74th post

42 0 0
                                    

Samantha's POV

Kinabukasan...

Wala lang akong nagawa nung araw na iyon kung di ang umiyak sa harap ni Brian. Hindi ko mapigilan pero sabi nya ok lang daw, mas mabuti daw nga iyon para mailabas ko lahat.

I'm still bless kasi meron akong bestfriend kagaya nya.

Ngayong araw nakahiga lang ako sa kama ko at nagmumukmok.

Malungkot at masakit pa rin pero parang wala ng luhang lalabas sa akin dahil na rin siguro sa kaka-iyak ko kahapon.

Mugto ang mga mata ko at lutang ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ngayon makakabisita si Brian dahil may lakas sila ng Tatay nya. Hindi daw nya alam kung saan kaya di nya masisigurado kung anong oras sya makaka-uwi.

Mag-isa na naman ako.

May kumatok naman sa kwarto ko.

Ako: "Sino yan?" – mahina ko pang sabi with a nasal tone dahil na rin sa sipon.

"Si Maria po."

Ako: "Pasok ka."

Unti-unti namang bumukas ang pinto at pumasok sya.

Maria: "Miss Samantha, pinapatawag po kayo ni Sir sa kwarto nya po."

Ako: "Ok." Sabay nod.

Maria: "Ngayon na daw po."

I smile a bit.

Ako: "Susunod lang ako... maghihilamos lang muna ako."

Maria: "Ok po."

Lumabas na sya at isinara ang pinto.

Ano kayang sasabihin ni Dad?

Ba't kaya ako kinakabahan... parang may masamang mangyayare.

Brian's POV

Kainis naman eh! Ba't pa ako pinasama ni Dad sa lakad nya imbis na sana anduon ako sa tabi ni Samantha.

Daddy: "Oh, ba't nakabusangot yang mukha mo?"

Brian: "Eh kasi naman Dad eh... ayoko talagang sumama." – yamot ko pang tugon.

Daddy: "Ano ka ba naman anak... bonding na natin tong dalawa dahil darating ang isang araw na ikakasal ka at magkakapamilya kaya mawawalan ka na ng oras sa mga ganitong bagay."

Bria: "Oh please stop saying that... you're talking like it's near to happen. Matagal pa yun."

O baka hindi na mangyare...

Si Samantha lang ang pangarap kong makasama habang-buhay.

Daddy: "You still love her, right?"

Brian: "Who?"

Daddy: "The girl in your dream and still your dream."

Yun na nga yung masakit eh.

Brian: "Yeah... She's near yet so far."

He taps my shoulder while smiling. I look at him and give a bit of a smile.

Samantha's POV

Pagkatapos kong mag-ayos sa sarili ko ay pumunta na ako sa kwarto ni dad.

Nasa harap na ako ng pinto ni Dad at kumatok.

Dad: "Pasok."

Pumasok naman ako at isinara ang pinto.

Naka-upo sya sa isang sofa at nakatingin sa akin.

Ako: "Pinatawag nyo daw po ako."

Dad: "Oo... mag-ayos ka... may pupuntahan tayo."

Ako: "P-po?"

Nakakapagtaka lang... kasi di ba grounded ako?

Dad: "Ilang beses ko na itong pinag-isipan kung itutuloy ko ba o hindi pero matapo ang ginawa mo sa akin... you leave me no choice."

Oh no... hindi kaya...

Dad: "Samantha... I decided na ipakasal ka na sa isa sa mga anak ng isa kong business partner."

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi alam ko namang kahit anong sabihin ko hindi na nya ako paniniwalaan.

Dad: "Kung may natitira kapang kahihiyan at awa sa akin hindi ka na gagawa ng kahit anong gabulastugan at pagsisinungaling. In the first place, hindi na ako maniniwala sa kung ano mang sasabihin mo, at kahit magdala ka pa dito ng bayarang lalaki na magpapanggap hindi na magbabago ang desisyon ko. Pero kung gusto mo talaga akong atakihin sa puso at mamatay pwede kang umalis at wag ng magpakita pa."

Napalunok ako ng may pait na nadarama.

Ako: "D-Dad..." – mahina ko pang sabi.

He looks at me without any emotion.

Dad: "Wag kang mag-alala dahil ang taong ipapakasal ko sa iyo ay mapagkakatiwalaan at mabait kaya wala kang dapat ipangamba. Anak pa rin kita kaya ini-isip ko rin ang kinabukasan mo. Ngayong araw din tayo makikipagmeet sa kanya at sa parent nya."

Yumuko na lang ako at nag-nod.

Ako: "Ok po... magbibihis lang po ako."

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na papunta ng pinto para lumabas ng kwarto nya.

Naglakad akong papunta sa kwarto ko na wala sa sarili.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay dumiretso na ako sa banyo at ini-lock ito.

In-open ko ang shower at tumayo sa harap nito para mabuhusan ng tubig na galing dito.

Nakatayo lang ako sa banyo at tanging tubig ng shower ang gumagawa ng ingay.

Dumaosdos ang mga luha ko at humalo sa tubig pero ramdam ko pa rin ang init nito.

Ako: "*sob*"

Hindi ko na napigilan at napahagulhol na ako.

Dahan-dahan akong napaluhod at umupo sa tiles. Sumandig ako sa bathtub habang ang mga kamay ko ay nakatakip sa mukha ko.

I give up...

>>to be continue<<

---------------------------

:'( 


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon