8th post

56 0 0
                                    

Pagkalabas naming ng gate ay hitaka ko na ang kamay ko para mabitiwan nya.

Ako: "Ikaw ah.. nage-enjoy ka na."

Darrel: "Eh, enjoy namang kasama ang papa mo eh."

Ako: "Hindi sa papa ko, kundi sa panghaharas sa akin."

Darrel: "Holding hands? Halik sa noo't labi? Haras? Wow ha, hiyang-hiya naman ako sa'yo. Dapat pa nga magpasalamat ka dahil ginagampanan ko ang role ko ng maayos."

Ako: "at saang parte naman ako magpapasalamat?'

Darrel: "Lahat... kasi kundi sa akin itutuloy ng papa mo ang pagpapakasal sayo."

Ako: "At bakit? Sanabi nya bang di nya na itutuloy?"

Darrel: "oo... nung naliligo ka at naglalaro kami ni chess.."

Napangiti naman ako.

Darrel: "pero kapag daw nag-break tayo itutuloy nya."

Bigla namang nag-fade away ang ngiti ko.

Ako: "ang galing mo talgang manira ng mood noh."

Darrel: "You're welcome."

Ako: "PSH!"

Darrel: "Malay mo nga naman noh... kung yung ipapakasal pala sa'yo matadang hukluban."

Bigla naman akong nanigas at napatigil sa paglalakad. Biglang nag-flash back sa akin ang panaginip ko.

Shemay!! Paano nga kung ganoon nga?!

Hinabol ko naman si Darrel, ang bilis maglakad ng bakulaw eh.

Ako: "Ok fine... sorry kung mareklamo ako. Di lang talga ako sanay na... ano. Alam mo na."

Darrel: "Ok, I understand. Wag kang mag-alala, masasanay ka din kapag ikinasal ka na."

Ako: "Pakshit ka!" – sabay hampas sa likod nya.

Tumawa naman sya.

Ako: "Ba't mo nga pala ako sinundo ngayon?"

Darrel: "Tinawagan ako ni Daniel, sabi nya sunduin daw kita kundi ipapakalat nya yung.... Basta."

Ako: "ano ba kasi yun?!"

Darrel: "None of your business nga."

Masasapak ko na talaga ang lalaking ito.

Darrel: "sige na... maiwan na kita. Pupunta pa kasi ako ng office."

Ako: "sige, maglaho ka na."

Bigla nyang inilapit ang mukha nya at bumulong.

Darrel: "Bye princess ko."

Susntukin ko pa sana sya kaya nga lang ay nakatakbo na sya bago pa ako maka-suntok.

Takte talaga ang lalaking yon.

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon