38th post

33 0 0
                                    

Two boys asking me to dance...

Lumingon naman ako sa lalaki at nginitian ko sya.

Ako: "Sorry... but I choose my fiancée baka kasi magselos pa ito..."

Then hinawakan ko ang kamay ni Darrel at tumayo na.

Pumunta kami sa dance floor at sumayaw na kami...

Darrel: "Sinong magseselos?"

Ako: "Ikaw..."

Darrel: "Hm? Kailan?"

Ako: "Ok fine."

Itinulak ko sya para makawala sa pagkakahawak nya sa beywang ko pero hindi nya iyon hinayaang mangyare. HInatak nya ako papalapit pa sa kanya.

Darrel: "Hindi ako magseselos... ikakamatay ko."

Ako: "Alam mo, kung babae lang ako kanina pa ako na inlove sa'yo."

Darrel: "Bakit... hindi pa ba?"

Ako: "Nope! "

He smile...

Darrel: "Ikaw ah... nasasarapan ka na sa pagpapanggap natin."

Ako: "Bakit?"

Darrel: "Fiancée pala ah... soon to be husband." – ngiting-ngiti nya pang sabi.

Ako: "Hoy wag kang assuming... part of drama lang yun."

Darrel: "mmmm... ok. Sabi mo eh... pero wag ka masyadong magpapakilig ah. Sige ka baka mahulog ako sa'yo, mabigat pa naman ako."

Ako: "Hmp! Sira!" Sabay hampas sa braso nya.

Hindi ko alam pero... feeling ko para akong lumulutang habang kasayaw nya ako. Parang ayaw ko ng matapos ang oras na ito...

Darrel: "Feeling mo ba... parang nakalutang ka?"

Ako: "H-ha?.. P-Paano mo naman nalaman?"

Darrel: "Syempre... naka-apak ka sa paa ko eh."

Yumuko naman ako para makita ko ...

Waaahhh oo nga naka-apak nga ako. Kaya pala eh.

Ako: "Sorry." – sabay alis sa paa ko na naka-apak sa kanya.

Darrel: "sakit ah."

Ako: "Wow ha... may nasasaktan bang nakangiti?"

Darrel: "Yan yung sinasabi nilang... handa kang masasaktan para lang sa mahal mo."

Ako: "Anong connect?"

Darrel: "Ewan..."

Shit ka Darrel...

Tigilan mo na yang mga lines mo, nakaka-irita na. Kaunti na lang at sasabog na ang puso ko sa sobrang kabog.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas ay may naramdaman ako sa tiyan ko.'

Shemay.... Ba't ngayon pa.

Ako: "Darrel... wait lang ah."

Darrel: "Bakit?"

Ako: "CR muna ako."

Darrel: "I-off mo muna."

Ako: "Baliw... di ito gripo. Sige na, balik lang ako."

Bumitaw na sya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Ako: "wait... humanda ka kapag nakita kitang may kasayaw na iba. B-baka makita ka ni Dad."

Darrel: "Wag kang mag-alala... you're the apple of my eyes."

Ako: "Cheh!"

Pagktapos ay naglakad na ako papuntang CR.

Pero teka... saan ba yung banyo?

Lumingon-lingon ako...

Left...

Right...

Aaaahhh shit, saan na ba 'yun?

Sasabog na ang water tank ko.

"Samantha?"

Napalingonnaman ako sa nagsalita.

Ako: "B-Brian..."

Nanalaki naman ang mga mata nya ng makita ako... tinignan nya ako head to foot.

Brian: "Wow... you look... you look gorgeous."

Ako: "Alam ko naman yan matagal na... teka, alam mo ba kung saan ang girls room? Naji-jingle ako eh."

Brian: "aaahhh... dito. Dirtsohin mo lang." -sabay turo.

Ako: "Sige... salamat."

Then umalis na ako sa harap nya at sinundan nya ang itinuro nya.

Nagmadali akong naglakad pero ang hirap kasi naka-heels ako.

Pagkatadating ko sa pinto ay binasa ko na muna, baka kasi magkamali ako.

Ako: "Female."

Ok... then pumasok na ako.

Pumasok na ako sa isa sa mga cubicle.

Ay pakshit!! Ang hirap nitong umiiihi ka na naka-gown. Kailagan ko pang lukutin lahat para lang hindi mabasa.

Pagkatapos ko ng jumingle ay lumabas na ako sa cubicle at naghugas ng kamay.

Tumingin ako sa harap ko na isang malaking salamin.

Ako: "Ganda mo Samantha.... Nakaka-tibo ka." – bulong ko pa.

Inayos ko ang buhok na medyo nagulo...

"Samantha?... I-is that you?"

Isang babaeng boses na super pamilyar.

Paglingon ko....

OH SHIT!!!

Ako: "Ellysa."

>>to be continue<<

--------------------------------

:-D Whoot whoot!! Yung feeling na mas maganda pa ang ex mo sa'yo wahahahaha!!

B-) #SamMeetHerEx !!


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon