Sunny's PoV
Five years later...
Bilis lang ng panahon, ano? Ni hindi ko man lang namalayan, limang taon na pala ang nakalipas. Naka-graduate ako sa college sa kursong B.S. Psychology. Kumuha ako ng ilang units sa Ed. at tsaka ako nag-exam sa LET para magka-license sa pagtuturo. Sa ngayon, teacher ako sa SpEd. Masaya naman ako sa trabaho ko, mahilig din kasi ako sa mga bata kaya halos parang libangan ko na ang pagtuturo.
Gusto niyong malaman kung anong nangyari kay Valentin? Wag na. Mag-facebook ka na lang. He he! De joke. Kami pa rin hanggang ngayon, thank god. At natupad na niya ang pangarap niya gaya ng inaasahan. Nung magtraining siya sa loob ng Yankee, reserved pitcher lang siya sa junior division. Pero nung biglang na-injury yung main pitcher ng Yankee sa league, wala silang nagawa kundi ipasok si Valentin na noon ay pinakabata sa grupo, at hayaan siyang mag-pitch.
Dun nagulat ng husto ang buong sports community dahil sa ipinamalas niyang talent sa pitching. Ang average fast ball ni Valentin ay umaabot sa 110 kph. Sobrang bilis para sa isang junior player at dahil dun, nakakaperfect- strike out siya.
Inakyat nila si Valentin sa major league at naging main pitcher pa ng Yankee.
Kasabay ng pag-angat ng career niya,ay ang pag-busy ng schedules niya. Halos sa isang buwan ay apat na beses lng kaming nagkakausap. Sobrang nakaka-frustrate, pero ganun talaga. Busy rin kasi ako noon dahil nga sa pag-aaral ko.
Ngayon, sikat na sikat na si Valentin sa buong mundo. Mas kilala siya sa first name niya na Christian. Christian J. Ferrer. Hindi Val, hindi Valentin.
Maraming humahanga sa kanya, especially mga girls. Hindi ko naman sila masisi, Valentin developed well physically. Mas tumangkad siya, mas humaba ang buhok niya, quadraple ang sex appeal niya ngayon kesa noon na may bahid pa ng pagka-totoy. And his famous devil-smirk, became much more deadly and 'makalaglag-panty'. Iba-ibang mga supermodels ang nali-link sa kaniya. Take note, mga Victoria Secret Angels pa sila!!
Kabi-kabila din ang interviews niya sa mga international television at ang kalimitang tanong ay kung may girlfriend siya. In which he answered, "NONE..."
Nung marinig ko yun, galit na galit ako at umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Pero nawala din naman yun nung dugtungan niya ng...
"BUT I DO HAVE A FIANCEE... IN THE PHILIPPINES. HEY SUNNY-DEAR! SEE YOU SOON, HONEY!"
Yun ang lagi niyang sinasabi. See you soon. Di ko lang alam kung kelan yung 'soon' na yun. Akala ko talaga, kinalimutan na niya ako at pinagpalit sa sexy at naggagandahang mga models na yun. Naku! Mapapadalhan ko talaga siya ng bomba.
At ngayon nga, pinadalhan ako ng plane ticket ni Valentin a.k.a. Christian para dumalo sa gaganaping play-offs nila ngayong Valentine Season sa Bronx, N.Y. kaya lumipad ako ng solo papuntang New York.
(Si Mama nga pala may jowa na, si Tito Sam, biyudo din. Kaya okay lang iwanan ang Mama ko na 'yun.)
Ang seste ka, hindi ako masusundo ni Valentin dahil nga kailangan nilang maghanda sa game. Sinabi ko sa kanya na kaya kong pumunta ng Bronx ng mag-isa.
"YOU SURE, HONEY? MALAKI ANG BRONX?" Nag-aalalang tanong ni Val. Oo na lang ako, kahit hindi. Ang sabi pa niya, magpapadala siya ng susundo sa 'kin, ako lang ang umayaw. Ayokong makaabala eh.
Kaya pagdating ko ng New York, mapa agad ang binili ko. At muntik na kong maiyak dahil, totoo nga! Ang laki ng New York City!
Tsk! Inisip ko na lang na... si Demosthenes nga, nahanap ko by accident, malay mo mahanap ko din ang Bronx by accident!
Possitive ang outlook ko, kahit naligaw ako. Imagine, sa downtown N.Y. dapat ako pupunta. Aba! Malupit! Sa Manhattan ako bumagsak!
Buti may nakapansin sa 'kin na Pinay.
"HI! YOU LOOK VERY ASIAN... BY ANY CHANCE, ARE YOU A FILIPINA?" tanong nung babae sa 'kin na nakita yung mapa na hawak ko.
"AH YEAH, YEAH! I'M A FILIPINA AND I'M..... LOST.." sabi ko.
Tumawa yung babae at tinanong ako kung saan ako pupunta.
"I WAS LOOKING FOR YANKEE STADIUM... MY FIANCEE GAVE ME TICKET FOR THEIR GAME BUT I GOT LOST. I HAVE NO IDEA WHY I ENDED UP HERE..." sagot ko.
"GAME? YOUR FIANCEE'S A BASEBALL PLAYER... WAIT, THEY'VE GOT PLAYOFFS NOW! HE'S A YANKEES?!"
Naexcite yung babae nung malaman yun.
"I'M A FAN, SINO ANG FIANCEE MO DUN? AMERICAN SIYA?"
Umiling ako. "PINOY DIN..."
"ISA LANG ANG PINOY DUN. SI..... HAAAAH! SI CHRISTIAN! NO WAY! SI CHRISTIAN FERRER?!" Tinitigan ako nung babae mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo. Aba't!
Nakakababae to ah!
"HINDI AKO NANINIWALA SA SINASABI MO PERO SIGE, SASAMAHAN NA KITA!"
At..... sinamahan nga ako nung babae na nagpakilalang Ammie, tubong Zambales. Binigay ko sa kanya yung isang ticket bilang bayad sa pagsama sa 'kin habang nasa subway kami.
"EI WOW! VIP SEAT... GUSTO KO NA YATANG MANIWALA NA FIANCEE MO NGA SI CHRISTIAN!!"
Dedmaness.
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...