58th post

53 0 0
                                    

Pumasok naman ako agad.

Hindi na ako pinigilan o pinahinto ng guard kasi nga kilala na nya ako.

Umupo kaagad ako sa isang table na kalapit ng bartender.

Ako: "Isa ngang beer."

Trip kong mag-beer kahit tanghaling tapat, paki alam ba nila.

May nagbigay naman sa aking isang basong may laman at ng inomin ko ito ay malapit ko ng maibuga.

Ako: "Pakshit! Sabi ko beer hindi nestea!"

Paglingon ko, nakita ko ang pinsan kong ngiting-ngiti.

Ako: "Psh!"

Wesley (sya ang pinsan ko sa side ng papa ko): "Yan ang bagay na inumin mo, para naman lumamig yang ulo mo."

Ako: "wag mo na nga akong paki-alaman pinsan!"

Wesley: "Ano ka ba?! Tanggaling tapat iinom ka? Sira na ba ang ulo mo?"

Ako: "Psh! I'm 20 years old and soon to be 21 so stop treating me like a kid!"

Wesley: "But, you're still 20 so pagchagaan mo na muna yang ice tea."

Iritang-irita talaga ako sa pinsan kong ito. He always treat me na parang bata.

Sya ang may ari ng bar na ito, libre nga ako pero palagi naman gatas, juice o di kaya'y ice tea ang pinapainom sa akin.

Kesho daw bata pa ako at hangga't ihindi pa ako 21 hindi nya pa ako papayagang uminom kaya nga hindi ako dito masyadong tumatambay eh.

Wesley: "So balita ko kay tito may boyfriend ka na daw?"

Ako: "yeah... pero ayoko na munang pag-usapan..'

Wesley: "Hmp! LQ?"

Ako: "Sort of.." pagktapos ay uminom ako ng ice tea. " So, musta ka naman insane?"

Wesley: "heto... gwapo pa din."

Ok, so ipapa-fast forward ko na lang ang pinag-usapan namin, wala din namang kwenta kailangan ko lang talaga ng makaka-usap at makakapagsayangan ng oras ko.

Pagktapos ng kwentuhan...

Ako: "Wes, dito na muna ako."

Wesley: "Oh! Bakit naman? Nag-LQ lang kayo ng boyfriend mo lalayas ka na naman?"

Ako: "Engot! Di ako maglalayas, gusto ko lang magpalamig ng ulo."

Wesley: "E di sa bahay nyo na lang."

Ako: "Ayoko, magte- trespassing na naman yun sa kwarto ko, pinapapasok yun ni papa sa bahay anytime nya gusto at guluhin ako. Botong-boto yun duon eh. A-ayoko na muna syang makita."

Wesley: "I will not ask kung anong problema talaga pero siguro ganun kalaki yun kaya ayaw mo syang makita pero kailangan mong pagtrabahuhan ang pagtuloy mo dito."

Ako: "Oo... alam ko. Masyado kang negosyante, pati kadugo mo di mo pinapatawagd."

Wesley: "Haha... that's life pero dahil sa nabanggit mo na ding kadugo kita yung unang araw mo libre pero sa mga sususnod hindi na kaya pwede ka pang maglagalag."

Ako: "Ayoko... baka makasalubong ko lang sya."

Wesley: "Ok."

Nag-waitress at bartender, tinuruan nya akong mag mix ng mga inumin pero hindi nya ako pinapatikim. Saklap noh! Pero masarap daw ang timplada ko basta lang nasa tama ang mga measurements.

Dati na akong nagtatrabaho dito basta matripan ko o wala lang akong magawa. Dito din ako natuto mag- flaring.

Ito ang mga ginagawa ko na lingid sa kaalaman nila Dad at nung isa (Darrel).

Tinitext ko lang si Dad para lang alam nya na buhay pa ako at ligtas pero hindi ko sinasabi kung saan dahil alam kong kapag nalaman nya sasabihin nya kay Darrel at sya ang papupuntahin ni Dad.

Tumitext at tumatawag din sya pero hindi ko sinasagot, bahala sya sa buhay nya magpaka-busy. Tutal gusto nya namang walang nang-iistorbo sa kanya kaya magpakabusy-busyhan din ako, kala nya sya lang ang marunong?!!

Bahala sila jang mag-overnight.

Author: "Paano kung may mabuntis sya...?"

Ayh peste! Ilalambitin ko sila sa flag pole

Umabot na ako ng dalawang araw sa pagtatrabaho dito, hindi ako lumabas ng bar

Lumalabas lang ako kapag nagtatapon ng basurahan pero bumabalik din agad, ayokong mahanap nya ako... kung hinahanap nya ba ako.

Si Daniel at Shai ang tinatanong nyo, alam na nila yan kaya nga hindi na nila ako hinahanap eh. Alam nilang hindi ko sasagutin ang mga tawag at text nila kapag gusto kong magpalamig ng ulo.

Pagkatapos ng trabaho ay pumunta na ako sa second floor kung saan ang tulugan ko at iba pang trabahante na nagre-rent. Syrempre V.I.P ako, try nya lang pahirapan ako ni Wes kundi ba naman ipasara ko itong bar nya.

Kapagnatulog na ako ay pangatlong araw ko na dito at pangatlong araw ko na rin syang hindi nakikita o nako-contact. Miss ko na sya pero anong magagawa ko.

Gusto nyang walang sagabal di ba?

Kaya ibinibigay ko sa kanya... he put a crack on my trust kaya masakit pa rin.

Tt$-


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon