LXII: DECISION

1.3K 80 1
                                    


  Sunny's PoV

Namamanhid ang katawan ko at parang ayaw tanggapin ng isip ko ang nababasa ko ngayon. Pero kailangan... dahil gusto kong maintindihan kung bakit inilihim ni Valentin sa 'kin ang tungkol sa scholarship at sa offer na training ng Yankee sa kanya.

"K-KELAN PA 'TO? KELAN ITO IPINADALA, VALENTIN?" tanong kong hindi tumitingin sa lalaki.

Hawak ko ang mga dokumento na sabi ni Rust ay galing sa mismong sport agent ng sikat na Major League Baseball Team at binabasa yun kahit pa nga tila hindi rumirehistro ang mga letra nun sa utak ko.

"ALMOST... A MONTH AGO..." narinig kong mahinang sagot ni Valentin.
Tumingin ako sa kanya.

"A MONTH AGO.... SO WALA KA PALA TALAGANG BALAK SABIHIN SA AKIN ANG TUNGKOL DITO...?" sabi kong punong-puno ng hinanakit sa dibdib.

"IT'S NOT LIKE THAT, SUN... HINDI KO LANG TALAGA ALAM KUNG PAANO..
" sagot ni Valentin. "HOW... HOW COULD I POSSIBLY TELL YOU ABOUT THAT WITHOUT YOU HURTING---"

"SINONG MAY SABING MASASAKTAN AKO, VAL?!" tumataas ang boses ko at hindi ko yun mapigilan kahit gusto kong magpakahinahon.

"INAAKALA MO BA NA HAHADLANGAN KITA DITO SA PANGARAP MO?!" Tumayo ako at lumapit kay Valentin. "HANGGANG NGAYON BA HINDI MO PA RIN AKO KILALA---"

Hinawakan ako ni Valentin sa kamay at umiiling-iling siya.

"KILALANG KILALA NA KITA SUN. AT ALAM KONG MASASAKTAN KA PERO DI MO YUN IPAPAKITA DAHIL MAS PIPILIIN MO NA SUPORTAHAN AKO... YUN KA! KAYA.... KAYA HINDI KO MASABI SA'YO. DAHIL TIYAK AKO NA TULAD NILA MOMMY, PIPILITIN MO AKO NA PUMUNTA DOON..." bakas sa mukha ni Valentin ang paghihirap.

Alam ko kung gaano kagusto ni Valentin ang maging isang professional baseball player. Kaya nga hinanda ko na ang sarili ko dahil alam kong balang araw, aalis si Valentin para tuparin ang pangarap niya.

Naisip ko dati na hindi malayong mangyari yun dahil sobra sobra sa potensyal si Valentin. Magaling siya kumpara sa mga ka-peers niya. Na para bang ipinanganak talaga siya para maglaro ng baseball, para mag-pitch!

Masaya siya kapag naglalaro siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit oportunidad na ang lumalapit sa kanya'y siya pa ang umiiwas!
Hindi niya ako kayang iwan....

Masayang pakinggan... masaya na may halong sakit. Yung sakit? Yun ang hindi ko alam kung saan nanggaling. Pero alam kong kapag hindi niya itinuloy ang pangarap niya dahil sa 'kin... baka dumating ang panahon na isumbat niya sa 'kin ang lahat. Na hindi niya natupad ang pangarap niya dahil sa 'kin.
Ayokong mangyari yun.

"BAKIT? MASAMA BA YUN, VAL?" hinawakan ko siya sa pisngi niya at tumitig sa mata niya. "MASAMA BA NA HIKAYATIN KANG---"

"AYOKONG IWAN KA DITO!!" matigas na sabi ni Valentin.

"HINDI MO AKO IIWAN VAL. TUTUPARIN MO LANG ANG PANGARAP MO!" sabi ko.

Bumitaw si Valentin at lumakad palayo sa 'kin. Unti-unting namumula ang mukha niya tanda na naiinis na siya.

"YAN! YAN ANG SINASABI KO! KAYA AYOKONG IPAALAM SA'YO ANG TUNGKOL SA OFFER NA YAN! DAHIL TUTULAD KA LANG KINA RUST, KAY DADDY AT MOMMY NA PIPILITIN AKONG PUMUNTA NG AMERICA!" Valentin raised his voice, galit na nga siya.

"DAHIL YUN ANG TAMA, VALENTIN! PANGARAP MONG MAG-PITCH SA MAJOR LEAGUE DI BA? HETO NA OH! HETO NA! ETO NA ANG PANGARAP MO, TAPOS BABALEWALAIN MO LANG!! ISANG BESES LANG ITO DARATING SA BUHAY MO TAPOS ITATAPON MO----"

"ITATAPON?" Napuno ng hinanakit ang mata ni Valentin at natigilan ako dahil dun. "HINDI KO YUN ITATAPON, SUNNY! ISASANTABI KO LANG.... DAHIL AYOKONG IWAN KA! HOW COULD YOU SAY THAT? WHEN I'M DOING THIS FOR YOU! WHEN I'M CHOOSING YOU! YOU OVER MY DREAM!!"

Valentin was crying... at hindi ko rin.mapigilan ang umiyak.

"EVEN IF I HAVE TO THROW MY DREAMS, I DON'T CARE!! THEY CAN HAVE IT ALL THEY WANT!! IKAW LANG ANG GUSTO KO! ALL I WANT IS TO BE WITH YOU!"

Masarap pakinggan ang sinasabi ni Valentin. Nakakaluwag ng dibdib. Nakakataba ng puso. Pero kahit ganun... napupuno naman ng guilt ang isip ko.

"SA PALAGAY MO, VAL... MATUTUWA AKONG KASAMA KA... KUNG... KUNG ALAM KONG AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT MO IIWAN ANG PANGARAP MO? PANGARAP MO NA KASA-KASAMA MO SIMULA NOONG BATA KA PA?"

Alam kong sa sinasabi ko... maaaring mabago ang lahat. Pero... ayokong maging selfish. No matter how much I wanted him for myself, If he doesn't want to let go... I will be the one to do it.

Gaya ng inaasahan ko, bumalatay ang sakit sa mukha ni Valentin. Napaawang ang labi niya at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"A-ANONG IBIG MONG SABIHIN....?" tanong niya.

"HOW CAN YOU EASILY GIVE UP ON YOUR DREAMS VAL...? MATAGAL MO NA YUNG PANGARAP PERO PARANG NAPAKADALI LANG SA'YO NA IWAN YUN... HINDI KO TULOY MAIWASANG ISIPIN NA.... BAKA DUMATING ANG ARAW, IWAN MO RIN AKO PARA SA IBANG BAGAY.... AND HOW CAN I BE WITH A MAN... WHO CAN'T STAND FOR HIS DREAM...." kalabisan na, alam ko. Pero kung ito ang solusyon, pikit mata kong tatanggapin.

"HOW COULD YOU SAY THAT....? HOW COULD YOU?" Nanlalaki ang mata ni Valentin. "YOU'RE GIVING A BENEFIT OF THE DOUBT JUST BECAUSE I WANT TO GIVE UP MY DREAMS FOR YOU?! BULLSHIT! THAT'S BULLSHIT!!"

Napapikit ako at tinanggap ang sinabi niya gaano man yun kasakit.

"HINDI AKO AALIS PARA SA 'YO, TAPOS IPAGTUTULAKAN MO AKO PALAYO!! TELL ME, MAHAL MO BA TALAGA AKO?!! OR YOU'RE STILL TRAPPED WITH YOUR ILLUSION OF DEMOSTHENES!!"

"I LOVE YOU! I LOVE YOU! YOU, VALENTIN! THAT'S WHY I WANTED YOU TO SEEK FOR YOUR DREAMS! BECAUSE I KNOW, IT WILL MAKE YOU HAPPY!!! sigaw ko.

"AND WILL IT MAKE YOU HAPPY?!!" ganting sigaw niya.

Natigilan ako. Yeah. Will it make me happy? Siguro.

"WHATEVER MAKES YOU HAPPY MAKES ME HAPPY, VAL--"

"BULLSHIT!!" tumalikod si Valentin at naglakad paakyat ng hagdan. Tapos tumigil siya sa kalagitnaan. "FINE. IF YOU WANT ME TO GO, I'LL GO. HUWAG KA LANG MAGTATAKA KUNG HINDI NA AKO MAKABALIK... I DON'T WANT TO SAY, I WARNED YOU!" malamig niyang sabi bago tumuloy pataas sa kuwarto niya.

I heard him slamming the door shut.
Naiwan akong natutulala.

----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon