11th post

47 0 0
                                    

Sobrang nakaka-hiya ang position namin, para kaming naga-aano.

Darrel: " Tumayo ka na nga... nasasarapan ka na dyan eh."

"Ehem!" - pareho naman kaming napa-lingon.

Gosh! May tao!

Dali-dali akong umalis sa pagkakadagan sa kanya at tumayo, sumunod namn sya.

Darrel: "Mah, mali po ka'yo ng ini-isip. Ano kasi, papasok na ho ako tapos nung pagsara ko ng gate bigla syang kumatok. Nung pagbukas ko, patutuluyin ko sya ng bigla syang matipalok yun nah."

Lumingon naman sa akin ang mama nya at tinignan head to foot.

Darrel: "Aaaahh mah! Nobya ko po." Sabay akbay sa akin.

Bigla naman akong napalingon sa kanya at siniko sya. Tinaasan naman ako ng mama nya ng kilay.

Mama ni Darrel: "Tomboy?"

Ako: "O-"

Darrel: " Oh mother.. naga-joke? Hindi po, sa ganda nito?" - sabay kurot sa pisngi ko.

Ay letse!

Mama ni Darrel: "Eh bakit naka-boy cut."

Darrel: "Kasi po may.... Ano... Ah! May makulit na batang lumagay ng chewing gum sa buhok nya kaya no-choice sya kundi gupitan po ito, kahit labag sa kalooban nya."

Kung labagin kaya kita ng suntok dyan.

Mama ni Darrel: "Eh ba't naka-pang lalaki yan?"

Darrel: "Boyish po kasi sya.. pero di sya tomboy, talagang ganito lang po sya magnamit, gumalaw at magsalita pero... pure babae po ito. Papatulan ko ba naman ito kung hindi."

Mama ni Darrel: "Ahhh ganun ba, o sige... papasukin mo na yan dito para makapag-meryenda."

Darrel: "Opo mah." - ng makapasok na ang mama nya ay siniko ko sya sa sikmura.

Darrel: "Aray!"

Ako: "Ba't mo ako pinakilalang girlfriend mo?"

Darrel: " Baog ba yang isip mo? Syempre alangan namang sabihin kong kaibigan ko? Paano kung pumunta dito ang papa mo? Deh, buko tayo?"

Oo nga naman may, point sya.

Darrel: "Tara na... pasok na tayo."

Ako: "Di na ako papasok, wala naman din yung mga kaaway namin sa labas eh."

Darrel: "Inimbitahan ka kaya gumalang ka. Ang tanong kung may kagalangan pa yang natitira sa katawan mo."

Ako: "At hinahamon mo talga ako noh!"

Darrel: "Eh paano kung oo?"

Umaksyon na akong susuntukin sya ng biglang lumabas ulit ang mama nya.

Mama ni Darrel: "Hindi mo pa ba yang papapasukin?"

Darrel: "Ito na po... nahihiya pa kasi sya.

Mama ni Darrel: "Wag ka ng mahiya iha."

Ako: "SI-sige po."

Pagtaliko ng mama ni Darrel ay tsaka ko naman sinuntok sa braso si Darrel.

Darrel: "Array!" - pabulong nya pang sabi sabay hawak sa braso nyang sinuntok ko.

Ako; "Tara na..." - pumasok na ako sa bahay nila.

Hindi naman ganun kalakihan ang bahay nila di gaya sa amin pero malinis at maaliwalas.

May bata namang lumapit kay Darrel.

"Kuya, gutom na ako..."

Darrel: "Oo na, ito na nga oh." Lumingon sya sa akin. "Umupo ka na lang muna jan sa sofa."

Umupo naman ako sa sofa nila haban si Darrel ay pumunta na sa kusina. Kitang-kita naman dito ang kusina kaya kita ko dito ang ginagawa niya.

Natawa naman ako ng bigla syang nag-suot ng bleu apron. May nakaprint kasi dito na isang teddy bear at may nakalagay "Daddy Bear".

Nagsimula na syang maghiwa at ang bilis nyang maghiwa ah, kung sabagay... HRM sya eh.

Tumayo naman ako at pumunta sa kusina, inirapan nya naman ako.

Darrel: "Ano kailangan mo?"

Ako: "Wala lang..."

Tinignan ko naman sya habang naghihiwa... hinihintay ko na mahiwa nya ang daliri nya. Mwahahahaha.

Darrel: "Ano, inlove ka na sa akin."

Napatingin naman ako sa kanya.

Ako: "Yuks! Kapal moks mo!"

Darrel: "Haha!"

Bigla namang may nagsalita.

"Ikaw ba iha... marunong ka bang magluto?"

Natigilan ako dahil sa tanong na iyon...

_y}A

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon