30th post

37 0 0
                                    

Dali-dali akong pumasok sa banyo at pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa sala kung saan sila.

Lumingon-lingon naman ako.

Ako: "Saan si Darrel?"

Shai: "Umuwi na, may gagawin pa daw sya eh."

Ako: "Umuwi ng naka-half naked?"

Daniel: "Pinahiram ng papa ng t-shirt."

Ako: "aaahh.." tumingin naman ako kay Brian. "Brian..."

Brian: "Bakit?"

Ako: "Kapag inulit mo pa ang ginawa mo kanina... hinding-hindi kita mapapatawad."

Brian: "Sorry, ang akala ko lang kasi may ginagawa sya sa'yo eh."

Ako: "Magtanong ka kasi muna bago ka sumusugod."

Hindi na sya umimik.

Shai: "Ano ba ang nangyare kahapon?"

Daniel: "Oo nga... hindi ka naman maglalasing ng sobra kung walang dahilan?"

Lumingon-lingon ako.

Ako: "Saan si Dad?"

Daniel: "Umalis si Tito kaya ok lang na pag-usapan ang pagpapanggap nyo."

Ako: "Si Ellysa kasi..."

Brian: "Ano naman ang kinalaman nya?"

Umupo ako sa sofa na katabi ni Brian.

Ako: "Nadiskubre ko na ginagamit nya lang pala ako... nilioloko nya lang ako."

Shai and Daniel: "WHAT?!!"

Kumunot naman ang noo ni Brian.

Daniel: "At saan ka naman nya ginagamit?"
Ako: "para magkabalikan sila ni Darrel."

Shai: "oh... my..."

Daniel: "God! Oo nga pala...naging sila pala!"

Brian: "Si Darrel pala itong dahilan ng panloloko sa'yo ng ni Ellysa pero sya ang tinawagan mo ng lasing ka."

Ako: "Aksidente ang pagkakatawag ko sa kanya. Lasing na lasing ako... hinanap ko yung D as in Driver pero ang napindot ko ay D as in Darrel."

Daniel: "Alam ba ni Darrel?"

Ako: "Oo... anduon pa nga sya nung ginantihan ko si Ellysa eh."

Shai: "Sinuntok mo sya? Pero nagkasalubong kami kahapon wala naman syang pasa ah."

Daniel: "Malay mo binudigahan nya."

Ako: "I kiss Darrel in front of her."

Nagulat naman silang tatlo sa sinabi ko.

Si lang tatlo: "WHAT??!!"

Ako: "I heard na mahal nya pa si Darrel at timing na anduon din si Darrel kaya hinalikan ko ang taong mahal nya. I gave her a sweet revenge."

Daniel: "Pero... bakit parang hindi ka affected?"

Ako: "Affected.. nasaktan ako ng sobra-sobra, nagpakalasing nga ako di ba? Pero... siguro sa comfort na rin ni Darrel sa akin kaya medyo ok na ako."

Shai: "Kung sa bagay... kaw ba naman yakapin ng buong gabi, di ka maco-comfort."

Kumuha naman ako ng unan at ibinato sa kanya.

Ako: "Sira ka..."

Daniel: "Anong sabi ni Darrel?"

Ako: "Ang sabi nya... hindi nya naman daw talaga minahal si Ellysa, naging panakip butas lang nya ito nung mga panahong broken hearted sya."

Shai: "And who is the lucky girl?" - ngiting-ngiting tanong ni Shai pero alam kong alam nya na ako 'yun.

Ako: "Fine... ako. Yun yung time na nililigawan nya ako but then naging kami ng first gf ko."
Daniel: "BINGO!!"

Brian: "At nani-wala ka naman?"

Natahimik naman kaming tatlo.

Ako: "O-oo..."

Brian: "Paano kung nagsisinungaling sya? Paano kung niloloko ka rin nya gaya ni Ellysa?"

Natahimik naman ako at napayuko.
Tumayo naman bigla si Daniel and clap his hands once..

Daniel: "Hay nako... napaka nyo! Tara labas tayo. Brian, kesa dina-down mo pa lalo si Sam mas mabuti pang tulungan natin syang maka-move on. Ok?"

Brian: "Ok fine."

Shai: "Tara... gala tayo." - sabay tayo ni Shai at Brian.

Ako: "Ok.. bihis muna ako." Tumayo na rin ako pero biglang hinawakan ni Brian ang braso ko kaya napahinto ako.

Brian: "wag ka masyadong magtitiwala sa kanya. Trust me."

Brian's look makes me shiver.

Daniel: "Briaaaan."

Binitawan nya na ako at naglakad na ako papasok ng kwarto.

Ano bang problema ni Brian kay Darrel at mainit ang dugo nya dito?

>>to be continue<<

------------------------------
-_- Oo nga naman noh?
Kayo readers, alam nyo?

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon