14th post

52 1 0
                                    

Wala naman masyadong nangyare nung kinabukasan. Dahil sa lasing ako sumakit ng sobra ang ulo ko kaya nagkulong lang ako sa bahay ng isang araw. Wala din akong ganang maglagalag.

So, fast forward tayo kina-lunes.

Pagdating ko sa school ay may nakita naman akong pinagkaka-guluhan ng mga estudyante. Yung bulletin board.

May pinost kaya silang maganda?

Lumapit naman ako at nakisiksik... ayos 'to, madami akong masisiko at iisipin nilang accident pero totoo sinasaya ko din. Hahaha, bad na kung bad.

Nung tinignan ko kung ano yun...

Yung scoring lang pala sa exam naming... wala na sana akong balak na basahin kung sino ang top pero nasagi pa rin ito ng paningin ko.

Ako: "Darrel?" sya ang top 1 sa HRM department, dalawa lang ba naman ang mistakes. Gosh!

May narinig naman akong nag-uusap.

"Grabe talaga si Darrel noh, ang talino."

"Kaya nga eh, no wonder kung bakit isa sya sa heartthrob ng school."

"Kung liligawan lang nya ako, sasagutin ko kaagad sya."

"Pero balita ko sila daw ni Samantha eh."

"Hah?"

Lumingon naman ako sa nag-uusap at napangiti ng makita ko kung sino iyon.

Ako: "Hello Kayla."

Bigla naman silang natakot ng makita ako.

Kayla: "h-hello..."

Ako: "Seryoso ka ba sa sinabi mo, nakapagliligawan ka ni Darrel sasagutin mo sya kaagad?"

Kayla: "H-ha? A-ano... c-crush ko kasi sya pero wag kang mag-alala wala naman akong balak na ahasin sya sa'yo."

Ako: "Hmp! Don't worry, wala kaming relasyon ni Darrel. Tomboy kaya ako, like ewww.... Pero alam mo, nabanggit nya sa akin na may crush din sya sa'yo."

Bigla namang nanginang ang mata ni Kayla.

Kayla: "Talaga?"

Ako: "Oo... nahihiya pa nga sya nung pagkasabi nya eh. Pero matanong ko lang... binasted mo ba sya noon?"

Kayla: "Hah? Hindi, ni hindi nga sya nanligaw sa akin atsaka ni-hindi nya rin ako pinapansin kahit anong gawin kong pagpapansin."

Ako: "aaahhh... may pagkamahiyain din kasi ang ulol na 'yon pero totoo, may gusto yun sa'yo."

Grabe naman ang ngiti ni Kayla at halatang sobrang kilig nya.

Iniwan ko na silang magkakaibigan duon habang kinikilig.

Darrel, one day pasasalamatan mo din ako.

Makalipas ang dalawang oras...

Darrel: "Hoy tomboy!" – nagulat naman ako ng bigla kong narinig ang boses ni Darrel at pagkalingon ko ay papalapit sya sa akin at mukhang galit.

Ako: "Ano na naman?"

Darrel: "Ikaw ba ang nagsabi kay Kayla na may gusto ako sa kanya?"

Ako: "oo... bakit ba?"

Darrel: "Ba't mo naman sinabi?"

Ako: "Di ba sabi mo may gusto ka sa kanya, tapos narinig ko na may gusto sya sa'yo kaya ako na ang gumawa ng way."

Darrel: "Pwede ba, wag kang mangenge-alam sa buhay ng ibang tao."

Ako: "Peste, tinutulungan lang naman kita ah!"

Darrel: "Pwes, hindi ko kailangan ng tulong mo! Ang ayoko sa lahat yung pinapaki-alaman ang buhay ko!"

Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito, sya na nga itong tinutulungan sya pa itong galit.

Ako: "Ok fine! Di na ako mangenge-alam."

Grabe pala talaga sya kung magalit, nakakatakot ang mga mata nya. Para syang leon na sasakmalin ka kapag may pagkakataon.

Darrel: "Stupid girl!"

Tapos ay umalis na sya.

Ako: "Hoy gago! Hindi ako girl, tomboy ako ok... tomboy!"

Takte, ginawa pa akong babae.

Lumapit naman sa akin si Shai.

Shai: "dapat kasi di mo na 'yun ginawa..."

Ako: "Tinutulungan ko naman sya eh, ano bang masama duon?"

Shai: "bakit? Humingi ba sya ng tulong?"

Ako: "Hindi, pero sinabi nya kasi sa akin na ang gusto nya ay si Kayla kaya hayon."

Shai: "Hindi naman porket sinabi nya ibig sabihin nun totoo na."

Daniel: "Ayaw kasi namin kasi naming mga lalaki na pinapangunahan ang mga diskarte naming o di kaya'y desisyon. Hayaan mo syang gumawa ng paraan sa sarili nya."

Shai: "malaking issue ito kapag binasted nya ang babae. Pareho silang sikat kaya malaking breaking news ito sa mga chismoso't chismosa."

Daniel: "Tama ka dyan."

Bigla naan akong nakaramdam ng lungkot...

Siguro nga, dapat di ko na ginawa yun... aaaahhh, ano bang ginawa mo Sam?

3

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon