25th post

46 1 2
                                    

Kinabukasan...

Ngayon ang araw na makukuha ko na ang result ng exam ko... kung returnee ba ako o hindi.

Maaga akong nagising, pero ang sama ng pakiramdam ko. Para akong nahihilo, mabigat ang pakiramdam ko na parang ewan. Parang yung feeling na may roong period pero nung naligo ako walan naman...

Uminom lang ako ng vitamin at pagktapos ay umalis na ng bahay.

Pagkarating ko ng school ay dumiretso na ako sa bulletin board para tignan kung nakasali ba ako sa nakapasa.

Walang tao sa dinadaanan ko kasi nga anduon lahat sila may malapit o sa bulleting board. Nang medyo malapit na ako sa bulletin at papalapit na ako sa mga ibang estudyante ay bigla na lang may lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong beywang.

Lumingon naman ako agad kung sino, hindi ko pwedeng suntukin agad. Baka kasi si Ellysa't mablack eye.

Yun pala si Darrel, nasa likuran ko sya't dikit na dikit sa akin habang nakahawak sa beywal ko.

Ako: "Ano bang!" – iaalis ko na ang kamay nyang bigla syang magsalita.

Darrel: "Sige tanggalin mo't makikita ang Japan flag sa likod mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko... Pakshit! Meron talaga ako ngayon!!

Darrel: "Di mo kailangan ng tulong ko? Ok."

I-aalis na nya ang kamay nya sa bewang ko at aalis na sa likuran ko and for sure na makikita ang lampas ko kaya hinawakan ko ang magkabila nyang kamay at ibinalik sa bewang ko.

Ako: "Dyan ka lang... sira ka ba. Makikita nila." Bulong ko pa, may mga ibang estudyante kasi kaming nakasalubong.

Darrel: "Di ba i-aalis mo kamay ko, kaya ini-aalis ko."

Ako: "Please, wag. Mapapahiya ako sa lahat kapag nakita nila ito."

Darrel: "Hmp! Haha, ang akala ko ba hindi minmens ang mga tomboy."

Ako: "Sira! Kahit na tomboy minimens pa din."

Darrel: "Aaah, ang akala ko kasi tinahin nyo na yan para hindi na pasukan at labasan ng dugo."

Kinurot ko naman sya sa kamay.

Darrel: "Aray!"

Ako: "Bastos ka!" – bulungan lang kami mag-usap dahil may mga estudyante na.

Darrel: "May dala ka dyang sandwich?"

Ako: "Aba't ngayon ka pa nagutom?"

Darrel: "Baliw, ibang sandwich ang tinutukoy ko." Inilapit nya ang mukha nya sa tenga ko. "Yung sandwich na itinatakip jan."

Ako: "Oo... palagi akong may baon. Pero yung pants ko may bahid ng dugo."

Darrel: "Pahihiramin lang kita ng jacket ko. Itali mo jan sa bewang mo."

Ako: "Hubarin mo na..."

Darrel: "Mamaya na kapag nakapasok ka na sa banyo. Sige ka, makikita nila."

Ako: "ok fine."

Dinaanan na naming yung bulletin. Unahin ko na muna ito,titignan ko na lang mamaya.

Pagktarating namin sa tapat ng mga banyo.

Darrel: "ano, nalilito ka saan papasok? Male or Female... haha!"

Kaunti na lang masasapak ko na itong lalaking ito.

Pumasok na ako sa banyo pero bigla nya akong hinatak at ini-abot ang isng jacket.

Darrel: "Wag mo yang bahidan ng dugo ah."

Ako: "oo nah."

Then pumasok na ako ng tuluyan sa banyo at sa isang cubicle para mag-suot ng napkin.

Nang patapos na ako ay may narinig akong pumasok sa banyo. Lalabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Seriously? Sinagot mo ang tomboy na 'yun?"

"Oo nga, which is... eerrr."

"Sa tingin nyo, gusto ko ang pagsagot ko sa kanya? Hell no!"

Pamilyar ang babaeng huling nagsalita.

"So, bakit mo nga ba sya sinagot, Ellysa?"

S-si Ellysa?

Ellysa: "Napansin ko kasing close sila ni Darrel my loves so ang ginawa ko at gagawin ko. Sinagot ko si tomboy Sam para makasama-sama din ako sa mga lakad nila at paunti-unti ay aakitin ko si Darrel."

"So you mean... you're using Sam as bridge?"

Ellysa: "Yup!"

Para namang binuhusan ako ng malamig na tubig, nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nag-flashback sa akin ang sinabi ni Darrel.

"Gagamitin ka lang nya, kagaya ng ginawa nya sa bestfriend ko."

So ito pala ang tinutukoy ni Darrel.

Ellysa: "As if namang maiinlove ako sa tomboy na yun.Yuck!! "

"Poor Sam."

Ellysa: "I don't care kahit masaktan ko sya noh, ang importante magkabalikan kami ni Darrel. I miss him so much. Ang tanga ko pa kasi, bakit ko pa kasi sya hiniwalayan."

"Bakit mo nga ba sya hiniwalayan?"

Ellysa: "I got jealous kasi nga naging busy na sya as a student buddy, wala na syang oras sa akin so I broke up with him. He really do love me, he actually say sorry for everything at handa nyang bitawan ang position nya para lang sa akin."

"Eh ba't hindi mo sya pinatawad?"

Ellysa: "That time kasi hindi ko pa na-discover na mahal ko talaga sya. He courted, hinabol-habol nya ako hanggang sa isang araw napagod na sya at tumigil, duon ko naman na-realize na mahal ko pala talga sya pero sinabi nya na wala na daw syang feelings sa akin but I know meron pa. Kaya gagawin ko ang lahat para mabumalik sya sa akin."

"Kahit na makasakit ka ng iba?"

Ellysa: "Yup! In the first place Sam is just stupid tomboy who doesn't have any role in our love story. "

Hindi ko na napigilan ang na mapaluha...

Ang akala ko sya na... ang akala ko sya na eh.

Kinuyos ko ang kamay ko.

Ba't hindi sa akin sinabi ni Darrel na naging sila pala ni Ellysa? Bakit ako na lang parati ang nasasaktan.

"Oh my gosh, andyan si Darrel sa labas." – excited pang sani nung isa.

Ellysa: "Oh my... maganda na ba ako?"

"as always..." sabay na sagot ng dalawa nyang kasama.

Ellysa: "Let's go?"

Nung narinig kong binuksan na nila ang pinto ay pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Sabay sa pagbukas nila ang pagbukas ko ng pinto ng cubicle na syang dahilan ng kinalingon nila. Dahil bukas ang pinto ng cr ay nakita ko si Darrel sa harap na nakasandig sa dingding at mukhang nagtataka.

Si Ellysa at yung dalawa nya pang kasama ay halatang gulat ng makita ako. Ngumiti naman pero halatang pilit si Ellysa.

Elllysa: "B-babe... andyan ka pala... k-kanina ka pa ba dyan?"

Tinignan ko ng masama si Ellysa at naglakad papalapit sa kanya..

At....

>>to be continue<<

---------------------------------------

:-D Ano kaya ang gagawin ni Samantha?

Kayo readers, anong hula nyo?

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon