9th post

60 0 0
                                    

Makalipas pa ang dalawang araw ay naging ganun lang din ang routine naming ni Darrel. Susunduin ako, papakililigin ang papa ko, pagkatapos ah ihahatid pa-uwi.

Pagdating naman sa school ay balik sa dati, na parang wala lang. Tuloy pa rin naman ang panliligaw k okay Ellysa. Wala naman si papa dito kaya walang problema.

May dala-dala akong bouquet of roses for Ellysa.

Hinitay ko naman matapos ang klase nya. Nakatayo ako sa may corridor sa harapan ng room nila.

Hbang naghihintay ay lumilingon-lingon ako. Baka kasi makita ko sila Daniel pero iba ang nakita ko.

Si Darrel kasama ang student buddies.

May isa naman babae ang kung makakapit kay Darrel ay akala mo took. Tsk, landi!

Hoy readers hindi ako nagseselos ah, nakaka-irita lang kasi mga ganyang babae.

Mamaya-maya naman ay nagsilabasan na sila Ellysa. Umayos na ako ng tayo at ini-ready ang bulaklak na ibibigay sa kanya.

Ako: "hay Ellysa... flowers for you." – iaabot ko na sana ang kaso ay bigla akong napalingon sa sigaw.

Daniel: "Samantha!! Andyan si Pader! I mean, tatay mo!!" Nanlaki ang mga mata ko at biglang nataranta.

Oh no... makikita nya ako, baka ma-buko ako.

Paglingon ko ay timing na papalapit na sa amin si Darrel na may kausap at nakadikit pa din sa braso nya si ms. Toko.

Oh no... paglingon ko, andyan nga talaga si Papa.

Mabilis ko naman hinablot si Darrel at itinulak ang babaeng kanina pa nakadikit sa kanya. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Ipinahawak ko sa kanya ang flowers na ibibigay ko sana kay Ellysa at hinawakan sya sa braso.

Paglingon ko, nasa harapan na pala namin ang tatay ko... Nakita nya ba ang ginawa ko?

Darrel: "Dad!"

Halos di naman ako makatingin kay Ellysa na nagtataka din sa nanyayare.

Dad: "Darrel.. bakit may hawak-hawak ka na flowers?"

Darrel: "Hah?" –tinignan naman ni Darrel ang bulaklak.

Ako: "Ibigay mo yan sa akin." – bulong ko pa, pero alam kong narinig nya yun.

Darrel: "Aaah, para ito kay... kay Dar-" di nya natuloy dahil kinurot ko ang braso nya. "Samantha."

Sabay abot sa akin... takte, yung feeling na ako ang bumili ako din pala ang pagbibigyan. Urgh!

Ako: "Thank you." then fake smile.

Dad: "Aaaahhh, ang sweet naman."

Gusto ko ng masuka promise!

Darrel: "Dad, ano nga po pala ang ginagawa nyo po dito?"

Dad: "aaah, napadaan lang ako. Gusto ko kasing makasigurado na ok kayo at... hindi nyo ako niloloko."

Darrel: "Niloloko? Hindi po!" hinawakan nya ako sa balikat at hinatak papalapit sa kanya. Bale ngayon, super dikit na namin sa isa't isa.

Kinurot ko naman sya sa legs nya.

Ako: "Humanda ka sa akin mamaya." Bulong ko pa.

Dad: "mmm.. I trust you... both of you naman. So, aalis na ako ah. Darrel, ingatan mo ang princess natin ah."

Darrel: "Opo... Dad."

Dad: "Samantha?"

Ako: "Yes Dad..."then umalis na ang papa ko.

Nung tuluyan na syang umalis ay bigla kong sinikmuraan si Darren.

Darren: "Pakshit *cough! cough!*"

Ako:"may paakbay-akbay ka pang nalalaman?!!"

Nang nakabawi na sya ng hagin ay tumayo sya ng maayos.

Darren: "Eh bakit. Sino ba itong bigla-bigla na lang humahatak?"

Ako: "May kaharutan kang ibang babae paano kung nakita ka ng papa ko."

Darren: "Wow, nagsalita... ikaw nga itong nagliligawan sa harapan ng corridor with bouquet pa... sino kaya sa atin ang mas malala?"

Daniel: "Uyh, nagseselosan..."

Student: "Ayyyeeehhhh..."

Ako: "MGA BWISIT!!" sabay balibag ng bulaklak at nag-walk out.

Darrel: "Hoy tomboy! Nagkalat ka pa dito!"

Di ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon