22nd post

48 2 0
                                    

Na-una na akong nakarating sa sinabing lokasyon ni Ellysa, makalipas ang ilang sandali lang ay nakarating na rin sya.

Habang papalapit sya sa akin ay nakatitig lang ako sa kanya habang naka-ngiti.

Ganda talaga nya... shit! Hindi na talaga ako maghahanap ng iba pagsinagot nya ako.

Ellysa: "Kanina ka pa?"

Ako: "Hindi naman... bakit mo nga pala ako pinpapunta dito?"

She smile... yang mga ngiting yan... pa-fall!

Ellysa: "Alam ko parang masyadong mabilis ito pero... Sam, sinasagot na kita."

Para naman akong sasabog sa narinig ko... para akong nanalo sa lotto.

Ako: "YES!!! WWWWHOOOOO!! YES KAMI NAAAA!!!"

Ellysa: "Hoy hinaan mo boses mo, nakakahiya." – masaya nya pang sabi.

Ako: "Sorry... pero.. talaga bang sinasagot mo na ako?"

She nod while smilling...

Hindi ko naman kayang itago ang sayang nadarama ko. Ang tagal ko 'tong pinapangarap.

Ako: "Hindi ka magsisise... promise."

Ellysa: "Alam ko, kaya nga kita sinagot di ba?"

I held her hand.

Ako: "Tara, date tayo?"

She smile.

Ellysa: "Oo ba, first date natin 'to as inrelation."

I chuckled.

Then naglakad na kami habang magkaholding hands.

Ini-off ko naman ang phone ko, para walang istorbo, moment namin ito ni Ellysa eh.

Nagpunta kami sa mall, naglibot-libot, kumain, naglaro sa gaming station basta nag-enjoy lang kami. Pero habang naglalagalag kami ay parang may bagay na gumagambala sa akin.

Hindi ko alam kung ano yun kaya hindi ko na lang ini-isip basta nag-enjoy lang kami.

6:43 pm na ako naka-uwi. May gagawin pa daw kasi si Ellysa.

Hinatid ko sya hanggang sa kanila pagkatapos ay umuwi na rin ako dahil napagod din ako sa pamamasyal.

Humiga ako sa kama ko habang nakangiti...

Ang saya ko ngayong araw na 'to... pero ano kaya itong feeling na para bang may nakalimutan ako. Kanina pa ito...

Kinuha ko ang phone ko at in-on ito... titignan ko kasi kung may message sa akin sila Daniel or Shai.

Mamaya-maya'y madami ng text na nagsisidatingan.

Ako: "Oh... my... patay!!"

Nakalimutan ko... nakalimutan kong may lakad pala kami ngayon ni Darrel.

Pinagbabasa ko ang mga messages nya.

Text:

"Sam, dito na ako."

"sam, san kana, dito na ako."

"Hoy, hindi ka babae kaya wag ka masyadong magpahintay."

"San kana, nangangalay na ako dito."

"Sam punta muna ako tindahan ah, magpapaload lang muna ako. Hintayin mo na lang ako dito kapag nakarating ka na. Medyo malayo ang tindahan dito eh."

"Kakapaload ko pa lang...andyan kana?"

"Hoy saan kana? Nakapaload at nakabalik na ako wala ka pa rin?"

"Hoy tomboy, ba't di kita makontak."

Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon