23rd post

44 1 0
                                    

Nakadagan ako sa kanya habang sya ay nakasubsob sa damuhan.

Pinipilit nyang tumayo pero di nya kaya dahil na rin sigurgo sa bigat ko.

Darrel: "Hoy biik!! Umalis ka nga jan!!"

Aba't!!

Ako: "Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinaki-usap."

Darrel: "Shit! Ang bigat mo... hindi ako makahinga."

Ako: "aalis ako, pero promise mo sa akin na kaka-usapin mo ako."

Darrel: "Oo na... umalis ka nga jan!"

Umalis ako sa likod nya at umupo sa damuhan.

Bumangon na sya at umupo sa damuhan at hinilot-hilot ang likod.

Ako: "Sorry, sorry kung di kita nasipot kahapon."

Tumayo na sya at naglakad.

Ako: "Hoy! Nagpromise ka sa akin na kakausapin mo ako."

Humarap naman sya sa akin.

Darrel: "Nagpromise ka sa akin na magkikita tayo, ikaw pa nga ang nagyaya eh tapos iindianin mo lang pala ako. Ngayon alam mo na ang feeling na umaasa.... Kulang pa nga yan eh."

Tumalikod na sya at naglakad na papalayo. Tatayo pa sana ako pero hindi ko na talaga kaya dahil na rin sa pagod.

Tinitignan ko na lang syang papalayo sa akin...

NAKAKAINIS!!

Nagpahinga lang ako duon hanggang sa makabawi ako ng lakas...

Mga ilang minutos ay tumayo na ako at naglakad na papa-alis.

Pumunta ako sa tambayan naming magbabarkada...

Pagdating ko duon ay anduon pala silang tatlo.

Shai: "Andyan na ang hindi nagpapakopya."

May halong tonong pagmamaldita na sabi ni Shai pero di ko na lang sya pinansin. Badmood na ako eh.

Kumuha ako ng maiinom at sumindi ng sigarilyo.

Daniel: "May problema ba Shai? Ba't ka pawis na pawis... nag-marathon ka?"

Umupo ako sa sofa.

Ako: "Naghabulan kami ni Darrel." – wala kong ganang tono.

Daniel: "Wow ha... sinong catcher?"

Ako: "Ako... " tumingin ako kela Daniel. "Ganyan ba talga kayong mga lalaki? Ang hilig magpahabol?"

Daniel: "mmm, depende... bakit ano pa lang nangyare?"

Ako: "Nag-away kami..."

Daniel: "Nag-away kayo tapos naghabulan? Ano yun?"

Ako: "Nag-away kami... I mean, galit sa akin si Darrel, ayaw akong kausapin. Nung pumunta ako sa bahay nya ay tinakasan lang ako at hinabol ko naman sya. "

Daniel: "Bakit, ano pala ang ginawa mo na namang tomboy ka?"

Ako: "May-usapan kaming may lakad kami kahapon pero nakalimutan ko at naglagalag kasama si Ellysa. Hindi ko naman aakalain na maghihintay sya ng ilang oras."

Shai: "Yun naman pala..."

Daniel : "Suse, nagtatampo lang yun."

Ako: "No, galit talaga sya sa akin."

Daniel: "Nagtatampo lang yun... maniwala ka sa akin. Hintayin mo na munang lumamig ang ulo nya, tsaka mo sya kausapin."

Shai: "Kung nagtatampo man sya... why you're so affected to it? I mean, di ka naman ganyan ah, lalong lalo na when it comes to guys. Your such a ditchy girl... I mean tomboy."

Ako: "ewan... siguro talaga lang na-attach lang sa akin si Darrel... kainis... imbis na masaya ako ngayon dahil sinagot na ako ni Ellysa, heto ako nakamukmok dahil kay Darrel."

Daniel: "Whow... talaga Sam? Sinagot ka na ni Ellysa?"

Ako: "Oo.. kahapon lang at yun yung dahilan kung bakit ko nakalimutang may lakadkami ni Darrel"

Brian: "Hayaan mo sya kung ayaw ka nyang pansinin... tutal naman din saybit lang naman din sya dito eh. Kung di lang naman sa drama nyo hindi mo sya mapapansin."

Tinignan ko naman si Brian ng masama.

Ako: "Di ka nakakatulong..."

Tumayo na ako...

Daniel: "Saan ka pupunta?"

Ako: "Uuwi... magbibihis at magpapahinga."

Umuwi naman na ako at pagdating ko sa bahay ay sumalubong ang tatay ko.

Dad: "Anak... pwede mo bang papuntahin dito si Darrel?"

Isa pa itong tatay ko.

Ako: "Bakit naman dad?"

Dad: " Ang hirap kasing maglaro ng chess ng mag-isa eh."

I rolled my eyes.

Ako: "Di ko pa sya mapapapunta dito."

Dad: "Oh, bakit naman..."

Huminga ako ng malalim...

Ako: "Nag-away kami ngyon."

Dad: "eh? Ano na naman ang ginawa mo?"

Wow, porket nag-away kami ako kaagad ang may kasalanan? Kung sa bagay... ako naman talaga eh.

Ako: "May usapan kaming lalabas kahapon pero nakalimutan ko. Napaghintay ko sya ng matagal saw ala kaya hayon... nagalit sya."

Dad: "Tsk, anak naman eh. Yun na nga lang ang lalaking tumanggap sa sitwasyon mo tapos kinalimutan mo pa."

Ako: "Wag na lang po kayong magtaka kapag magbi-break kami."

Naglakad na ako pa-akyat sa kwarto ko.

Dad: "Aaah, hindi ako papayag."

Napahinto ako at lumingon sa papa ko.

Anong mini-mean nya na hindi sya papayag?

Naglakad sya papuntang pinto habang may dina-dial. Mga ilang sandali lang ay narinig kong umandar ang isang sasakyan namin atsaka umalis.

Saan papunta si Dad?

>>to be continue<<

____________________________

:-D To the recue si Dad... haha!

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon