Smile

1.9K 116 2
                                    

 XIII-- SMILE //

Secret PoV //

Bago ako umalis papunta sa San Juan, pinabaunan ako ni Mama ng lunchbox para daw hindi na ako bumili ng pagkain ko doon.

Pasalamat ako dahil suportado niya ang pagha-hunting ko sa lovelife ko. Hahah! She's the definition of 'cool mom'!!

Tch. Pagkadating ko sa San Juan, dumaan muna ako sa may park. Doon sa estatwa ni Eros at nakipagtitigan muli sa kanya.

Sa ibang field gaganapin ang friendly match sa pagitan ng Winston-Salem at ng team ng kabilang bayan. May oras pa naman ako kaya okay lang tumambay.

Hindi ko alam pero may something sa lugar na to na gustong-gusto ko. Though, wala akong ideya kung anuman'yun.

Tumingin lang ako sa estatwa ni Eros. This place, is the place where it all began. Sa istorya ng Cupid's at sa istorya ng paghahanap ko kay Demosthenes. Para sa'kin, this is already a haven. A sanctuary. Kaya hindi ako---

"UMMM. HELLO! YOU'RE HERE AGAIN!!?" For the third time, narinig ko ang boses na'yun ni Valentin. Lumingon ako sa kanya.

Whooooaah! He's...... glowing. Nah! I mean, he's like.... sorrounded by light auras. So light, it was bright. Valentin was smiling again. At gaya ng dati, may pasak na iPod earphone sa isang tenga niya at Nestle Chucky sa bibig. This time, nakauniform siya ng pambaseball.

He looked..... dashing and mesmerizing. Kumurap-kurap ako dahil nakakasilaw siya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" tanong ko. Ngumisi siya at umupo sa.... yeah.. sa lupa.

"EH IKAW, ANONG GINAGAWA MO DITO?" ganting tanong niya. "NAPADAAN LANG," sagot ko. "NAPADAAN LANG DIN AKO EH!"

Aba! Ginagaya ata ako ng kulugo na to ah...!

Nag-smirk lang siya nung sumimangot ako.

After some silence moment, nagkayayaan kami na sabay nang pumunta sa venue ng laro. Naglakad na lang kami dahil malapit lang naman daw. Nung nasa may main road na kami, hinila ako ni Valentin papasok sa isang eskinita.

"SHORTCUT," sabi niya. Eh di sa shortcut kami dumaan kaso... may isang malaking aso sa dadaanan namin!

"CHILL LANG," sabi ni Val. "LEAVE IT TO ME..." eh di hinayaan ko siya na medyo lumapit sa aso. Nakatingin ang aso kay Valentin. "GOOD BOY! PADADAANIN KAMI NIYAN..."

Biglang umangil ang aso pero di umatras si Valentin.

Aba? Matapang?

"EI EI! YOU'RE A GOOD BOY--"

"ENGOT! BABAE YAN! KITA MONG DAMING ANAK!!" sikmat ko kay Valentin.

"EH? GIRL PALA YAN! GOOD GIRL! HINDI YAN MAGAGALIT SA'KIN, GUWAPO AKO EH---"

"ARFF! ARFFF! ARRFFF" Ay! Nagreact yung aso.

"TAKBOOO!" Bigla akong hiniklas ng lalaki, nakita kong naglabas ng pangil ang malaking aso. Whaaaaaaah! Kinaladkad ako palayo ni Valentin. Sabay kaming sumisigaw habang hinahabol ng malaking aso. Katangahan-overload!!

Natural, matapang yung aso, me anak eh!!!

Whaaaaah! Hingal na ako pagtakbo. Buti mabilis tumakbo si Valentin atleast hindi kami naukaban ng binti nung aso. Tumigil lang kami sa pagtakbo nung bumalik na yung aso sa kanila.

Nagkatinginan kami ni Valentin.... at sabay kaming napatawa sa katangahan namin. Sobrang lakas ng tawanan namin na pinagtinginan kami ng mga tao.

Tch. Wapakels!

"SLICK!! WE ALMOST LOST A LEG. HAHAHA!" tawa ni Val. Ang seste, muntik na kaming ma-late sa game dahil sa pangyayaring'yun.

Sinalubong kami ng galit na si Rust sa Gate ng Open Field.

"WHY ARE YOU LATE?!!" sigaw niya kay Val na nagkamot Lang ng ulo. "AND YOU!!?" sikmat sa akin ni Rust.

Eh? Pati ako?

Medyo nailang ako sa titig ni Rust kaya tumungo na lang ako. "LET'S GO INSIDE, THE GAME'S ABOUT TO START!!" angil pa ni Rust.

Tch. Para siyang yung aso, badtrip!

Pumunta ako dun sa may bench ng team ng Winston-Salem at nagtrabaho ng trabaho ng isang manager/alalay. Tulong dito, tulong doon. Assist dito, assist doon. Mga ganun lang. Nothing much!

Napansin ko na sobrang dami ng nanonood ng laban. Popular na rin kahit papaano ang larong baseball dito sa tin. At marami ang sumusuporta, karamihan ay mga high school at college students na wagas ang tilian sa bawat Innings ng laro. Sabagay, sa dami ng guwapo sa mga players, malamang nga ang fanbase nila ay puro mga girl students.

Tch. I can see Valentin and Rust coordinating each other. Magaling na Pitcher si Val at magaling na catcher si Rust. They're perfect partner.

Nahirapan ang kalaban na team na makalamang sa Winston-Salem. At nagwawala ang mga audience tuwing nakakastrike-out si Val. He never forgot to waved sa mga audiences kaya ayun! Some students were clashing just to catch Valentin's waved.

Rust, on the other hand was.... pokerfaced! At least, hindi na siya galit. Baka malapitan ko na siya mamaya.

He he. I wish! During half of the game, namigay ako ng tubig sa mga players.

Lalapit na sana ako kay Rust dahil may tumubong self-confidence sa dibdib ko, nang may sumulpot namang pulutong ng mga babaeng estudyante at palibutan siya. Tumalikod na lang ako.

Tch. Wrong timing ang malalandi, asaaar!

Nakita ko si Valentin na may tinitingnan sa cellphone niya. Kunot ang noo niya kaya pinupok ko siya sa noo nung waterbottle na ibibigay ko sana kay Rust.

"O. TUBIG!" alok ko. Automatic na ngumiti si Valentin at nagpasalamat bago tumalikod para kausapin ang kung sino sa phone niya.

Tch. Baka girlfriend.

Tumingin ako sa mga babaeng nakapalibot sa naiinis na si Rust.

Hindi pamilyar ang uniform nila pero halatang high-class na school ang pinapasukan nila.

"LOOK AT RUST! HAHAHA! BADTRIP NA NAMAN YAN KITA MO!"

"OO NGA! THOSE GIRLS! HANGGANG DITO NASUNDAN SI RUST SAMANTALA ANG LAYO NG SCHOOL NILA!!"

Eh? Bakit?

Nakitsismis ako dun sa dalawang player na naguusap sa tabi ko.

"RIGHT! WEST HILL ACADEMY----" Mabilis na lumingon ako sa dalawang naguusap at kumapit sa braso nila.

"PAKIULIT NG SINABI MO? ANONG PANGALAN NUNG SCHOOL?!!" Parang baliw kong tanong.

"AH EH... WEST HILL ACADEMY---"

"WEST HILL AS IN WEST HILL ACADEMY? OMO! BAKIT SILA NANDITO? YANG MGA GIRLS NA YAN?"

Sabay na tumawa ang dalawang lalaki. "ANO KA BA? NATURAL LANG'YUN. SIKAT SI RUST SA SCHOOL NA'YUN. DOON SIYA PUMAPASOK EH!"

What the eeefff?!! Doon siya pumapasok?! Sa West Hill? For real?! Holy freaking spirit of fire!!!

"YEAH! RUST...... AND OH.... VALENTIN!"

Eeehh? Si Valentin din?

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon