XXIII: FRIENDS
//LOVELESS: When the war of the beasts brings about the world's end, the goddess descend from the sky. Wings of light and dark spread afar. She guides us to bliss, her gift, everlasting.
ACT I: Infinite in mystery is the gift of the goddess. We seek it thus and take it to the sky. Ripple's form on the water surface. The wandering soul knows no rest. //
Secret PoV //
Buhaaaay! Kahit anong tumbling ko hindi ko pa rin ma-gets ang ibig sabihin nitong 'Loveless' na 'to.
Nagsearch na ako sa internet, sa mga gaming magazines, gaming sites, hindi ko pa rin maintindihan ang koneksyon ng tula na 'to sa buhay ni Demosthenes.
Ang point ng story sa tula ay tumutukoy sa tatlong magkakaibang hero na nagkamit ng iba-ibang kakayahan mula sa goddess.
Hello! This is a fantasy! Real-life naman si Demo.
Tsh! Ewan... day by day nag-iiba ng ugali si Demosthenes. Ang mga update niya, halo-halo na!
Some are happy, some are not. Pero kahit ganun, ang dami-dami pa rin niyang supporters at followers. Dami ko na tuloy karibal sa atensyon niya. Tch!
Atensyon? At kelan naman siya nagbigay ng atensyon? Hindi kahit kelan!! Buwisiiit! Para siyang si Rust, oo. Sa unang hinala. Pero pag nakilala mo pa si Demo-my-love... mapapansin mong... medyo may kalayuan din sila.
Rust is a beast and Demosthenes is a demon. Yun lang yun.
"ANO NGANG PETSA NGAYON?" tanong ko sa kalapit kong member ng baseball team. Nagpapahinga ang lahat matapos ang practice.
"DECEMBER 27," sagot ng tinanong ko.
Mmmmmm. December 27 na pala. Malapit na ang New Year, kinakabahan na naman tuloy ako.
Ayokong ma-paranoid kaya tinuro ko sa katabi kong player ang dalawang lalaki na nagpa-practice ng Catching at Pitching sa field.
Sina Rust at Valentin.
"MATAGAL NA BANG MAGKAIBIGAN ANG DALAWANG YUN?" tanong ko ulit.
Tumango ang lalaki.
"OO NAMAN. BATA PA ANG MGA YAN AY TALAGANG MAGKASAMA NA. THEY'RE SIMPLY BEST OF FRIENDS," sagot ng lalaki.
Tumango tango ako. Tama yun. Ibang level ang friendship ni Rust at Valentin. Kita mo.... matapos magbugahan ng laway sa isa't isa noong 25 eh parang walang nangyari. Nagtatawanan pa.
Well.... si Valentin lang ang tumatawa, mukhang pikon na naman si Rust eh.
"PERO ANG ALAM KO..." dugtong ng lalaking katabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. "....SI HEATHER TALAGA ANG KABABATA NI VALENTIN. SILA ANG SANGGANG DIKIT AT DI MAPAPAGHIWALAY NOON... SI RUST? LATE NA NILA SIYA NAKILALA, MGA PRE-TEENS, GANUN..."
Napanganga ako sa sinabi niya. Huwat did he sey?!
Ang totong magbestfriend ay sina Valentin at Heather na apparently.... ay naging girlfriend ni Rust! Aba! Aba! Ano eto? Tangled?
"DI BA? DATING MANAGER NG TEAM NA TO SI HEATHER?" tanong ko.
Tumango ang lalaki. "UHUH. MABAIT SI HEATHER, MAGANDA PA AT MATALINO. PARA SIYANG SI VALENTIN, MASAYAHIN, KALOG, KAYA LAHAT KAMI NANLUMO NUNG MAMATAY SIYA..." bahagyang nalungkot ang lalaki habang nagkukuwento.
"ANO.... ANO BANG.... KINAMATAY NIYA..?" nagaalangan kong tanong.
Hindi ko kasi alam kung may karapatan ba akong malaman ang sagot dun.
"LAST FEBRUARY 14 LANG YUN NANGYARI... NAAKSIDENTE ANG SINASAKYAN NIYANG KOTSE... NAHULOG SA BANGIN SA ISANG ZIGZAG SA MAY BATANGAS..." malungkot na sagot niya.
Napasinghap ako. Alam ko nang namatay si Heather pero nagulat pa rin ako. Hindi ko akalain na ganun ang ikinamatay niya. Nakakalungkot.
"SOBRANG NAKAKAAWA SI RUST NOON... MAHAL NA MAHAL NIYA SI HEATHER. SA TINDI NG PAG-IYAK NIYA WALA NA SIYANG MAILUHA..."
Napipilan ako bigla. Parang may pumutol sa dila ko at namanhid ang kamay ko. Natahimik ako.
"PERO MAS MATINDI ANG NANGYARI KAY VALENTIN... HE JUST SIMPLY....... DIED.."
"BAKIT?" tanong ko agad. Pagkarinig ko sa pangalan ni Valentin ay tila may nagbalik ng boses ko. At nawala ang pamamanhid, napalitan ng init.
Anong nangyari kay Val noon?
"NA-CONFINED YAN SI VALENTIN. AT PARANG NAGKAROON SIYA NG SUDDEN MENTAL BREAKDOWN... DINALA NGA YAN SA AMERICA EH, KASO NAGWAWALA DAW DOON KAYA IBINALIK DITO. NUNG MAIBALIK SIYA DITO, NAILIBING NA SI HEATHER...... MAY POINT NGA NA AKALA NAMIN, MABABALIW YAN SI VAL. HE CUTS ALL HIS COMMUNICATION IN THE WORLD AND LIVED ON SHADOW. REFUSED TO TALK AND EVERYTHING... HANGGANG ISANG ARAW, BIGLANG GANYAN NA SIYA... NORMAL. NA PARANG WALANG NANGYARI, MILAGRO ATA..."
Hindi ko alam kung anong naramdaman ko sa sinabing yun ng lalaki. Si Valentin? Hindi kapani-paniwala! Ang masayahing si Valentin.... anong nangyari? Matic na masaktan siya, bestfriend niya si Heather eh.
Pero bakit ganun? Sobrang sakit ba ng naramdaman niya? To the point na, he almost lost his mind? He acted like.... an over-acted widowed husband!! At bestfriend lang siya sa lagay na yun ha!
Something is missing... hindi ko lang ma-pin-point kung ano. Tch! Gusto ko pang magtanong kaya lang nagpaalam na ang lalaki na pupunta sa Restroom.
Missing. Missing. Missing. Ano kaya yun? Letse naman! Hindi ko pa nga nasosolve yung kay Demo, heto na naman ako!
Pambihira!! Tumingin ako sa gawi nina Valentin at napaunat ako ng likod nung makita kong nakatingin si Valentin sa kin.
Kumaway siya at.... nag.... FLYING-KISS!! Nanlalaki ang mata kong tumingin sa likod ko kasi mamaya niyan hindi para sa kin yun, eh di napahiya ako.
Kaso, wala namang tao.
Lumingon ulit ako kay Val at nakita kong nakapamewang siya habang tumatawa ng malakas. Tch! Pinagkakatuwaan niya ako!!
Normal? Mukhang totoo ang tsismis... na baliw nga si Valentin! Psh!
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...