10th post

63 0 0
                                    

Wala akong pinansin ni isa sa kanila. Umabscent ako sa sumunod ko pang mga klase at naglagalag.

Tawag ng tawag ang mga kabarkada ko pero hindi ko sinasagot. Sobrang badtrip ko, letse!

Asar na nga ako, inaasar pa ako.

Umuwi ako ng mga 6:35 pm na, tamang-tama at wala pa si papa. Kumain muna ako sandali at pagkatapos ay pumunta na sa kwarto ko.

Kinabukasan...

Naglagalag muna ako at pagkatapos ay pumunta sa isang tindahan.

Ako: "Ale, isang Marlboro daw po." – nagbigay ako ng pera atsaka ko kinuha ang sigarilyong ini-abot sa akin ng tindera.

Sininidhan ko na atsaka humigop ng usok. Nag-stay na muna ako sa tindahang iyon at may lumapit naman na lalaki, bibili ata.

"Ale, pabili po ng toyo... datu puti po yung sakto pack lang." – familiar ang boses nya pero hinayaan ko na lang.

"ang aga-aga naninigarilyo." – sabi pa nya. Aba't pake-alamero.

Liningon ko para umbagan na, pero natigilan ako ng makita kung sino ito.

Ako: "Darrel?"

Bigla nyang kinuha ang sigarilyo ko at tinapon sa kanal.

Darrel: "Di ba sabi ko, tigilan mo yang paninigarilyo mo. Alam mo naman sigurong masama yan sa katawan.'

Ako: "Paki-alam mo ba?!"

Lumingon ako sa tindera.

Ako; "ale, pabili pa po ng isa."

Kukuha pa sana ang ale ng bigla itong pigilan ni Darrel.

Darrel: "Manang wag... may sakit po sya sa baga. Sige kayo, kapag ito namatay dahil sa sigarilyo nyo konsensya nyo na yan."

Bigla namang natakot ang tindera.

Ako: "Wag kayong maniwala po dito... di po totoo yun."

Darrel: "Alam nyo naman po ang adik sa bisyo, gagawin ang lahat pati pagsisinungaling."

Ale: "Naku ineng... tigilan mo na ang paninigarilyo mo. Kawawa naman ang kasintahan mo."

Ako: "What? Hindi ko pa ito boyfriend noh."

Ale: "Hindi naman sya ang tinitukoy ko."

Hah?

Darrel: "Ilusyunada kasi." Bulong nya pa.

TInignan ko sya ng masama atsaka naglakad na paalis.

Habang naglalakad ako nasa gilid naman sya at sinusundan ako.

Ako: "Sinusundan mo ba talaga ako?"

Darrel: "Yuk! Ikaw susundan ko... asa. FYI sabado ngayon kaya day-off ko sa pagpapanggap."

Ako: "Oh, eh ba't ka nakasunod sa akin?"

Darrel: "Eh ito din daan papuntang bahay namin eh."

Ako: "Whatever..."

Naglakad lang kami ng tahimik...

Mamaya-maya'y lumiko na sya at lumapit sa isang gate.

Buti naman..

Maglalakad na sana ako ng bigla kong makita ang isang magbabarkada na papalapit na sa kinaroroonan ko.

Shaks!!

Kailangan kong magtago!

Naglingon-lingon ako at nakita ko si Darrel na binuksan na ang gate. Dali-dali akong lumapit sa kanya.

Ako: "Darrel!"

Darrel: "Nheow?!"

Ako; "Pwede pumasok?"

Darrel: "Hah?Bakit naman?"

Ako: "Nakita mo yang dalawang babae, dalawang tomboy at isang lalaki?"

Tinignan naman yun ni Darrel.

Darrel: "Oo.."

Ako: "Kailangan di nila ako makita kundi titirahin ako nyan."

Darrel: "Bakit naman?"

Ako: "Kalaban namin yan... kailangan kong mag-tago."

Darrel: "Sus, ang tapang-tapang mo kapag andyan sila Daniel pero kapag wala tumitiklop ka naman."

Ako: " Engot! Sa tingin mo kakayanin ko silang lima? Sira ka ba?"

Darrel: " Ngayon mo ilabas ang tapang mo!"

Pumasok na sya at isasara na sana ang gate pero pinigilan ko ito. Nagtutulukan lang kami. Sya sa likod ng gate para isara at ako naman sa harap at pinipigilan ang pagsara nya.

Darrel: "Hoy! Bahay ko 'to kaya may karapatan akong di ka payagan."

Sumilip ako para makita ko kung saan na silang lima. Shit! Malapit na sila...

Ako: "Please Darrel... Please! Nagpromise ka sa papa ko na iingatan mo ako."

Teka, ba't ko yun nasabi.

Bigla nya namang hinatak ang gate papabukas. Full force ang pakakatulak ko kaya nasama ako sa pagkakahatak nya ng gate at na-out balance ako. Bigla akong nasubsob sa kanya kaya pati din sya ay natumba. Nakahiga sya sa simento at ako naman ay nakadagan sa kanya.

Bigla na lang akong nakarinig ng sigaw.

"Mama! Mama! Si kuya bumili lang ng tayo may dala ng lalaki!"

Shaks! Nakakahiya ang position namin.

r

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon