26th post

62 3 2
                                    

Naglalakad ako papalapit sa kanila habang masama ang tingin ko kay Ellysa, dahil na rin sa takot ay napa-atras sila pero hindi ko sya ginalaw. Dinaanan ko lang sila at lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay ibinaling ko ang tingin k okay Darrel.

Darrel: "Anong nangyare, ba't namumula yang mata mo?"

Ako: "Just shup up." Mahina ko pang sabi with my seductive tone.

I put my hands around his neck at hinatak iyon para lumapit at mukha nya sa akin then I kiss him.

They all gasp sign ng pagkagulat.

At first ako lang ang humahalik kay Darrel pero makalipas lang ang ilang sandali ay hinahalikan nya na ako.

So, we are kissing in front of Ellysa... that biatch.

Darrel put his arm around my waist at mas lalo nya pang idinikit ang katawan ko sa katawan nya.

Tumagal din ng kaunti ang halikan namin then we both separate our lips pero hindi ko inilalayo ang mukha ko sa kanya.

Ako: "Ride in..." mahina ko pang sabi.

Darrel: "I know."

I hug Darrel.

Ako: "Ikaw kasi eh... wala ka ng time sa akin." –the duon ko na ibinuhos ang luha ko na kanina pa gusto kong kumawala... Sobrang sakit eh.

Darrel: "Sorry na nga di ba? Babawi ako promise." –then he hug me too.

Humiwalay naman ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinwakan nya ang pisngi ko, he look at me with a worry face.

Darrel: "Hindi mo naman kailangang gumamit ng ibang tao para pagselosin ako eh kasi kahit hindi lang kita maka-usap ng isang araw malulungkot na ako, paano pa kaya pag nakita kitang magkasamang iba."

Tuloy pa din ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Darrel: "Hoy tama na... bati naman tayo di ba?"

Ako: "hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko kung mawawala ka eh."

He smile...

Darrel: "Hindi ako mawawala sa'yo, promise."

Then he kiss me on the forehead pagkatapos nun ay pinunasan nya ang mga luha ko.

Humarap ako kay Ellysa na gulat na gulat sa mga nangyare.

Gusto ko syang bulyawan at sapakin pero hindi ko kaya... mahal ko sya eh.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Ako: "Ellysa, sorry kung ginamit kita. Sa totoo lang kasi pinapagselos ko lang itong si Darrel."

Pero dapat ikaw ang magsorry.

Ako: "Break na tayo." – yung mga salitang yun ang pinaka-ayaw kong banggitin sa kanya.

Hinawakan ni Darrel ang kamay ko.

Darrel: "Lets go?"

I nod.

Then naglakad na kami palayo sa kanila...

Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante, baka nakita nila ang lahat ng ginawa namin.

Habang naglalakad kami ni Darrel ay magkaholding hands kami pero walang kibuan, walang nagsasalita.

Nung nasa field na kami at wala ng estudyante ay huminto ako sa paglalakad at ganun din sya. Humarap ako sa kanya at tinignan sya ng masama.

Ako: "Ba't hindi mo sinabi?"

Darrel: "hah?"

Ako: "Ba't hindi mo sinabi sa akin na ex mo pala si Ellysa?"

Darrel: "She told you?"

Ako: "Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko!!"

Darrel: "Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong magkakaganito lang... pero nakaraan na yun."

Ako: "Pero mahal ka pa rin nya... at sobrang sakit nun sa akin kasi ang mismong kaibigan ko pa ang kaagaw ko sa mahal ko eh."

Nanginginig na ang boses ko at tumulo na naman ang mga luha ko.

Darrel: "Sam, hindi mo ako kaagaw sa kanya ok. Binalaan na kita na gagamitin ka lang nya."

Ako: "Pero ba't hindi mo sinabi ang dahilan?!"

Darrel: "Bakit, maniniwala ka ba? May magbabago ba? Di ba wala?"

Ako: "Mahal mo pa ba sya? Sagutin mo ako ng totoo..."

Darrel: "Hindi... at kahit kailang hindi ko sya minahal, kahit nung naging kami. Ni hindi nga umabot ng isang linggo ang relasyon namin at hiniwalayan ko na sya."

Ako: "Kung ganoon bakit mo sya niligawan? Bakit naging kayo."

Darrel: "Anong sinabi nya? Na niligawan ko sya? Na baliw na baliw ako sa kanya?"

I nod.

Darrel: "Kapal talaga ng mukha nun... This is the truth, naging panakip butas ko lang sya. I'm broken that time nung sinabi nya sa akin na kaya nyang maging panakip butas hanggang sa mahallin ko sya. Of course dahil sa sakit na nadarama ko pumayag ako pero di ko maatim na gumagamit ako ng ibang tao para lang makalimot kaya nakipaghiwalay na ako sa kanya. Pero hindi nya yun tanggap.

Nilayuan ko sya, iniwasan at isang araw nabalitaan ko na lang na sila na ng bestfriend ko. Yun pala ginamit nya lang yun para makalapit sa akin at dahil din duon kaya nag-away kami ng bestfriend ko. Katulad ng nangyayare ngayon."

Ako: "KANINO KA BA KASI BROKEN AT KAILANGAN MO PANG GUMAMIT NG IBANG TAO??!!"

Sobrang sakit na kasi... kailangan ko ng ilabas kasi para na akong sasabog.

Darrel: "SAYO!! SAYO AKO BROKEN NUNG MGA PANAHON NA 'YON! NUNG NILIGAWAN KITA PERO BINASTED MO LANG AKO!!"

Umatras ang dila ko at napalunok sa mga narinig ko.

Ako?... Sa akin sya broken hearted??

>>to be continue<<

-------------------------------------------------

:-D Habit ko na atang mambitin every post...nyahahahaha!!

?Ok~u

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon