75th post

42 1 1
                                    

Pagktapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at pagkababa ko ay nakita ko agad si Papa na nkatingin ng diretso sa akin.

Halos hindi ako makatingin sa mga mata nya dahil na rin sa takot siguro kaya napayuko na lang ako habang naglalakad.

Nung nasa harapan na nya ako ay huminto ako.

Dad: "Don't di anything stupid in front of your fiancée."

Seryosong sabi ni Dad pagtakapos ay nauna na syang maglakad papunta sa garahe kung saan ang kotse.

Oh no...

Nagluluha na naman ang mga mata ko.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko.

Sumunod na ako kay Dad sa garahe at sumakay sa kotse kung saan sya.

Mga ilang minutong byahe ay huminto na ang sasakyan.

Hindi ko na sinilip kung saan, kasi kahit saan pa man yan wala naman akong magagawa.

Manong: "Andito na po tayo."

Dad: "Let's go. Kanina pa sila naghihintay."

Na-una ng bumaba si Dad at sumunod ako.

Nagulat naman ako ng bigla na lang tinap ni Dad ang ulo ko kaya napa-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya.

Dad: "If you want to bring back my trust to you... marry him."

Pagkatapos kong marinig ang mga iyon ay hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.

Oo babalik nga ang pagtitiwala nya sa akin pero mawawala naman ang kalayaan kong pakasalan ang taong totoo kong mahal.

He gave me a bit of a smile pagktapos ay tumalikod na sya at naglakad papasok sa isang hotel.

Tinitignan ko lang si Dad na naglalakad.

Walang bantay, walang mga matang nakatingins akin... pwede akong tumakas ngayon din at pumunta kung saan man si Darrel. Marahil pwede akong magtago o makipagtanan kay Darrel... kung hindi lang sana sya galit sa akin.

Pero alam kong sinusubukan ako ni Dad.

Dahil siguradong kapag tumakas ako, mas lalong ikakasira yun ng pagsasama namin bilang mag-ama dahil sinira ko na naman ang pagtitiwala nya.

Worst... baka atakihin na naman sya at ikamatay nya.

Baka hindi iyon kayanin ng konsensya ko.

Lumingon ako sa kalsada kung saan ang daan papunta kela Darrel.

Alam ko ang lugar na ito... malapit lang ang kela Darell dito.

Bumaling ako ulit kay Dad na papasok na ng pinto.

Kapag pumasok ako sa pintong yan... wala ng bawian. Ipapakasal na ako sa taong hindi ko kilala kung sino.

Kapag umalis ako at pumunta kay Darrel, wala ring kasiguruhan kung mapapatawad pa ba ako ni Dad o paniniwalaan ako ni Darrel.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan ng naglakad.

Bakit ba ganun...

Lahat ng pipiliin ko... hindi ako magiging masaya.

Naramdaman ko na namang iiyak na naman ako.

Ako: "No... wag kang iiyak." Pumikit ako at humingang malalim. " Wag kang iiyak." – bulong ko pa sa sarili ko.

Napansin ko na lang na nasa harap na ako ng pintuan ng hotel at naghihintay na si Dad sa elevator.

Lumunok ako at umabante na papunta sa kinaroroonan ni Dad.

Sumakay na kami sa elevator papaakyat sa isang floor kung saan naghihintay ang ipapakasal sa akin.

Nang bumukas na ang pinto ay naglakad na papalabas si Dad. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa huminto sya sa isang kwarto.

Humarap sa akin si Dad at hinawakan nito ang baba ko at inangat para makita ang mukha ko.

Kumuha sya ng panyo at pinunasan ang pisngi ko.

Duon ko na lang napansin na lumuluha na pala ako.

Dad: "He is a better man for you."

Pagkatapos ay binitiwan na nya ang baba ko at kumatok.

Bumukas naman ang pinto at naglakad na si Dad papasok dito at ganun din ako.

Nakayuko akong pumusok sa kwartong iyon kaya hindi ko alam kung sino-sino ang mga taong nasa loob.

"Anak... andito na sila." – biglang may nagsalita na ibang boses.

Mag narinig akong bumukas na pinto sa kabilang side ng kwarto.

"Dad... pwede bang itigil na natin itong kahibangan na ito?"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses.

Napa-angat ako bigla at lumingon sa pinanggagalingan ng boses.

Pareho kaming gulat ng makita namin ang isa't-isa.

"Sam?!" "Brian?!" – sabay naming sabi.

>>to be continue<<

--------------------------

Wohoho... congrats sa mga nakahulang readers. Haha!

Sorry po kung ilang araw pa bago ako nakapa-update. Sobrang busy po kasi, ngayon lang nagka-time.

Salamat pos a paghihintay. :-)


Inlove ako sa'yo (a lesbian story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon