53rd post

55 0 0
                                    

Kinabukasan...

Ako: "SHAAAAIIII!!!"

Shai: "Pakshit naman Sam eh, ano kailangan mo? Ang aga-aga tumatawag ka!"

Ako: "Kita tayo sa mall mga 9:00 am ah..."

Shai: "Ehh? Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

Ako: "Sunday..."

Shai: "Yes, Sunday... it's my rest day!"

Ako: "At alam mo ba kung anong araw bukas?"

Shai: "Monday.... Ano namang ngayon?"

Ako: "Yes, it's Monday andit means pasok na bukas."

Shai: "So?!"

Ako: "Urgh! Shai please help me kung anong isusuot ko bukas... wala akong maisip na susuotin eh."

Shai: "Gosh Shai... bakit magga-gown ka ba bukas? May welcome party ba na ikaw lang ang imbitado?"

Ako: "Shai hindi naman yun eh... gusto ko kasing maging presentable bukas kapag kasama ko si Darrel... syempre.... G-girlfriend na nya ako."

Shai: "haaaayyiisshh!! Buti pa bumalik ka na lang sa pagiging tomboy at least kapag pumupunta ka sa mall di mo ako iniistorbo."

Ako: "At bakit... sino ba ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito? Sino ba ang nagset-up sa akin? Di ba kayo? Kaya tulungan nyo ako."

Shai: "Si Darrel na lang pala ang pasamahin mo?"

Ako: "Ayaw... gusto ko kasi syang sorpresahin."

Shai: "Hay na lang.. kung gusto mo syang sopresahin ba't hindi na ka na lang pumasok sa isang malaking karton at ipadeliver sa bahay nya, kapag nasa harap na sya ng karton lumabas ka sabay sabing "Bulaga!""

Ako: "Ha-ha, nakakatawa.. sige na, 9 ha... humanda ka kapag hindi ka sumipot."

Shai: "Fine! Tsk!"

Ibinaba ko na ang cellphone ko at nag-ayos na para mamayang lakad namin.

Mga 9 o'clock na ay nasa mall na ako at mamaya-maya lang ay dumating na sila Shai.

Tumitingin naman sa akin si Shai na inis na inis...

Ako: "oh... asan si Daniel?"

Shai: "Wala... ayon, tulog pa."

Ako: "Eh sinong magdadala ng bibilhin natin?"

Shai: "at ginawa mo namang kargador ang babe ko."

-_- Pero nung pinipilit nya akong maging babae halos gawin nyang kargador si Daniel araw-araw.

Ako: "Ok fine... tara na."

Shai: "Wait... may hihintayin muna tayo."

Ako:: " Ang akala ko ba tulog pa si Daniel?"

Shai: "Oo."

Ako: 'Eh sino pang hihinayin natin?"

Shai: "Wait..."

Lumingon-lingon naman si Shai na parang may hinahanap.

Sino pa bang hinihintay nya?

Shai: "Oh, ayan na pala sya eh."

Ako: "Hah?"

Lumingon naman ako at nagulat ako sa nakita kong lalaking papalapit sa amin.

Darrel: "Kanina pa kayo?"

Shai: "Di naman... so kaw na bahala sa gf mo ah."

Ako: "Shai!"

Darrel:" Aahh ikaw pala?"

Shai: "uuwi na ako ulit, baka binangungot nayung isa duon sa bahay."

Ako: "Shai di ba sabi ko...-"

Shai: "Byeeeii!" sabay alis.

Ako: "Hoy Shai!!"

Kumaway lang sya habang nakatalikod sa amin.

Ako: "Ay na... sabi ko sya lang eh."

Darrel: 'Bakit, ayaw mo akong makasama?"

Ako: "Hah? Hindi naman sa ganun pero..."

Darrel: "Pero...?"

Ako: "Syempre... bibili ako ng damit para bukas, panlalaki na kasi lahat yung nasa drawer ko kaya..."

Darrel: "Kaya..?"

Ako: "Kaya na-isipan kong bumili ngayon para maging presentable bukas kapag kasama ka."

Darrel: "ba't mo naman biglang naisip yan?"

Ako: "Sympre... girlfriend mo na ako kaya... k-kaya dapat magpak... ano... magpakababae ka ako."

Darrel: "Hmp!"

Ako: "Wag mo na nga akong pagtawanan!"

Darrel: "Hay nako... alam mo Sam hindi basehan ang damit, porma, hubog ng katawan, mukha o kahit ano mang bagay ang pagiging babae kundi nasa sa'yo yan simula pagkapanganak sa'yo. Atsaka, ba't mo naman kailangan magsuot pangbabae... minahal nga kita kahit tomboy ka pa eh. Kaya kahit ano pa yan, hinding-hindi magbabago pagtingin ko sa'yo."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Ako; "Sure?"

Darrel: hundred percent sure!"

Ako: "Kung ganun naman pala tara uwi na lang tayo."

Darrel: "Uwi agad? Sayang pamasahe ko eh."

Ako: "Bakt, ano pa bang gagawin natin dito?"

Hinwakan nya ang kamay ko at nagisimula ng maglakad at ganun din ako.

Darrel: "Itutuloy natin ang nag-udlot nating date."

Ako: "Sige ba.."

Kung sabagay... ano bang paki-alam ko sa mga taong titignan kami?

Bahala sila sa buhay nila, pagchismisan nila ako all they want basta, kasama ko ang taong mahal ko at mahal ako.

>>to be continue<<

--------------------------

-_- I'm very down this day... sana di maka-apekto ito sa story.

H/


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon