Baseball Boys

2.9K 169 13
                                    

II: BASEBALL BOYS //

Nakatulala pa rin ako nang iwan ng guwapong lalaki. Hindi agad ako naka-react. Para kong pinasakan ng bola sa lalamunan. Ang hard naman kasi nung sinabi niya. T^T

Grabe naman, ano siya... may pinagdadaanan sa buhay? Demosthenes lang ang peg?

Napasimangot na lang ako.

Maya-maya, lumapit sa 'kin ang isa pang lalaki. Nakasuot din siya ng parehong baseball uniform tulad nung isa. Pero kung yung nauna eh mukhang winter sa sobrang cold, ang isa namang ito'y nagliliwanag na summer.

Ngiti pa lang, sampung araw na ang katumbas. At nagkakamot siya ng ulo nang tumapat sa 'kin.

"SORRY MISS AH. KASALANAN KO... NAPALAYO ANG PITCH KO..." sabi niya at nahulaan ko na siya yung sumigaw ng ilag kanina.

Ngumiti ako. "OKAY LANG. DI NAMAN AKO TINAMAAN EH. NAPAGALITAN NGA LANG NUNG... TEAMMATE MO ATA YUN. GALIT EH."

Tumawa ang lalaki. Cute. May dimple. "DON'T MIND HIM. HE'S ALWAYS GALIT, KAHIT WALANG DAHILAN. GALIT SA TRAFFIC. GALIT SA DOS NA PANDESAL. GALIT SA GUWARDIYA NG MALL. NORMAL NA MUKHA NIYA YUN KAYA WAG MONG DAMDAMIN!"

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ng lalaki. Ang kulet niya. Smiley faced. XD

Sinabi pa ng lalaki na nagpapractice sila ng baseball sa kalapit na field. At community baseball club sila. Naghahanda para sa district tournament. Inaya niya akong manood ng practice pero tumanggi ako. Si Demo ang pakay ko at hindi baseball. Nagpaalam din agad ang lalaki at sumunod sa teammate nito sa kalapit na field. Ako naman, naiwan sa tapat ni Eros. Nag-iisip ng tungkol kay Demo.

Ngayong nahanap ko na ang unang clue at least mas madali ko nang mahahanap siya. Tiyak ko na madalas magpunta sa lugar na 'to si Demosthenes dahil di niya 'to isasama sa kuwento kung di ito mahalaga sa kanya.

Nang medyo dumilim na, umalis na rin ako sa park pero nangako ako sa sarili ko na babalik ako. Hindi pwedeng hindi.

Along the way, nakasalubong ko pa ang team nina Smiley faced guy at yung si Mr.Sungit. Kumaway lang si Smiley at ngumiti nung makita ako. Pero si Mr.Sungit... dedma lang.

Psh! Problema ng taong yun! -3-


Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon