63rd post

53 0 0
                                    

Pagkatapos namin magka-usap at magka-ayos, pinapunta ko na sya sa office nila dahil siguradong madami syang ipapaliwanag sa mga board of directors atsaka sa principal.

Hahayaan ko na muna syang magtrabaho at gawin ang tungkulin nya basta lang wag syang makikipaglandian sa mga malalanding yun kundi magkakaroon talaga ng part 2 ang pag-aaway namin.

Sumama naman ako kela Daniel at Shai sa paglilibot at heto ako ngayon... tinutukso na naman nila ako about sa nangyare kanina.

Shai: "Ayyyeeh... haba ng hair mong tomboy ka ah, may pa special announcement ka pa sa stage." – kilig na sabi ni Shai.

Ako: "Hoy Shai, hindi ko ginusto yun noh! Sya lang yun..."

Shai: "Pero... Nagustohan mo?"

Ako: "O-oo... kahit naman sinong babae kikiligin sa ginawa nya eh." – sabay pout.

Shai: "Hehe... ssuuuss pakipot pa."

Ako: "Oo na... oo na ok, para matapos na. Saan tayo pupunta?"

Shai: "Sa puso ni Darrel... ayh ikaw lang pala."

Ako: "Seryosong usapan Shai, saan?"

Daniel: "Sa mga booths muna kaya tayo.." – suggestion nya.

Ako: "Hay salamat sumagot din na matino... tara na."

Then naglakad na kami papunta sa mga booths.

Habang naglalakad kami ay pinatitinginan kami... I mean, ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

Pakshit naman oh... ngayon lang ba sila nakakita ng tao?

Kung makatitig wagas!

Napansin naman ni Daniel na naaasar na ako sa mga taong nakakatitig sa akin kaya bigla syang lumapit sa akin at bumulong.

Daniel: "Hayaan mo na yan sila, naiingit lang yan."

Ako: "Eh nakaka-inis na eh." Bulong ko pa.

Daniel: "Kung papansinin mo pa yan sila ikaw lang din ang masisira nag araw... sige ka."

Ako: "Psh! Fine."

Gaya nga ng sabi ni Daniel, hinayaan ko na lang silang tumitig sa akin at nag-enjoy na lang kami sa mga laro, sa pagkain at sa kung ano-ano pa...

Pero mas masaya sana kung andito sya.

Habang nasa isang booth kami ay bigla akong may naramdaman.

Ako: "Aaahh guys." – napalingon naman silang dalawa.

Ako: "CR muna ako... iihi lang."

Shai: "Ok.. wait ka na lang namin dito."

I nod.

Nagsimula na akong maglakad papuntang CR.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng cubicle at humarap sa salamin para mag-ayos ng buhok.

-_- nahihirapan pa rin ako na mahaba ang buhok ko.. na sanay kasi ako sa boy cut.

Habang nag-aayos ako ay may biglalumapit sa akin, hindi ko na nilingon dahil kita ko rin naman sa salamin.

Ako: "Anong kailangan mo?" – sabi ko habang patuloy pa rin sa ginagawa ko.

Ellysa: "Ganyan ka ba bumati sa ex mo?"

Ako: "mmm.. yeah. Ganun talaga ako eh."

Ellysa: "So ganun din ang pagbati mo kapag naging ex mo na si Darrel?"

Lumingon na ako sa kanya at tumingin ng diretso sa mga mata nya.

Ako: "Yeah... I'm hundred percent sure that could not be happen... siguro naman nakita mo kung ano ang ginawa ni Darrel kani-kanina lang to show how much he love me. And for sure, never nya iyon ginawa nung naging kayo."

Ellysa: "Sorry pero... wala ako duon at kung nanduon ako... magsusuka talaga ako."

Ako: "Yeah.. yan naman ang hilig mo eh... ang magkalat."

Halata sa mukha nya ang pagka-inis.

Ako: "Ano? Gusto mo akong itulak kagaya ng ginawa mo sa akin? Sige... sa tingin mo, sino ang paniniwalaan at pipiliin ni Darrel?"

Nakita ko namang kinuyos nya ang kamay nya at kumunot na ang noo nya.

Ako: "Kung ako sa'yo Ellysa, itigil mo na ang kahibangan mo kasi kahit kalian hinding-hindi ka mamahalin ni Darrel kasi kahit na kailan hindi ko bibitawan ang taong mahal ko at mahal ako. Pinapagod mo lang ang sarili mo."

Naglakad na ako papalampas sa kanya at papalabas na ng pinto.

Ellysa: "You'll see... magkakahiwalay din kayo! A lesbian like you will remain a lesbian."

Humarap ako sa kanya at nakita ko syang maluha-luha na.

Ako: "Yes you're right... but though, he will never be yours."

Humarap na ako sa pintuan at lumabas na ng banyo at iniwan sya duon.

Ang kapal talaga ng mukha nya... kung makapagsalita sya!

Habang naglalakad ako at malalim ang iniisip ay bigla akong may nabunggo.

Bumaon ang mukha ko sa chest nya pero agad nama akong umatras at hihingi ng sorry.

Ako: "Ah sorry p-"

Natulala ako at ganun din sya.

Halata sa mukha nya ang pagkagulat maskin ako.

Napalunok ako bigla at biglang may kung ano't nanginig ako sa takot.

Ako: "B-Brian..." – nanginginig ko pang sabi.

>>to be continue<<

--------------------------

Waaahh sorry now lang nakapag-UD... busy much kasi. Alam nyo na, college life. Hehe!


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon