16th post

51 1 0
                                    

Kinabukasan...

Pumasok na ako sa klase ko at umupo sa pinaka-dulo. Hindi naman ako ganun ka talino para umupo sa harap noh.

Mamaya-maya'y may pinamigay na papel ang si sir. May binigay sa aking isang papel and gosh!

Exam pala naming yun..

Wag nyo ng alamin kung ano ang mga nakuha ko, basta mga mababa.

Sir: "Miss Samantha... "

Itong teacher na ito, kita nya na ngang pormadong lalaki ako miss pa rin tawag nya sa akin. Kung masapak kaya kita para maintindihan mo.

Ako: "Sir?"

Sir: "You will take another exam, kung hindi you will be a returnee... again."

Yup, as you heard... returnee ako ilang beses na. Anong magagawa ko? Eh di ako matalino eh.

Ako: "Yes sir."

Pero sa totoo lang, nakakapagod din ang pabalik-balik ka, same subjects, same teachers... urgh! Kung magbago na kaya ako ng diskarte. Nakakahiya kasi kay Ellysa.

Pangdagag points na rin yun na makakapasa ako... hehe, so mag-aaral ako. She will be my inspiration.

Lumingon naman ako sa may bintana at nakita ko si Darrel na naglalakad at may hawak-hawak na folder. Dire-diretso lang sya at mukhang nagmamadali. Habang naglalakad sya ay pinagtitinginan sya ng mga babae at kinilikilig kahit di naman sila pinapansin.

Grabe din ang appeal ng isang ito.

Hanggang sa makalagpas na sya sa room namin at di ko na sya matanaw.

Iba na talaga basta matalino, palaging busy.

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harapan.

Pagka-uwian ay umuwi na ako agad, wala naman din kaming klase at kailangan kong mag-study.

Sa kwarto ako magsa-study kaya kumuha na ako ng pagkain at maiinom sa kusina para dire-diretso na ako study.

Pagkapasok ko ay nilitag ko na ang pagkain at inumin ko sa mesa. Nagbihis na muna ako.

Umupo at binuklat ang libro.

Ok, first ko pag-aaralan ay trigonometry. Sus, easy lang ito... puro shapes lang naman ito eh. Triangle, Square and etc. Yakang-yaka ito.

After 3 minutes.

Ano 'to?

How to find the x?

Peste, bakit ko pa hahanapin ang x, ano ako tanga? Tapos nya akong lokohin hahanapin ko pa sya?

How do y gets its measurement?

Malay ko, di naman ako sumakat eh.

Solve this problem.

Ay nyeta! May sari-sarili tayong problema, pwedeng sarilinin mo na lang. Ishi-share mo na nga ako pa ang pasasagutin mo.

WAAHHH... naduduling na ako. Puro numbers lang ang nakikita ko!

Ako: "KAAAAIIINIIIIISSSS!!!"

Itinapon ko yung libro sa sobrang inis. Tumama naman ito sa pinto at mamaya-maya ay bumukas ang pintuan.

Dad: "Anak, may problema ba?"

Ako: "Ako wala, yung libro meron."

Dad; "Hah?"

Ako: "dad, kailangan kong magstudy kung hindi magiging returnee na naman ako!"

Kumunot naman ang noo ni papa.

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon