64th post

38 1 0
                                    

Ako: "B-Brian?" – nganginginig ang boses ko ng banggitin ko ang pangalan nya.

Gulat din syang nakatingin sa akin at bigla syang napalunok.

Brian: "S-Sa-"

Agad akong umiwas ng tingin. Nanginginig ako, gusto ko ng umiwas dahil aaminin ko... natatakot pa rin ako sa kanya dahil sa nangyare noon.

Ako: "So-sorry..." – nagsimula na akong maglakad para lampasan sya pero bigla syang humarang kaya napahinto ako.

Brian: "Sam... pwede bang mag-usap tayo..k-kahit sandali lang. Please."

Inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha nya at halata sa mukha nya ang sincerity at maamo nyang mukha. Sya ang nakilala at nagustuhan kong Brian... ang bestfriend ko.

Ako: "O-ok... p-pero wag ka lang lalapit ka-kasi...-"

Brian: "Naiintindihan ko... kahit naman sino eh, matatakot. Pati nga ako, natatakot sa sarili ko. Niminsan hindi ko inisip na ganunin ka... siguro gawa na rin ng kalasingan at depression. Samantha I'm sorry."

H-hindi ko talaga sinasadya... patawarin mo sana ako."

Ako: "Napatawad naman kita eh, pero di ko pa rin maiwasang matakot sa'yo. Wala akong muhi o galit sa'yo. Just give me more time na lumipas ang mga panahon at kasabay nun yung takot ko."

He relieve...

Brian: "G-ganun ba... naiitindihan ko. Salamat Sam... kasi kahit na nagawa ko sa'yo iyon hindi mo ako kinasuhan. Alam ko naman na dahil yun sa papa mo at hindi talaga sa akin pero nagpapasalamat pa rin ako. Malaking kasiraan yun sa pamilya namin dahil sa kagaguhang ginawa ko."

Yumuko na lang sya at binugyan ako ng way para makalampas sa kanya.

Hindi ako makapagsalita...

Hindi ko alam ang dapat na sabihin.

Yumuko na lang din ako at nagsimula ng maglakad. Nang makalamapas na ako sa kanya ay bigla syang nagsalita.

Brian: "Isang araw makakabawi din ako sa nagawa kong kasalanan sa'yo."

Napahinto ako at lumingon sa kanya pero bago ko pa man makita ang reaction ng mukha nya ay tumalikod na sya at naglakad na papalayo sa akin.

Bigla akong nalungkot...

Nakikita kong papalayo sa akin ang bestfriend ko na nakasama ko ng ilang taon. Gusto ko naman din syang pansinin at i-treat ng gaya ng dati pero hindi ko maiwasang matakot at manginig sa tuwing andyan sya.

Habang busy ako sa pagtingin kay Brian na papalayo na sa akin ay biglang may pumulupot sa akin na kamay at niyakap ako ng patalikod.

Ni-ready ko na ang kamao ko para suntukin ito pero bigla itong bumulong.

"Ba't nagdi-day dream ka jan?"

Napangiti naman ako ng makilala ko ang boses nya.

I lay may head on his jaw.

Ako: "Hindi kaya."

Darrel: "ayan ka na naman eh... denial."

Ako: "Hindi naman talga eh. May kinausap lang."

Darrel: "Mm? Sino naman?"

Ako: "Si Brian."

Bigla naman syang yumuko para makita ang mukha ko.

Darrel: "May ginawa na naman ba syang kahayupan o kagaguhan sa'yo?"

Ako: "wala... wag ka ngang OA."

Darrel: "Eh... anong pinag-usapan nyo?"

Ako: "wala... nagsorry sya at nagpasalamat sa hindi ko pagpapakulong sa kanya."

Darrel: "Hmp! Pasalamat sya't mabait ka... at duon naman kita minahal eh."

Ako: "sus! Bolero" – sabay hampas ng kamay nya na nakayakap sa akin.

Darrel: "Tara... libot tayo?"

Ako: "Paano ang duty mo?"

Darrel: "Kaya nga.. ginagawa ko ang duty ko... ang duty ko sa mahal ko."

Ako: "Engot.. ibig kong sabihin sa school buddy."

Darrel: "aaahhh.. natapos ko naman din lahat kaya ok na. Atsaka, hindi ko hahayaan na matapos ang araw na ito na hindi ko na ide-date ang girlfriend ko." – sabay halik sa noo.

Ako: "mmm.. tara na nga... bago pa tayo langgamin dito..."

He chuckle.

Darrel: "tara."

>>to be continue<<

-------------------------

Sinong nakaka-remember nung tinype kong... "Hate Brian as you want but I'll tell you this... you will love him sooner or later. ." 


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon