XLVIII: RUST'S WORDS OF WISDOM

1.5K 92 1
                                    


  Rust PoV

"TOL... TINGNAN MO SI VALENTIN, MUKHANG... ADIK!!!" narinig kong bulong ng team mate namin na si Rodd kay Mark.

"BAKA LASANG DROGA SI SUNNY!!" ganting sabi ni Mark. At nagtawanan ang dalawa habang nag-aapiran.

"ANG LUPET NUN ANO?! PARANG AMERICAN MOVIE... ONE MOMENT NAG-AAWAY, THEN BIGLANG...... KAPUUUT BOOM! MAY KISSING SCENE!? HAHAHA!"

Tsh! Laking-issue ng ginawa ng baliw na babaeng yun. Sino ba naman ang mag-aakala na hahalikan niya si Valentin, habang nagtatalo, sa gitna ng malakas na ulan!?

Slick! Although, I could give Sunny nine points for originality and guts!

Kung nakikita niyo lang ang expression ni Valentin ngayon. Baka mamatay kayo sa kakatawa. He looked inhumanly confused and desperate! Mukha siyang... nalilito na, nahihilo pa.

Andun siya sa sulok at nagngunguyngoy.

Kahapon pa nangyari yung eksena, pero hanggang ngayon... lutang pa rin siya. Nung pauwi kami kahapon, hindi yan makausap nang matino. Puro 'huuuh?' ang sagot, ewan. Sabi ni Tita Tina, baka daw napasukan ng malamig na hangin sa utak niya si Valentin.

Nakaupo siya at nakaharap sa bintana.

Nandito kami sa bahay niya dahil naghanda si Tita Tina para sa birthday niya kahapon. Ngayon lang nai-celebrate dahil binigyan daan muna ang death anniversary ni Heather. Lumapit ako kay Valentin at naupo sa tabi niya.

"HEY... WHAT'S UP?!" bati ko.

Tiningnan lang niya ako tapos nangalumbaba ulit siya. "NOTHING TO TELL..." sabi niya.

"NOTHING? SIGURADO KA? EH MAHIHIYA ANG MARIANAS TRENCH SA LALIM NG INIISIP MO..." sabi ko.
Hindi siya nagsalita, bumuga lang ng hangin.

"SIYANGA PALA ANG GANDA NUNG GIFT SA'YO NI SUNNY AH..." nakangising sabi ko.

Kunot ang noong lumingon si Val sa 'kin. "HUUUUH?"

"YUNG KISS! WAS THAT YOUR FIRST?!" kantiyaw ko.

Automatic na namula ang tenga ni Valentin sa sinabi ko. At nanlalaki ang mata niya. "WILL YOU SHUT UP?!" sigaw niya. Tapos parang nahihiya siyang nagngunguyngoy. "IT WASN'T MY FIRST AND ACTUALLY IT WAS BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH..."

Nonsense ang mga sinasabi ni Valentin. Lutang pa rin siya. "WASN'T YOUR FIRST? BAKIT? HINDI KA PA NAMAN NAGKAKAGIRLFRIEND AH? AY OO NGA! SI TITA TINA ANG FIRST MO!" tukso ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Valentin, pero harmless sya ngayon kaya hindi ako nag-alalang bibigwasan niya ako ng suntok.

"TUMIGIL KA!" Tsh! Haha! Namumula pa rin tenga niya. "I... I... HAVE GIRLFRIEND FROM PAST... HINDI... KO LANG... SINASABI SA 'YO..."

Haay! Kung hindi ko siya kilala, maniniwala ako. Pero matagal ko nang kilala si Valentin. Pati brief na suot niyan, alam ko. Alam namin ni Heather.

Kaya alam ko rin na kahit kailan hindi naging interesado sa ibang babae si Valentin, aside from his Mom and bestfriend. Kaya yung pagdating ni Sunny sa buhay niya ay masasabi kong isang uri ng divine intervention. She was God sent from heaven.

"OKAY... SINABI MO EH..." ngiti ko na lang. "ANYWAY... THIS IS YOUR BIRTHDAY PARTY, NANDITO ANG BUONG TEAM... PERO WALA SI.... SUNNY! TELL ME... ARE YOU STILL MAD AT HER?" tanong ko.

Natigilan si Valentin at bahagyang tumigas ang mukha niya. Tch! What a stubborn man! Time to put some sense into his head.

"BAKIT KA BA KASI NAGAGALIT SA KANYA? ALAM MO KUNG AKO ANG TATANUNGIN MO.... WALA NAMAN SIYANG GINAWANG MASAMA AH... KABALIKTARAN PA ANG GINAWA NIYA... SHE HELPED ALL OF US HERE..." sabi ko.

Bumuntung-hininga si Valentin.
"NASASABI MO YAN DAHIL WALA KA SA POSISYON KO---"

"POSITION? WHAT POSITION? YOU MEAN... DEMOSTHENES' POSITION?" Kinuha ko yung unan ng sofa at niyakap yun. "SUNNY IS A FAN... DAPAT BILANG SI DEMOSTHENES MATUWA KA NA MAY ISANG FAN ANG NAGPILIT NA MAHANAP ANG KATAUHAN MONG YUN DESPITE OF YOU HIDING IT."

Natahimik si Valentin, he was thinking what I said. Good.

"AND YOU KNOW WHAT... YOU SHOULD BE GRATEFUL. HINDI KA LANG BASTA HINANAP NI SUNNY... NATAGPUAN KA NIYA... TINULUNGAN KA NIYA... AT... MINAHAL KA NIYA..."

Napahiga si Valentin sa sofa at tinampal ang noo niya.

"KUNG AKO SI DEMOSTHENES... MATUTUWA AKO," dugtong ko. Hindi ko alam yung part tungkol sa pagmamahal... pero bilang Psychology Student, hindi mahirap hulaan ang nararamdaman ni Sunny. Sunny is as clear as glass. As bright as the sun.

"YUNG SINASABI MONG AWA... OO SIGURO SA UMPISA NARAMDAMAN NIYA YUN... PERO ITO ANG TATANDAAN MO VAL, WALANG BABAE ANG MAGHAHANAP SA ISANG LALAKING NI TOTOONG PANGALAN AY HINDI NIYA ALAM... NI SUSUGOD SA NAGWAWALANG LALAKING YUN KAHIT NA MASUGATAN PA SIYA O UMIYAK PA SIYA... O TUMAKBO SA ULANAN KAHIT PA IPAGTABUYAN SIYA NANG LALAKING YUN... ITULAK.. SAKTAN.. WALA VALENTIN! HINDI.GAGAWIN YUN NG BABAE PARA SA AWA....."

Tumingin sa akin si Valentin. He looked confused but I could see that his mind was battling with what I said.

"I..." umpisa niya. "I... DON'T---"

"AND A GIRL WILL NEVER KISS A GUY, VALENTIN, UNLESS SHE LOVE HIM...... THINK ABOUT IT!" tumayo ako at iniwan ko si Valentin na natutulala.
Tch! Kapag di pa gumana ang words of wisdom ko. Ewan ko na lang sa kanya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha na pagkain. Nakikita ko si Valentin na nagmomonologue sa ilalim ng hagdan. Yeah, he's talking to himself.

"DUDE... ANONG SINABI MO KAY LEN? BAKIT LUMALA YATA?" tumatawang tanong ni Mark na lumalamon ng ube.

Ngumiti lang ako. "WALA NAMAN..."

Maya-maya nga lumapit sa akin si Valentin at di maipinta ang mukha niya.

"AHM.. RUST... DO YOU THINK.... UMMM... DO YOU.... SHIT...--" Pinigil ko ang tumawa ng malakas.

Mukhang natataeng ewan si Valentin.

"DO I WHAT?" tanong ko kahit pa nga alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"P-PWEDE BANG... MMMM. ANO...."

"PWEDENG SAMAHAN MO SI VALENTIN!" singit ni Mark.

"NA SUNDUIN SI SUNNY!" dugtong ni Rodd.

"KASI NAHIHIYA DAW SIYA!" sabi ni Alex.

"NA BAKA SI SUNNY NAMAN ANG GALIT!!" pagtatapos ni Tita Tina.

Namula si Valentin. "UI UI! KAYO! ANONG SINASABI NIYO!!? HINDI GANUN ANG---"

"SAVE IT, VALENTIN!" sabi ko. Ibinaba ko ang pagkain ko at hinila si Valentin. "LET'S GO..."

"HEY!" reklamo ni Valentin.

"AYAW MO?" tinaasan ko siya ng kilay. Umiwas ng tingin si Valentin at nagpatiunang maglakad.

"OKAY.. MAPILIT KA EH.." sabi niya.
Tch. Ako pa?

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon