Finding Demo

8.4K 284 45
                                    


I: FINDING DEMO//

Secret PoV

Kabaliwan bang maghanap ng taong ni dulo ng kuko ay di mo pa nakita sa panaginip mo? At wala kang ideya kung tao ba siya o isang alien?

Kabaliwan nga yun, at baliw nga siguro ako. Pero wag mo muna akong husgahan. Tawag talaga sa 'kin eh 'TINAMAAN'!

Tinamaan ng lintik na pag-ibig na yan. Oo, simula nang mabasa ko sa wattpad ang mga kuwentong ginawa niya, na-adik na ako sa kanya.

Si Demosthenes a.k.a. My Demo.

Ewan ba! Lakas ng hatak niya sa 'kin eh.

Nakakaadik ang mga kuwento niya... at nakakamangha. Tataas ang kilay mo at sasabihin mong... 'huuuh?' At mababaghan ka, kung bakit sa lahat ng kuwento niya eh laging patay ang bida.

Oo, bidang babae.

At laging malungkot ang plot ng istorya niya. Tragic. Dark. Buffling.

Tuwing babasahin ko ang kuwento niya, nararamdaman ko ang bigat ng bawat salitang sinulat niya. Parang lahat ng saloobin niya, dun niya ibinubuhos sa letra ng kuwento.

Kaya masisisi mo ba ako kung hanapin ko siya? Wag na. Tulungan mo na lang akong makita siya. Hehe!

Sabi sa profile ni Demosthenes sa wattpad, sa may area ng San Juan siya nakatira at yun lang ang tanging impormasyon na mababasa mo. Kasi yun lang ang nilagay niya. Kahit ang picture niya sa wattpad, kakaiba. A wolf. Lone wolf.

Kaya heto ako ngayon, sugod sa San Juan. Para hanapin si Demo na di ko alam kung bata, matanda, may ngipin o wala. Ang gusto ko lang ay mahanap siya at feeling ko tutulungan ako ng tadhana kasi good girl ako. Buti na lang lahat ng klase ko sa school eh pang-umaga kaya after lunch, nasimulan ko na ang Operation: Finding Demo.

Nung una, para lang akong tanga na palakad-lakad. Palinga-linga sa paligid, malay mo mabundol ko mismo si Demosthenes habang naga-update sa wattpad. Eh di swerte. Kaso hindi nga.

Nakarating na ako kung saang lupalop at napudpod na rin ang sapatos ko kakalakad sa San Juan, wala naman akong napala kundi kili-kiling pinapawis at mukhang nanlilimahid.

Arrggh! Sa sobrang inis at frustrate ko, naupo ako sa isang Park na tambayan yata ng mga lovebirds. Pinagsisipa ko yung mga bato at sinisi si Obama kung bakit pudpod na yung sapatos ko.

Tanga nga yata ako.

Tanga lang ang taong gagawa nung ginagawa ko eh. Maghanap ng taong sa internet lang nage-exist? Hah! Kalokohan!! Eh baka nga nagi-style lang yun nung writer na yun! Malay mo, technique lang niya yun para mapansin ng mga readers ang gawa niya! Tsh! Tapos ako namang si uto-uto, sugod ke sugod! Buseet!

Makaalis na nga!!

Tumayo ako at inihakbang ang pudpod kong sapatos para umuwi. Nadaanan ko pa ang isang malaking estatwa ni Eros sa Park. Si Eros, yung greek god of Love a.k.a. Cupid! May monument siya dun sa Park at napansin kong luma na yun. In fact, nangingitim na ang surface niya at putol rin ang ilang daliri niya sa kaliwang kamay na nakaturo sa langit---.

Natigilan ako. At kinilabutan.

Sa story ni Demosthenes na Cupid's Last Wish, Chapter 1, nagkakilala ang bidang girl at bidang guy sa tapat ng estatwa ni Cupid! Si bidang guy, inutusan siyang patayin si bidang girl pero di niya ginawa imbes niligtas pa niya ito nang tangkain itong barilin sa harap ng statue ni Cupid. KAYA NATANGGAL ANG MGA DALIRI NG ESTATWA NI CUPID SA KUWENTO! DAHIL YUN SA TAMA NG BARIL!!

Hah! Coincidence ba? Na ang estatwa sa harap ko at ang estatwa sa kuwento ni Demo ay parehas may putol na daliri na nakaturo sa langit??!!

Hindi!!

Totoo to! Totoo to!! Taga-rito lang si Demo!! Malapit lang siya dito!!

Na-excite ako bigla. At wala akong pakialam kung mabutas pa ang sapatos ko, basta ang alam ko... taga-rito lang si Demo ko! Alam ko na lahat ng bagay na sinulat niya ay repleksyon ng totoong mundo!

Waaaaah!!

Babalik ako, babalik ako dito at hahanapin kita, Demo. Hintayin mo lang ako. Wahahahahaha! Ang galing ko!

"MISS ILAAAAGG!" sigaw ng isang tinig.

Kaso ang tanga, kahit magaling, tanga pa rin!

Sabi ilag, ang ginawa ko... lumingon pa ako at napatda ako nang makita ang lumilipad na bola ng baseball papunta sa mukha ko.

Napapikit na lang ako sa takot at gulat. Hinintay ang matinding knockout.

Pero hindi naman nangyari. Walang bola ang tumama sa mukha ko kaya napamulat ako. At nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki sa harap ko. Matangkad, nakasuot ng baseball uniform at may gloves sa kamay.

Siya pala ang sumambot ng bola.

Magpapasalamat sana ako kaso nang humarap siya, natigilan ako.

Holy creature! Ang guwapooo! Kaso cold ang expression ng mukha niya.

"Sa susunod, miss... kapag sinabing ilag. Umilag ka, wag mong tingnan ang bola. At kung tanga ka talaga, saluhin mo. Saluhin mo gamit ang mukha mo," malamig na sabi ng lalaki bago tumalikod at naglakad palayo. Iwan akong muntanga.

Guwapo. Guwapong gago! God! Ang harsh niya! Eff lang!!


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon