62nd post

64 1 3
                                    

Nagsimula na syang magsalita at tumingin na ako sa kanya para makita sya habang nags-speech.

Darrel: "Good morning to the principal, board of directors, teachers, staffs and my co-students. Welcome to the school's Academic Fest 2015." – ngiting-ngiti sya habang nagsasalita sa harapan at mukhang masaya.

Then binigyan sya ng masigabong palakpakan.

Nagpatuloy pa sya sa pagsasalita, about sa mga bagay-bagay na makikita at pwedeng bisitahin sa loob ng school. Events, compititions at kung ano-ano pa.

Binigyan nya rin ng warm welcome ang mga board of directors pero ewan lang, nung matapos nun ay parang feeling ko sinulyapan nya ako at parang may kung anong tumusok sa puso ko na kumirot bigla. Pero baka feeling ko lang yun.

Gusto ko ng umalis dito kasi baka hindi ko na naman mapipigilan ang mga luha ko't bigla pang pumatak.

Ako: "Shai, Daniel... alis na ako. Kitakits na lang."

Shai: "Hah? Hindi pa tapos ah."

Ngumiti lang ako atsaka tumalikod.

Darrel: "Thank you for coming everyone... kadamihan sa inyo proud na proud sa akin, hindi sa pagmamalaki pero madaming nagsasabi nun kasi nagawa kong magarbo at maging masaya ang Acadeic Fest natin..."

Nagsimula na akong maglakad papalabas ng covered court. Mabagal ang usad ko dahil na nga rin sa madaming tao. Nakayuko lang akong naglalakad at kung sino-sino na lang ang nabubunggo ko.

Darrel: "Pero hindi ito magiigng possible kung hindi sa mga student buddies na tumulong at sinoportahan ako."

Nagmapalakpakan ulit habang ako ay nagpatuloy sa paglalakad.

Darrel: "For the whole two weeks inisip ko kung paano ko pagagandahin, pasasayahin at magpa-impress sa inyo.. alam ko iilan sa inyo iniisip na nagpapayabang ako yeah, sort of. Inaamin ko iyon."

Ano bang pinagsasabi nya? Parang iba naman ata yan ah.

Darrel: "gusto kong magpa-impress sa board of directors, principal, teachers at co-student at dahil duon.. nakalimutan kong may isang taong andyan na kahit sa simpleng bagay na gawin ko nai-impress na sya, maliban sa mama ko ah."

Nagsitawan naman ang iba.

Darrel: "Pero nakalimutan ko sya... nakapagsinunganling... nasaktan ko sya. Sinalo ko lahat ng problema at ng hindi ko na kinaya sa kanya ko naibunton lahat. Nasabihan ko sya ng masasakit na hindi ko inaakalang sa akin mismo manggagaling. I promise to protect her and yet I'm the one who's causing her pain right now.. made her cry. *sniff*"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong parang umiiyak sya.

Darrel: "Samantha I'm sorry."

Agad akong napalingon ng bigla nyang banggiting ang pangalan ko.

Nagulat ako ng lahat nakatingin na sa akin at ganun din sya. Pero hindi ko pinansin ang ibang taong nakatingin sa akin at sa kanya lang ako nakatingin.

Nagkatamaan ang mga mata namin... maluha-luha syang nakatingin sa akin. Nang may luha na pumatak ay pinunasan nya ito.

Darrel: "I'm sorry kung nakapagsinungaling ako sa'yo. I'm sorry kung napabayaan kita. I'm sorry kung pinagdudahan kita at kung ano-ano ang ibinintang ko sa'yo na nasabihan kita ng mga masasakit na salita. Ang akala ko kasi talaga kaya mo ako iniwan at bigla kang nawala ng ilang araw ay dahil para pagselosin ako at saktan pero hindi pala... pinilit mo akong inintindi, hinayaan mo akong makapag-isip na walang inaalala.. binigyan mo lang ako ng space kahit na masakit at mahirap sa'yo... pero anong ginawa ko."

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon