76th post

90 3 10
                                    

>>Brian's POV<<

Pumunta kami kung saan-saan ni Dad hanggang sa makarating kami sa isang hotel.

Brian: "Dad... dito po ba yung kameeting natin?"

Daddy: "Yup! And your future wife."

Bigla akong napalingon sa kanya at ngiting-ngiti syang nakatingin sa akin.

Brian: "You're kidding, right?"

Daddy: "Nope... I'm not." Then naglakad na sya papasok ng hotel.

Habang papunta kami sa kwarto ay kinokombinsi ko syang wag na itong ituloy.

Kapag nagpakasal ako, magiging busy na ang buhay ko at baka wala na akong maging oras kay Sam, kailangan nya ako ngayon.

Nang makarating kami sa kwarto ay bigla akong nakaramdam ng kaka-iba sa tiyan ko kaya pumunta na muna ako sa banyo.

Mga ilang minuto lang ay may narinig na akong bumukas ng pinto at narinig ko ang isang boses ng lalaki at si Dad.

Sinadya ko iparinig ang sasabihin ko sa babaeng gusto sa akin ni Dad para malaman nya na ayokong ipakasal sa kanya pero nagulat ako sa babaeng nakikita ko ngayon.

"Sam?!" "Brian?!"

Si Samantha ang gustong ipakasal sa akin ni Dad? Hah?

>>Samantha's POV<<

Anong nangyayare?

Bakit andito si Brian at si Dad nya... hindi ba't-?

Oh no...

Lumingon ako kay Dad na nakikipag-usap sa tatay ni Brian.

"Hindi ko aakalaing ang anak mo pa ang magiging future in law ko." –Daddy ni Brian.

"Ako nga rin eh." – Dad.

"Andyan na pala yung pagkain... tara, kain na muna tayo habang pinag-uusapan ang lahat." – aya pa ng Daddy ni Brian.

"Tara.." lumingon sa akin si Dad. "Samantha, tara na."

Nag-nod na lang ako.

So ganun pala... Si Brian ang gustong ipakasal sa akin ni Dad.

Ba't hindi ko ba ito naisip agad.

Magbusiness partner si Dad at ang Daddy ni Brian, malaki ang shares nya sa kumpanya kaya kapag nag-isa ang kumpanya namin, siguradong malaki ang chance na lalago at lalaki pa ang kumpanya namin at isa pa...

Uniko-iho si Brian kaya tinuruan na syang mag-manage ng kumpanya. Sa murang edad nya pa lang sinanay na sya ng Dad nya. Matalino din sya kaya no wonder kung bakit sya ang pinili ni Dad.

Nakabalik naman ako sa realidad nya bigla hinawakan ni Brian sa balikat.

Brian: "Sam?"

Ako: "Aah! Sorry.. a-ano?"

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sya.

Brian: "I'm sorry..."

Ako: "F-for what?"

Brian: "Hindi ko 'to alam... masyadong biglaan. Ang akala ko may ka-meeting lang si Dad kaya kami nandito. Tsaka nya na lang sinabi sa akin nung andito na kami at... hindi ko inaasahang ikaw yun."

Hindi pala namin pareho alam ito.

Lumingon ako kay Dad na naglalakad na papunta na sa mesa kung saan ang mga pagkain.

Nakita kong masaya sya at masigla. Ibang-iba sa nakita ko sa kanya this past few days.

Brian: "Wag kang mag-alala... kakausapin ko si Dad at si Tito... sasabihin ko na-"

Ako: "Wag na... hayaan mo na." tinignan ko ang right hand ni Brian at hinawakan ito. Pagkahawak ko ay tinignan ko sya sa mukha at binigyan sya ng isang pekeng ngiti.

"So... ikaw pala ang maigiging asawa ko. Good luck ah, di pa naman ako marunong sa gawaing bahay... hehe."

Brian: "Sam..." mahina nya pang sabi.

Ako: "Tara na... kain na tayo. Gutom na ako eh."

Binitawan ko na ang kamay nya at naglakad na papunta sa kung saan sila Dad at ang Daddy ni Brian na naghihintay na sa amin.

>>Brian's POV<<

Brian: "Wag kang mag-alala... kakausapin ko si Dad at si Tito... sasabihin ko na-"

Samantha: "Wag na... hayaan mo na....So, ikaw pala ang magiging asawa ko. Good luck ah, di pa naman ako marunong sa gawaing bahay."

Alam ko..

Alam kong peke ang ngiting pinapakita nya sa akin..

Pinipilit nya lang maging matatag para sa Dad nya.

Hindi ba dapat maging masaya ako kasi sa huli, sa akin rin pala sya mapupunta?

Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para mapunta sya sa akin pero... hindi ko magawang maging masaya kasi alam ko naman si Darrel ang pangarap nya eh.

Alam kong si Darrel ang tinitibok ng puso at hinahanap nya.

Kaya nga sobrang sakit...

Masakit na makita kong ang babaeng mahal ko ay nasasaktan ng sobra dahil na rin sa ginagawa ng mga taong mahal nya.

Kaya hindi ko maiwasang magalit kay Darrel...

Bakit ba kailangan itong pagdaanan lahat ni Samantha?!

I hate Darrel for being such a sh!t!

I hate myself for being such a stupid for letting this happened to Sam.!

Makalipas ang isang oras na pag-uusap nila Dad at Dad ni Samantha ay nagdesisyon na nilang umuwi.

Daddy: "Brian... kayo na ang magsabay ni Samantha, para naman mag-usap kayo sa mga bagay-bagay... kanina pa kayo walang imik eh."

Tito: "Oo nga naman... Samantha, kay Brian kana sumabay ah."

Nag-nod naman si Samantha.

Tito: "Ingatan mo ang anak ko ah." –ngitng-ngiti pang sabi ni Tito.

Daddy: "Your future wife. Hahaha!"

I smile a bit.

Sumabay si Daddy at si Tito dahil may pag-uusapan pa daw sila.

Pumunta na kami sa sasakyan at pinagbuksan ko ng pinto si Samantha.

Samantha: "Thanks." –nakayuko lang sabi ni Sam.

Pagksapasok ko ni Sam at isinara ko na ang pinto. Humarap na ako sa ibang direksyon para pumunta sa driver's sit pero bigla akong napahinto ng nakita ko sya.

Nasa kabilang kalye sya at nakatingin din sa akin ng may gulat at may pagtataka, mamaya-maya'y tumingin sya kay Samantha na nasa kotse at bumaling ulit ang tingin sa akin.

Napakuyos ako ng kamay dahil sa galit.

Tinignan ko sya ng masama.

Samantha doesn't deserve a guy like you... Darrel.

>>to be continue<<

--------------------------

Whoo... rumble na ito. Haha!

Errr, now lang nakagawa... wala kasi yung laptop ko kahapon kaya wala akong magawan. -_- Mabagal kasi ako magtype sa CP or tablet kaya nakakatamad.

[R/6Y


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon