72nd post

49 1 0
                                    

Samantha's POV

Minulat ko ang mga mata ko at nagtaka kung bakit nasa kwarto na ako e kanina lang nasa ospital ako kasama si Brian.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina't nakita ko kaagad sila Manang.

Ako: "Manang.... Si Dad?"

Manang: "Nasa kwarto nya't nagpapahinga."

Ako:"Aaahh ganun po ba... mmm. Manang paano po ako nakapunta sa kwarto ko? Sino pong naghatid sa akin?"

Manang: "Si Brian... "

Ako: "Aah ganun po ba... sige po."

Kumain lang ako saglit at umakyat na papuntang kwarto ko.

Humiga kaagad ako sa kama at iniisip si Darrel.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan sya sa wallpaper ko.

Bigla na namang dumaosdos ang mga luha sa mga mata ko.

I want to talk to him.

Bukas...

Bukas kaka-usapin ko sya at magpapaliwanag ako. Gagawin ko ang lahat para paniwalaan nya ako.

At paniniwalaan nya naman ako kasi mahal nya ako, di ba?"

*Brian's POV*

Kinabukasan ay pumasok ako sa school pero hindi ako dumiretso sa klase ko. May ibang pakay ako sa pagpasok ko ngayon.

Naglalakad akong masama ang tingin kaya lahat ng nadadaanan kong estudyante ay lumalayo at umiiwas sa akin. Kilala ako sa school na barumbado kaya hindi na kataka-taka.

Pagkadating ko sa harapan ng room nya ay nakita ko kaagad sya.

Tumatawa at ang saya-saya na syang kinairita ko.

Naglakad ako papasok at sinipa ang isang upuan na humarang sa akin at tumama naman ito sa kina-uupuan nya.

Steel arm chair yun kaya talagang gagawa ng ingay kaya lahat nakatinign sa amin. Halata sa mukha nya ang pagkagulat.

Bigla syang napalunok habang papalapit ako sa kanya na masama ang tingin.

Dahan-dahan syang tumayo habang nakatingin sa akin at hindi malaman ang gagawin.

Nung nasa harapan na nya ako ay walang ano-ano't sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas na syang ikanatumba nya.

They also gasp.

Lumingon sya sa aking maluha-luha ang mga mata na nakahawak sa pisngi nito.

Ellysa: "A-ano ba- Aaahh!"

Hindi na nya napagpatuloy ang sasabihin dahil bigla ko na lang syang kinwelyohan at pinatayo kaya siguradong nasakal sya sa ginawa ko.

Ellysa: "Ano ba Brian.... Nasasaktan ako!!!" – naiiyak na sya.

Brian: "Kulang pa yan sa ginawa mo kay Samantha."

Ellysa: "H-ha?"

Brian: "Wag kang magpanggap na wala kang ginawang masama sa kanya. Di ba't sinabihan na kita noon na tigilan mo na sya?! Pero anong ginawa mo.. you leave me no choice." – nangigigil ko pang sabi.

Ellysa: "A-Anong gagawin mo?!" – natatakot nya pang tanong.

Lumingon ako sa paligid ko. Lahat sila'y nakatingin sa amin pero walang magawa. Subukan lang nilang make-alam.

Binaling ko ang tingin ko kay Ellysa.

Brian: "Mmm... may kaunting kabaitan pa naman ako eh, kaya papipiliin pa rin kita.

A. Huhubaran kita sa harap nila." Sabay turo sa mga taong nakatingin sa amin. "

B. Isasabit patiwarik sa labat at ipapabilad sa araw or

C. Ihuhulog sa second floor na ito para maramdaman mo ang sakit na nadarama ngayon ni Sam. Kung tutuusin... kulang pa yun."

Ellysa: "S-subukan mo... k-kundi-"

I give her an evil smile.

Brian: "Bakit? Ipapakulong mo ako. Sanay na ako jan."

Ellysa: "B-Brian.. n-natatakot na ako ng sobra. Please wag mo naman akong ganituhin." – pagmamakaawa nya pa.

Brian: "Sana bago mo yun ginawa inisip mo na ang susunog na mangyayare pero pinairal mo ang kalandian mo't kawalang hiyaan kaya lulubusin ko na!"

Ellysa: "Brian no please... WAAAAGGG!" – nanginginig nya pang pagmamakaawa.

Sisirain ko na ang damit nya sa harap ng mga estudyante ng bigla na lang may nag-meassage sa akin, yun yung ringtone na inexclusive ko lang sa number ni Sam.

Dahil duon kaya ako natigilan. Kinuha ng isang kamay ko ang phone ko pero ang isa ay nakahawak pa rin sa damit ni Ellysa.

Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang text ni Samantha.

Samantha's text: "I need you know please."

Itinulak ng isang kamay ko si Ellysa na syang nakahawak sa kanya kaya bigla sya napa-upo sa upuan na nakaharap lang sa amin.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa sasakyan ko at pinaharurot ito.

>>to be continue<<

--------------------------

Ano kayang nangyare na naman kay Sam?

[R1



Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon