Which Is Which?

1.9K 135 1
                                    


IX: WHICH IS WHICH?! //

Secret PoV

Demn! Si Sungit Rust ang may-ari nung librong Ender's Game kung saan makikita ang pangalan ni Demosthenes. Kung tutuusin, worthy-candidate ang lalaking'yun na maging si Demosthenes.

Both of them were sober, sullen, a-hole, dark and mysterious.

Tapos nakita ko pa si Rust sa parehong mga lugar na nasa Cupid's Last Wish.

Haff!!

Eh Paano yung Valentine-thing? Coincidence lang ba na halos kapangalan ni Val o 'Len' ang character sa book na'yun? Kahit na in-contrast siya sa ugali ng writer, hindi ko pwedeng ipagwalang bahala yung fact na halos kapantay siya ni Rust dahil parehas silang inattendance sa mga clues ko.

O..... pwede ring wala silang kinalaman pareho at coincidence lang talaga ang lahat!!

Argggh! Frustrate-mode!

Sobrang saya ng buhay ko, humanap pa ako ng sakit ng ulo!!

Haaay!

Nagbasa ako ng bagong published na book ni Demosthenes.

Tch. Mukhang wala siyang balak ituloy ang Cupid's Last Wish... ilang araw na siyang hindi naga-update sa kuwentong'yun. Wala pa rin yung Chapter 40, na supposedly ay FINALE.

Ayos siyang mambitin, nakakainis! DAMSEL OF THE SUN ang pamagat ng bagong story niya. Medyo kakaiba ang approach niya sa umpisa ng story, fantasy ito at hindi siya ganun ka-dark gaya ng mga nauna niyang novel.

Mukhang nagkaroon ng sudden changes sa buhay ng writer. Tungkol ito sa isang prinsesa na piniling tumakas sa kaharian nila para hindi ipakasal sa isang halimaw. Sa paglalayas niya, naranasan niya ang hirap ng buhay. At nabihag siya ng ibat ibang mga bandido. Binenta kung kani-kanino. Hanggang dalhin siya sa isang malayong kaharian at gawing mananayaw. Masalimuot pa rin ang kuwento ng Damsel pero at least, positive ang nature ng character niya. Natapos ang ikalimang chapter sa pagpipilit ng bidang babae na tumakas. Nahuli siya at ikinulong sa isang selda na may natutulog na preso. Nang gisingin niya ang selda-mate niya... nalaman niyang HARUKA ang pangalan nito....

Eh? Haruka? Yung isang novel ni Demo!? May cross-over na nangyari!!

Aba! Aba! Interesting to! Tch. Sana bilisan niya mag-update...

Hummmm. Ano kayang nangyari at mukhang nabago ang imagery ng kuwento at perspective ni Demo-my-love? Dumaan kaya siya sa isang divine intervention?

Nakita ko na nag-message ulit siya sa novel na'yun. Sabi niya, 'I WAS RUNNING ON DARK FOREST, SCARED, CONFUSED, SHAKING. I DON'T KNOW WHAT TO DO. I SAID, THERE'S A CLIFF OUT THERE... MAYBE I SHOULD JUST JUMP AND DIED. YEAH. I WAS ABOUT TO DO THAT... BUT THEN... A BRIGHT YELLOW FLOWER CAUGHT MY EYE. IT WAS HANGING RIGHT NEXT TO THE CLIFF. NOT KNOWING HOW DANGEROUS THE PLACE WAS. IT JUST WAVED AND WAVED... LIKE A DANCING GIRL ON MOONLIGHT. BEAUTIFUL. ECSTATIC. DIFFERENT. THE FLOWER MUST KNOW THE DANGER OF FALLING... YET... "SHE" CHOOSE TO BLOOMED ON THAT PLACE ANYWAY... FOR THE FIRST TIME IN MY LIFE... I SMILED...'

Oh! Omo! Omo! Ansabeeee niyaaaa? Halal! Halal! Praised the lord!! Alleluya!!!

AAAAAAAHHHHH! MY DEMOSTHENES!!! He... he... he... whaaaaah! Para akong tanga na talon ng talon sa Kama.

Yeeeey! May positive message siya! First time ever!! Omo! How romantic his words are!!

Siguradong nagwawala din ang ibang mga fans niya. Ho hooo!

Teka... napaupo ako sa Kama... at tumingin sa message. Instead of using 'it' para sa flower.. pinili niyang gamitin ang 'she' na para bang isang tunay na babae ang bulaklak. Hmmmm. Walang hanggan ang pagiging misteryoso niya.


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon