-----
XXVIII: HEARTBEAT
Secret PoV //
For the first time in my life.... muntik na akong masakal ni Mama. Para siyang nabaliw dahil dun sa ginawa kong pagtakas nung 31.
Mamatay-matay na daw siya sa pag-aalala sa kin. Kulang na lang magpa-issue siya ng manhunt operation.
Tch! Grounded tuloy ako.... bawal internet, bawal cellphone, bawal lumabas... buti di bawal kumain. Tigok sana ako.
Torture na nga di ako nakakabasa ng wattpad eh. Tapos wala pang cellphone.... haist! Hindi ko tuloy alam kung may update si Demosthenes.
Haaaay! Demosthenes. Demosthenes. Demosthenes. Sino ka kaya sa dalawang nilalang na yun?
Si Rust... na sa unang tingin eh perfect para maging ikaw? O si Valentin... na sobrang opposite mo pero pag nakilala mo unti-unting nagiging ikaw?
Aaarrggghh! Ka. I. Nis!!!! Sino ang oo? Sino ang hindi?
Psh! Kinuha ko yung 'Wheel of Fates' ko na laruan ko nung bata pa ako at pinaikot yun.
"WHEEL OF FATES, PALAGAY MO SINO KINA RUST AT VAL ANG TUNAY NA DEMOSTHENES?" tanong ko. Muntik na akong tumambling sa sagot ng wheel. 'Ask Your Grandmother'.
Adik ba 'to? Anong alam ng lola ko sa Wattpad. Pero.... walang masamang itry.
Nagdial ako sa landline nina lola sa Bulacan. At tinanong ko sa kanya kung sino si Demosthenes. Alam mo sabi ni lola? "ABA APO! KILALA KO YUN. NANLIGAW YUN SA AKIN NOONG DALAGA PA AKO!" Nagulat ako kay lola.
"POOO?"
"OO MAN APO, YANG SI DEMITRIO AY TALAGANG GUWAPO---"
Toinks! Si Lola, hindi lang adik... bingi din.
Nagpaalam na agad ako dahil parang gusto pa niyang mag-dialogue ng tungkol sa kabataan niya at kay Demitrio.
Nagtry ulit ako sa wheel of fates. "YUNG TOTOO! SINO SA PALAGAY MO SI DEMOSTHENES? SI RUST BA?"
Sumakit ang ulo ko sa sagot niya. "The Dog Only Knows".
Nagtry ako ng isa pa. "SI VALENTIN BA SI DEMOSTHENES?"
Muntik ko nang mamura ang umimbento ng laruang 'to. Ang sagot: "Sing Alleluya."
Eeeeeiihhh! Binalibag ko yung wheels of fates sa unan. Dahil dun, umikot ulit yung pointer nang mabilis and this time tumapat ito sa salitang.... "Your Heartbeat Knows The Answer"
Mmmmmmm. Natigilan ako. My heartbeat knows the answer? Paano naman yun? Nagsasalita ba ang tibok ng puso ko?
Kalokohan! Psh!
After one week, na-lift ang parusa ni Mama at malaya na ulit ako. Yehey! Agad akong pumunta sa San Juan dahil nabasa ko sa text ni Mr. Winston na kailangan na daw ako dun. Hindi ko alam pero excited akong pumunta dun.
Siguro kasi abot-kamay ko na si Demosthenes. Kung sino man siya kina Rust at Val, malugod kong tatanggapin yun bilang Ultimate Fan ni Demo.
Naabutan ko ang team na kumakain sa tapat ng barbeque stall ni Mr. Winston. Ang buong team, maliban kay.... Valentin.
Oh? Bakit wala siya? Pakiramdam ko tuloy napilayan ako ng isang paa. Tsk! Nasaan kaya ang lalaking yun, samantalang nandito naman si Rust at nage-emote sa piling nung bbq stick?!
Haist! Inaya akong kumain ng team... at dahil likas na mabait ako... hindi ako tumanggi. Nagkakatuwaan sila habang nagkukuwentuhan ng nalalapit na tournament ng baseball next month.
Kahit masaya silang kausap, feeling ko may kulang eh... kulang kaya ako saan? Sa sauce? O sa isa pang barbeque? Tsh! Siguro nga.
Tumingin ako kay Rust na tahimik lang na kumakain mag-isa. Pinagkatitigan ko ang mukha niya.
Rust is fair just as Valentin. Pero mas manly ang pagkaputi niya hindi tulad ni Val na parang babae ang kutis. Brownish ang medyo mahaba niyang buhok unlike ni Val na ravenblack.
'Kailangan talaga laging sisingit si Valentin, ha?' sabi ng konsensya ko.
Tsh! Hindi naman... reference lang.
Guwapo ang mukha ni Rust, halos hawig sa Japanese stage actor na si Shirota Yuu. Masungit ang approach. Samantalang si Val... european kid ang features ng mukha. Tipong Buckingham Duke o English-rich kid na.... tsssh!
Kumabog bigla ang dibdib ko pagka-alala sa mukha ni Valentin habang magkalapat ang noo namin.
Sheeet! Don't start! Nilakihan ko ang kagat sa barbeque para madistract. Maya-maya, nag-flash na naman yung mukha ni Valentin tuwing ngumingiti siya. Muntik na tuloy akong matusok nung stick sa ngala ngala sa laki ng kagat ko.
Pagtingin ko kay Rust, nakatingin din siya sa kin habang nakataas ang isang kilay. Cute. Isang features kung saan expert si Valentin.
VALENTIN NA NAMAN!!? Hanooobaaa!? Be fair on your judgement--- biglang may tumakip sa mata.
"GUESS WHO?" sabi ng tinig. Tinig na kilalang kilala ko. Automatic na nag-martsa ang mga sundalo sa dibdib ko kasama ang mga kabayo! Susugod ata sila sa giyera!! Hoolllly Molllly!
"V-VALENTIN PANGIT!!" sabi ko.
Nagtawanan ang mga member ng team. Tinanggal naman ni Val ang kamay niya at nakasimangot na tumingin sa 'kin. Haha! Ang..... cute niyaaa! Kyaaah!
"PANGIT? GANUN? TSSH!" kumuha siya ng barbeque at ngumasab na parang baboy.
"GUWAPO KONG 'TO? MALABO NA MATA MO..." sabi niya. Haha! Nagtampo ang loko.
Ang seste ka... nagpasama siyang bumili ng new gloves para sa baseball. Gasgas na daw kasi yung kanya. Kaya, sinamahan ko siya kahit pa nga.... kinakabahan ako sa di malamang dahilan.
Ui ui ui, si Rust ang crush ko hindi ang kulugong 'to! Tahimik lang si Valentin habang naglalakad kami. Kaya nagkachance akong mas titigan pa siya.
Valentin.... is a complex guy. Aakalain mong simple siya sa unang tingin. What you see is what you get... but then... hindi pala siya ganun... He laughed heartily yet he almost died mourning for his friend. He speak of things at kabagliktaran ang gagawin niya.
He's like...... EOJI.. ang bida sa isang nobela ni Demosthenes. Pano kung siya nga si Demosthenes?
"Your Heartbeat knows the answer"
Parang automatic na nagkalampagan ang "heartbeat" ko pagkaisip sa sagot ng wheels of fate. Nanlalaki ang mata ko sa pagkakatitig kay Valentin na pangiti-ngiti lang. Parang gusto ko na naman yatang mag-hypervintilate.
Biglang umeksena ang isang kanta mula sa malakas na sound system ng isang tindahan na dadaanan namin.
~kapag nakita ka... ako'y nahihiya. At pag kausap ka.... ako'y namumula...~
Potengene! Nananadya yung kanta!! Shooot! Pasimple akong nagtakip ng mukha.
~sabi ng puso ko.... ako'y INLOVE sa'yo----
"HINDI KAYAAA!" sigaw ko. Natigilan tuloy sa paglalakad si Valentin at maang na tumingin sa 'kin.
Tangaaaang babaee!
"HUH? ANONG HINDI KAYA?"
"AH HEHEHEHE... ANO... HINDI KAYA.... TAYO MAUBUSAN NG GLOVES? ANG BAGAL NATIN... BILIS-BILIS!" palusot ko.
PUTAAAAANG!
"O? OKAY," sabi lang ni Valentin. Whooh! Muntik na ako!
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...