20th post

58 1 0
                                    

Kinabukasan...

Kumatok yung katulong sa kwarto ko at pinapasok ko naman.

Katulong: "Ma'am.."

Ako: "Anong ma'am?!!"

Katulong; "Aaahh, sir po pala..."

Ako: "Good!"

Katulong: "Anjan na po boyfriend nyo."

Teka, parang ang sagwa nun ah. Tinatawag nya akong sir tapos may boyfriend ako.

Ako: "Papasukin mo na lang dito."

Katulong: "Ok po."

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na sya.

Darrel: "Pitaka ko." - sabay abot ng kamay.

Ako: "Wow ha, yun agad ang salubong mo sa akin. Nice ka din noh."

He rolled his eyes. Yung totoo, lalaki ba talaga ito?

Darrel: "Ok fine... " he smile. "Good morning darling~"

Ako: "Eerr, never mind... oh heto."

Sabay tapon sa kanya.

Darrel: "Bastos..."

Ako: "Ano?"

Darrel: "Thanks!" binuklat nya ito.

Darrel: "Tinignan mo ba ang laman nito?"

Ako: "Wala ah..."

Darrel: "mm, good."

Ako: "teka, sino pala yung nasa litrato na nasa pitaka mo?"

Darrel: "Sabi mo di mo tinignan ang loob?"

Ako: "Hindi ko nga tinignan.... Sinilip ko lang... sino nga?"

He grin...

Darrel: "Bakit, selos ko?"

Ako: "of course not! Eeew!"

Darrel: "Kung maka-eew ka naman jan para kang babae."

Ako: "Psh! Sino nga?"

Darrel: "Bakit mo ba kasi gustong malaman?"

Ako: "Malay mo, baka matripan kong ligawan... chicks eh."

Darrel: "Hmp! Hahaha!"

Ako: "Oh, ba't ka natawa?"

Darrel: "Sige, try mong ligawan at magiging tatay kita." - natatawa nya pang sabi.

Ako: "Eh?"

Darrel: "Hahaha! Laugh trip men! Hahaha.... Sira kang tomboy ka, pati nanay ko papatusin mo. waahahaha!"

Nagulat naman ako sa sinabi nya at kinuha ang pitaka na nasa kamay nya.

Shit! Oo nga!! Kaya pala pamilyar! Siguro nung kabataan nya pa ito na picture.

Tuloy pa din ang tawa nya.

Ako: "Tawa pa more! Bilaukan ka sana."

Darrel: "hahaha, ikaw pala itong sira eh."

Ako: "sorry lang naman... ang akala ko kasi sya yung babaeng mahal mo na tinutukoy mo."

Bigla naman syang tumigil sa pagtawa at huminga ng malalim.

Darrel: "tara, study na tayo."

Hm?? Bigla ata syang naging seryoso... hindi kaya may sakit sya sa utak?

Ako: "Ba't ba ayaw mong pag-usapan ang babaeng tinutukoy mo?"

Darrel: "Dahil wala na sya, ok?"

Nanlaki naman ang mga mata ko.

Patay na pala... kaya pala ayaw nya ng balikan.

Ako: "Sorry..."

Darrel: "Sige na, study na tayo... bukas na ang exam mo."

Ako: "Ok..."

Umupo na ako at nag-study na kami.

Kinabukasan...

Exam na namin at grabe...

Ang dali kong nasagutan ang mga tanong. Kadamihan kasi ng nagsimalabasan ay yung mga itinuro sa akin ni Darrel.

Isang room kami ni Shai pero lumayo ako sa kanya. Hehe! Manigas sya, pinaghirapan ko 'tong pagstuihan tapos ipapamigay ko lang? Hmp!

Pagktapos ko mag-exam ay lumabas na ako at habang naglalakad ako ay nakita ko si Brian na naka-uposa isang bench. Nang makita nya ako ay tumayo sya at lumapit sa akin.

Nagpatuloy lang naman din ako sa paglalakad kaya sinundan nya ako.

Brian: "Napapansin kong sobra ka ng napapalapit kay Darrel ah?"

Ako: "So?"

Brian: "Ba't si Darrel ang kinuha mong magtuturo sa'yo? Ba't di na ako?"

Ako: "Simple lang... dahil sya ang top 1."

Brian: "So pag-top1 sya na ang kukunin mo?"

Ako: "Hindi naman... pero sya ang una kong na-isip nung kinailangan ko ng tulong."

Brian: "Bakit kami nila Daniel di mo hiningan ng tulong?"

Ako: "Bakit sa tingin mo matutulungan nyo ako?"

Brian: "Sam, top 2 ako... hindi mo ba nabasa sa bulletin."

Napahinto ako sa paglalakad at ganun din sya.

Ako: "Ganun ba..." I smile... "Congrats."

Then nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Brian: "wag ka masyadong magtiwala sa lalaking yun... di mo alam ang totoong ugali nya."

Huminto ako at lumingon sa kanya.

Ako: "The hell I care." Tapos ay nagpatuloy na ako at iniwan sya duon.

Nakakainis na talaga yang si Brian, di naman sya dating ganyan eh.

Tama ba namang siraan si Darre, hello?.. kung di ka ba naman sira.

Tsk, nasira tuloy ang mood ko. Maka-tagay na nga muna...

Lalabas na sana ako ng gate ng makita ko si Ellysa na may kausap na lalaki, nakatalikod kasi kaya hindi ko makita ang mukha. Lalapitan ko sana pero lumingon yung lalaki at nakita ko kung sino...

Ako: "Darrel?"

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon