56th post

51 1 0
                                    

Hindi ako nakatulog kaagad dahil sa sobrang inis...

Nakakainis kasi nakalimutan nya akong i-text or tawagan man lang. Di nya man lang ba naiisip na namiss ko sya. Buong araw ba naman di ko sya nakita at narinig ang boses nya.

Kung sya kaya nya akong tiisin ako hindi. Kasalanan nya din 'to, sinanay nya akong andito sya palagi sa tabi ko.

Aish! Asar naman.

Mga anong oras na ako nakatulog at anong oras na rin ako naka-gising.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay sya na kaagad ang nakita ko.

Ako: "Nananaginip pa ata ako... makatulog na ulit." – sabay takip ng unan sa mukha ko.

Darrel: "uyh! Sorry na nga... sobrang pagod ko lang eh." – sinasabi nya iyon habang tinatanggal ang unan na tinatakip sa akin.

Darrel: "uyh! Sam.. Samantha... Darling... Mahal."

Tinanggal ko naman ang unan na nakatakip sa akin.

Ako: "Ano sabi mo?"

Darrel: "Sam.."

Ako: "Sige pa.."

Darrel: "Samantha?"

Ako: "Urong pa.."

Darrel: "Darling... Mahal."

Ako: "Yun!"

Darrel: "darling.."

Ako: "Hindi.. pagkatapos nun."

Darrel: "Mahal?"

Ako: "Ba't parag hindi ka sigurado?"

Darrel: "Hindi ah... sigurado ako... Oh one more time.. Mahal."

Ako: "Tsk, wala... Not accepted." – sabay takip ng unan.

Darrel: "Mahal naman eh, mali-late na ako."

Inalis ko ulit ang unan at tumingin sa kanya ng medyo asar.

Ako: "Tignan mo na!!"

Darrel: "Hindi ko naman kasi maiwan-iwan ang resposibildad ko as school president."

Ako: "So kinakalimutan mo na ako?"

Darrel: "Hindi naman saganun... syempre pagod. Tatawagan sana kita kahapon para mag-lunch kaso wala ako load, di naman ako makapaload kasi nga biglang nagkaroong ng emergency meeting with the principal. Please, kanting understanding lang... sige ka, ilang reader kukurot sa'yo kapag hindi mo ako pinatwad."

Tsk, at tinakot pa ako!

Ako: "Ok fine! Ok fine! Kahit labag sa kalooban ko."

Darrel: "Nyihihi! Kaya mahal na mahal kita eh."

Then he kiss me on my forehead.

Ako: "Pumunta ka na duon... baka tuluyan na akong isumpa at ipakulam ng mga student buddies."

He smile.

Inilapit nya pa ang mukha nya sa akin. Parang one inch na lang ang pagitan namin.

Darrel: "Magmumog ka na... yung panis mong laway nangangamoy na."

Sumimangot naman ako at tinignan sya ng masama.

Ako: "Psh!"

But then he gently kiss me.

Darrel: "I love you... at sana daumating ang isang araw na ikaw ang unang taong makikita ko sa pagdilat ng mga mata ko sa umaga at sa pagsara nita pagdating ng gabi."

Ako: "Ba't may sana?"

Darrel: "Of course, madami pang mangyayare... madaming magbabago."

Ako: "Pero hindi naman tayo kasali duon di ba?"

He nod.

Ako: "Alam mo... kakasuhan na talga kita ng trespassing."

Darrel: "Bakit? Kasi nanghimasok ako sa puso't isip mo?"

Ako: "Hindi... pumasok ka sa kwarto ko ng walang pahintulot at timing na natutulog pa ako."

Darrel: "Galit ka?"

Ako: "mmm... a little."

Tumingin na sya sa orasan nya at bumalik ang lingon sa akin.

Darrel: "Gatto go."

I nod.

Then he kiss me on my forehead, tumayo na sya at naglakad na papalabas ng kwarto.

Hay nako... sana nga mangyare ang araw na 'yon.

>>to be continue<<

----------------------------

Readers... may lagnat po ako kahapon kaya sobrang late ng UD timing at brown out pa. Buti't sinat na lang ngayon. Hope you understand. :-)

L]-


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon