73rd post

42 0 0
                                    

Samantha's POV

Nagising ako kina-umagahan na mugto ang mga mata ko pero bumangon pa din ako at naligo na para pumasok sa school.

Mag-uusap pa kami ni Darrel, ipapaliwanag ko sa kanya lahat....

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at pababa na ng hagdan ng makita ko si Dad.

Dad: "Saan ka pupunta?" seyosong tanong nya sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad.

Ako: "Aahh... Dad papasok na po ako sa school."

Biglang umiba ang tingin sa akin ni Dad... I shiver while he's looking at me.

Dad: "Hindi ka na papasok... ipina-drop na kita sa school."

Bigla akong nanlumo sa narinig ko.

Ako: "But Da... dalwang buwan na lang matatapos na ako sa semester na ito."

Dad: "At ano... makikipaglandian ka na naman sa mga girlfriend mo?! Wag mong gawing dahilan ang pag-aaral mo para lang makipag-landian sa kapwa mo babae!!"

Ako: "H-Hindi na po ako nakikipaglandian sa kapwa ko babae... Dad maniwala kayo, matagal ko na po iyon itinigil simula nung maging kami ni Darrel."

Dad: "Akala mo ba mapapaniwala mo na naman ako sa kalokohan mong bata ka!! Hindi na... dahil nawala na ang pagtitiwala ko sa iyo. Simula sa araw na ito dito ka lang sa bahay! You are grounded until I say so!!"

Ako: "Dad paniwalaan mo naman ako oh... totoong kami na talaga ni Darrel... mahal ko po sya at-"

Dad: "Asan sya ngayon?!! Sigurado akong nagtago na yun sa palda ng nanay nya dahil sa nalaman kong bayaran at kakapalan ng mukha nya!!"

Ako: "Dad hindi po ganuon si Darrel..."

Dad: "Asan nga sya?! Di ba wala?!... "

Kinagat ko ang lower lip ko at pinipigilang hindi tumulo ang mga luha ko.

Dad: "Ano? Iiyak ka na naman? Magpapa-awa?! Bakit hindi ka ba naawa sa akin? Sa ginawa mo?!"

Bigla kong nakitang nahihirapan na namang huminga si Dad.

Tumalikod na ako at naglakad papunta sa kwarto ko.

Pagkarating ko ay isinara ko agad ang pinto at hindi ko na napigilan ang mga luha ko't bumagsak na.

Isinalampak ko ang katawan ko sa kama, kinuha ko ang kama at niyakap ito't duon umiyak.

Darrel... asan ka ba?

Kinuha ko ang phone ko at tinry syang tawagan pero cannot be reach pa rin.

Please.. sagutin mo na...

I need you....

Pumunta ako sa message at nag-type.

Kahit na malabo ang paningin ko dahil na rin sa luha ko na gumigilid sa mga mata ko.

"I need you now please."

Iniscan ko na ang recipient ko para hanapin ang number niya. Nang nasa letter B na ako ay bigla na lang may may kumuha ng phone ko na syang ikinagulat ko.

Napabangon akong naka-upo at napaharap sa kumuha ng phone ko.

Ako: "Dad.. akin na po yan." – nanginginig ko pang boses na sabi.

Dad: " You're grounded! Hindi ka lalabas ng bahay at bawal ka ring mag-cellphone at telepono!'

Nangmapatingin ako sa cellphone ko biglang napalaki ang mga mata ko dahil sa nabasa ko.

"Message send to Brian."

Gawa na rin ng touchscreen at sensitive kaya napindot ni Dad ng hindi sinasadya.

Ini-ooff ni Dad ang phone ko at ibinulsa.

Ako: "Dad.. please wag mo naman po itong iton gawin sa akin oh."

Hindi na umimik si Dad at lumabas na lang ng kwarto ko at isinara ang pinto pabagsak.

Wala akong magawa kundi ang umiyak.

Makalipas ang sampun minuto ay biglang may pumasok sa kwarto ko.

Ako: "B-Brian?!"

Hingal na hingal itong lumapit sa akin.

Brian: "Anong nangyare sa'yo? May nangyare bang masama? Ano?"

Sasabihin ko sanang hindi sya ang talagang tinext ko ng ganun, na wrong send lang ako pero matapos kong makita ang lubos na pag-aalala nya sa akin ay hindi ko na napigilan ang sarli ko.

I hug him tight and once again...

I cry on his shoulder.

Ako: "Ba't ba walang naniniwala sa akin? Totoo naman ang mga sinasabi ko?"

He hug me back.

Brian: "Naniniwala ako sa'yo..."

Ako: "Brian ang sakit kasi yung dalawang lalaking mahal na mahal ko hindi na ako pinapaniwalaan... galit silang pareho sa akin. Ba't ba ako nasa sitwasyong ganito? Bakit ba ako nasasaktan ng sobra?!"

Brian: "May isa pang lalaking mahal na mahal ka at paniniwalaan ka kahit anong mangyare at kahit kailan hinding-hini magagalit sa'yo... hindi ka dapat sa sitwasyon na ito, pero andito lang ako."

Ako: "Ayoko na... gusto ko ng mamatay sa sobrang sakit."

Brian's POV

Matapos ko ng marinig ang sinabi nya ay para akong natakot.

Kilala ko si Sam, kapag na-isip nya'y gagawin nya.

Brian: "h-hindi ka nag-iisa, ok? Andito ako... palagi akong nasa tabi mo. Hindi sago tang pagpapakamatay Sam, tandaan mo yan."

Samantha: "Please Brian... wag kang aalis sa tabi ko. Hindi ko na kakayanin kung wala na akong masasandalan. Baka ano mang oras babagsak na ako."

Brian: "Hindi... hinding-hindi ako aalis. Palagi lang ako andito para alalayan ka't masasandalan mo."

Patuloy pa rin sya sa pag-iyak.

Alam ko kung gaano kasakit ang sitwasyon ngayon ni Sam dahal ganito rin ang naramdaman ko nung mas pinili nya si Darrel at mas lalong humirap dahil nagawan ko sya ng kababuyan na simula ng paglamig nya sa akin.

Pero kahit na ganun di ako nagtanim ng galit, kahit sobrang sakit na hindi ko pa rin sya binitawan.

Mahal ko pa rin sya.

>>to be continue<<

----------------------------

As I promise... Saturday. Hehe.

May bago atang love team...

#SamIan Samantha <3 Brian

For a change lang naman.

��ZR �1�


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon