel: "Mahal kita..."

Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko...
-
-
-
-
Hala... ano 'tong nararamdaman ko.

He exhales...
Darrel: "So ano... totohanan na ito?"

Grabe ang tibok ng puso ko... di ko mapigilang mapangiti...

Ako: "Ikaw... ano?"

Darrel: "Tayo na?"

I bite my lower lip.

Ako: "Ok..."

Darrel: "YES!!"

Napatawa naman ako...

Darrel: "Sam.."

Ako: "Samantha..."

Darrel: "Samantha, wait lang ah. Tinatawag kasi ako ni mama eh."

Ako: "Ok... bye."

Darrel: "Love you..."

Ako: "Love you too."

Pagkababa ko ng cellphone ko ay di ko mapigilan ang sarili ko...

SHIT KINIKILIG AKOOOO!!!

Sa sobrang kilig ko ay nagpagulong-gulong ako sa kama ko...

KAMI NA.. KAMI NAA!!

Sa sobrang kilig ko ay di ko na napansin na nasa dulo na ako kaya nahulog ako.

Ako: "Aray...."

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa sahig ako nakabugta.

Ang sakit ng noo ko...

Bumangon ako habang nakahawak sa kama ko.

Umaga na pala....

Di ko na pansin na nakatulog pala ako sa sobrang pagod ko na siguro.

Tsk!!

Bwisit... STUPID DREAM!!

>>to be continue<<
------------------------------
:-D Haha... kala nyo yun na yun noh? Hehe... di pa oy.

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon