67th post

40 1 0
                                    

Maghahalikan na sana kami ng biglang...

*BLAG!*

Tunog ng bigla pagbukas ng pinto.

Napalingon kaming pareho ni Darrel sa pintuan.

May dalwang tao na nakatayo, ang isa ay nakapamulsa at ang isa ay nakapameywang.

Lumapit nama silang pareho.

Bigla naman akong nainis ng maaninag na kung sino.

Ako: "Shai... ano ginagawa mo dito? Panira ka naman ng moment eh." – sabay padabog na kinamot ang batok ko.

Shai: "Eh kasi may nakapagsabi sa amin na may dalawang lalaki ang bumuhat sayo na at ipinasok ka nila dito kaya dali-dali kaming pumunta dito."

Ako: "Nagkakamali kayo ng ini-isip."

Shai: "Bakit... ano ba ang ginagawa nyo dito?"

Lumingon-lingon si Shai sa paligid at napansin nya naman ang mga bagay-bagay sa paligid at na-gets nya naman agad.

Shai: "aayh... ganun lang pala yun. Nagdi-date lang pala kayo."

Ako: "Oo... at dahil jan... lumayas na kayo."

Shai: "But wait... you're in a date and yet ganyan ang itsura mo?"

Ako: "Hah?"

Tinignan ko naman ang damit ko.

Ok naman ah, except lang yung sa uniform na mejo gusot dahil sa pagkakabuhat sa akin.

Ako: "Ok naman ah.. mukha pa rin damit."

Shai: "No.. as in N-O... in a capital! Ang sagwa... ang ganda ng pagkaka-set up ng place tapos ganyan lang ang suot ninyo?"

-_- ano bang problema ng baabeng ito?

Shai: "Let's go Sam... bibihisan kita. At ikaw din Darrel... magbihis ka rin. Daniel ikaw na bahala sa kanya ok?"

Daniel: "Ok."

Ako: "Shai... ok lang naman eh kahit ganito ang suot ko."

Shai: "Oo para sayo... pero nakakapagdagdag ng romanticism ang damit. Gosh! Wala kang kalatuy-latoy."

Kanina pa ako naiinis sa babaeng ito... pasalamat sya't bestfriend ko sya, kundi lang.

Hinatak na nya ako papalabas ng roomn na iyon. Lumingon naman ako kay Darrel na nakangiti lang nakatingin sa akin.

IIhh.. bitin yung ginawa namin kanina. Kainis namna kasi itong si Shai eh.

May pinasukan naman kaming isang kwarto na punong-pung ng mga damit at make-up.

Parang sa opera cluc ata ito.

Shai: "Upo." Utos nya pa sabay turo sa isang upuan.

Umupo naman ako ng may pagdadabog at nagsimula na syang manghalungkay ng mga damit.

Mga ilang bunot, tingin at pasukat sa akin sa wakas ay may napili na din sya para sa akin. Ok lang naman kahit ano eh, ito lang namang bestfriend ko ang big deal sa kanya.

Shai: "Kyaaahhh.. oh my gosh I love it! And Darrel, he will surely love it."

Humarap ako sa pagkalaki-laking salamin at tinignan ko ang sarli ko.

Combination sya ng white and sky blue. I mean it... ang cute!

Pero teka lang... parang alam ko 'tong damit na ito.

Lumingon ako kay Shai.

Ako: "Di ba ito yung damit ni Juliet nung minsang magkaroon ng opera dito sa school?"

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon