55th post

49 1 0
                                    

Mabilis na kumalat ang bali-balita na kami na ni Darrel.

May nagulat, nagtaka, walang pake but most of them, ayaw sa mga nangyayare.

Anong magagawa nila?

T.H.I.C... The Hell I Care!

Kami na Darrel?

Ok lang... hinahayaan na lang ang mga chismoso't chismosa na gusto kaming sarain.

Mga inggiterang frog, ba't hindi na lang sila humanap ng bukid na pag-iingayan nila at sa school pa nila na pili!

Nakikita ko naman paminsan-minsan si Brian sa school pero hindi ko na lang sya pinapansin. Hanggang ngayon kasi anduon pa din ang takot ko. Napatawad ko naman din sya pero hindi ko maiwasang hindi matakot lalo pa't kamuntik na nya akong magalaw.

SI Ellysa?

Ayun, namatay sa inggit... burol na nya nga ngayon eh.

Oh I'm so bad...

Just kidding... palagi kaming nagkikita kasi nga kadamihan ng klase ko ay magkakaklase kami pero hindi kami nagpapansinan.

Ayaw kong makipag-plastikan sa kanya noh.

Lumipas naman ang dalawang buwan ay naging ok naman ang relasyon namin ni Darrel. May mga maliliit na tampuhan din kami pero naaayos naman namin... sya naman talga ang nag-aayos.

Di nya daw kasi matiis na hindi ako namamansin... ganun naman din ako eh, nauunahan nya nga lang ako.

Shai: "Huy! Sam... ba't ang lalim ng ini-isip mo?"

Ako: "Paano mo nalaman? Nakikita mo ba ang utak ko?"

Shai: "Oo... " – sarcastic nya namang sagot.

Tumawa naman ako.

Daniel: "Shai... anong gagawin nyo sa academic fest?"

Shai: "Oo nga noh... next week na nga pala iyon."

Ako: "Gaya ng dati... lakwatsa. Di ba Shai?"

Daniel: "Pero ang tanong... makaka-sama ba sa atin si Darrel?"

Ako: "Ano ba namang tanong yan? Oo syempre..."

Daniel: "Sure ka? Baka nakakalimutan mo na sya ang president ng school kaya for sure na handle nya ang lahat ng events, booths and etc. dito sa school."

Shai: "So, wag kang magugulat kapag mawawalan na sya ng oras sa'yo. Syempre, obligasyon nya yun."

Ako: "Tsk! Ano ba kayo?! Hinding-hindi yun mawawalan ng oras para sa akin noh."

Daniel: "Ok... sabi mo eh."

Mga kaibigan ko 'tong talaga kahit ano-ano na ang ini-isip.

Pansin ko naman din na nagiigng busy na sya dahil sa mga tungkulin nya as a school's president pero hindi nya naman ako nakakalimutan. Tatawag sya, magte-text o di kaya'y makikipagkita sya. Hindi nya ako matiis eh.

Kinagabihan...

Nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa cellphone ko.

Buong araw ko syang hindi nakita, nung umaga lang sya nag-text at hanggang ngayon hindi ko pa rin naririnig ang boses nya...

No Sam.. malay mo talaga lang na-supre busy sya.

Pero tama ba namang kalimutan nya ako ako?

AAAAHH!! Kainis naman eh.

Naghintay pa ako...

10:00 pm na...

Ok, hindi na ako mapakali.

Dinial ko ang number nya at nag-ring naman ito.

Mga ilang ring muna bago nya ito sinagot.

Darrel: "Hello.. sino 'to?"

Halata sa boses nya na bagong gising sya.

Ako: "Gosh... natutulag ka na ba?"

Darrel: "Sam? Sorry... nakatulog ako agad pagdating ko ng bahay eh. Sorry talga, sobrang pagod ko."

Ako: "Kahit anong pagod mo sana naman nagparamdam ka! Halos hindi ako makatulog kung ano na ang nangyayare sa'yo!'

Darrel: "Sorry talaga... Sam pwedeng pag-usapan na lang natin 'to bukas? Pagod na pagod ako ngayon eh... masakit pa ulo ko."

Ako: "No need... sige na, matulog ka na't sorry at naistorbo pa kita."

Darrel: "Sa-"

Toot-tooot!

Binaba ko na agad at ibinagsak sa kama ang cellphone ko.

Kainis...

Totoo nga ang mga sinabi nila Daniel at Shai.

Mas uunahin nya pa ang takteng trabaho nya kesa sa akin. Shemay!!

>>to be continue<<

3C%2FRS-


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon