28th post

79 2 1
                                    

"BLWAAAHHH!!"

Darrel: "Shit.. Tomboy ka... sinukahan mo pa ako!!"

"PWEH!!"

Ako: "Shhh, baka may hik! May magising na kapitbahay."

Darrel: "Kainis kang tomboy ka... ang baho."

Ako: Kasalanan mo yan eh... hik! Itinulak nanga kita hindi ka lumayo kaya hayan... nasakuhan kita. Hik!"

Darrel: "Walanghiya!"

Ako: "ang arte mo naman hik! Tara... kiss tayo ulit.. mmmmm" sabay nguso at lumapit sa kanya.

Umiwas naman sya....

Darrel: "Kadiri ka... ayoko nga. Amoy suka yang hininga mo eh."

Ako: "ayh ang arte... hik! Huy!" Lumalapit ako sa kanya pero lumalayo sya. Mamaya-maya'y bigla umikot ang paligid at nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng init, malambot at.... SHIT ANG SAKIT NG ULO KO!!!

Umupo ako sa kama ko muna... ang sakit kasi ang ulo ko. Shacks... ano bang nangyare?

Wala akong maalala, gawa na rin siguro ng kalasingan kagabi....

Pero.. paano ba ako naka-uwi kagabi? Wala talga akong maalala. Kayo ba mga reader alam nyo?

Medyo nagpalipas lang muna ako ng hilo sa kama bago ako tatayo.

Bigla namang may gumalaw sa kama ko aside sa akin.

Paglingon ko, may bumubukol sa kumot ko.

Hinawi ko ang kumot at halos maluwa ang mga mata ko sa sobrang gulat.

Isang lalaking natutulog sa kama ko ng naka-half naked.

Ako: " AAAAAAAAHHHH!" - sigaw ko pa sabay sipa sa kanya kaya nahulog sya sa kama ko.
Darrel: "ARAY!! PUGA!!"
Pagkatapos ay tumayo sya habang hinahawakan ang noo nya.

Darrel: "Aray! Ano ba ang problema mo?!! Natutulog ang tao eh!"

Dahil sa nakatayo sya at half naked ay kitang-lkita ko ang... A-B-S na walang CBN.

Napalunok ako bigla. TInignan ko naman ang sarili ko at pinakiramdaman kung may masakit ba sa katawan ko aside sa ulo ko.

Nakasuot naman ako ng damit... at wala naman ibang masakit sa akin.

Niyakap ko ang sarili ko...

Ako: "ANONG GINAWA MO SA AKIN?!!"

Darrel: "Hoy wag kang ilsyunada... wala noh. Nakitulog lang ako."

Nakitulog... katabi ko syang natulog? Pero bakit? Ano ba talaga ang nangyre kagabi?

Ako: "Si-siguro hinipuan mo ako kagabi noh!! Manyakis!!"

Darrel: "Wag ka ngang assuming jan.. at isa pa, harap atsaka likod mo walang pinagka-iba.

Ako: "Anong sabi mo?!!!"

Kumuha ako ng unan at tumayo sa kama ko at pinaghahampas ko sya ng unan.

Darrel: "Totoo naman eh, wala nga akong naramdamn nung niyakap mo ako."

Napahinto ako sa paghahampas sa kanya.

Ako: "Anong niyakap ang pinagsasabi mo?!"

Darrel : "Don't tell me hindi mo na na-aalala?"

Ako: "Ang alin?"

Darrel: "You called me lampas 11 pm at pinuntahan kita sa bar. At habang naglalakad tayo papa-uwi sa inyo bigla mo na lang akong niyakap at hinalikan.
Kaw ha, namimihasa kana... ilang beses mo pa nga akong hinalikan ka-gabi eh."

Ako: "at ..... nagsisinungaling ka pa!!"

Hahampasin ko pa sana sya ang kaso bigla syang naka-iwas at na-out of balance ako.

Mahuhulog ako... mahuhulog ako.

Bigla naman nya ako sinalo. Hinawakan nya ang ulo ko at ang likuran ko para hindi mauntog sa simento. Napahawak naman ako sa braso nya at napapikit.

Naramdaman ko na lang na malamig sa may likuran ko at mainit sa ibabaw.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nakapa-ibabaw sa akin si Darrel. Naging unan ko ang kamay nya na nasa batok ko.

Napalunok ako at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Sobrang lapit ng mukha nya sa akin.
Nakatingin ako sa kanya at ganun din sya. Pareho kaming gulat sa nangyare.

Tuloy pa din sa pagtibok ng mabilis ang puso ko...

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

May bigla namang nag-flash back sa akin.
Bigla kong naalala na naghahalikan kami... kagabi?

Bigla naman g bumukas ang pintuan na syang ikinalingon namin pareho.

Nanlaki naman ang mga mata ko...

Si Shai, Daniel, Brian at si Dad....

Tulala silang nakatingin sa amin sa ganuong sitwasyon.

Nasa ibabaw ko si Darrel sa akin, nasa-ulo ko ang kamay nya at nakahawak ako sa likod nya...

Kaya kahit sino, iisiping nag-aano kami.

Shai: "Oh... my... god."

>>to be continue<<
---------------------------------
:-D Sigurado akong tuwang-tuwa si dad... magkaka-apo na sya! Hahaha!

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon