LVI: MR. GENIUS

1.5K 85 0
                                    


  Sunny's PoV

Tahimik lang kami ni Valentin habang nagbibiyahe pauwi sa bahay. Paminsan minsan ay nagkakatinginan kami at nagkakangitian.

Yung parang mga baliw lang. Wala eh, lakas ng tama.

Yung namang binigay na flat golden box ni Valentin ay nilagay ko sa loob nung school bag ko. Wala akong ideya kung ano yun. Hindi naman sinabi ni Valentin, ang arte... ayaw pang aminin kung anong laman Tingnan ko na lang daw.

Oh well, titingnan ko talaga yun mamaya pag umalis na siya.

Patulog na si Mama nung dumating kami. Sinalubong pa niya ako ng nanunuksong tingin nung makita yung sandamakmak na bulaklak na hawak ko. Si Valentin kasi ang nagdala nung gamit ko.

"MAIWAN KO NA KAYONG DALAWA DYAN. MAUNA NA AKO MATULOG DAHIL MAAGA AKO PAPASOK..." sabi ni Mama bago umakyat ng hagdan at nawala.

Humarap ako kay Valentin na nakapamulsa habang nakataas ang isang kilay.

"UMUWI KA NA KAYA... GABI NA OH..." sabi ko sa kanya. Medyo ilang-mode na naman ako eh.

Sa halip na sumunod, umupo pa sa sofa si Valentin at niyakap ang unan. "A. YO. KO. GAGAWA PA TAYO NG TERM PAPERS MO. DI BA?" sabi niya.

"TCH! AKO NA BAHALA DUN. KAYA KO NA YUN..." kahit hindi... he he!

"AH BASTA! GUSTO KO GUMAWA NG TERM PAPERS MO! I'M NOT GOING TO LEAVE, KAHIT MAGUNAW PA ANG MUNDO!" Haay! Tigas ng ulo ng Valentin na 'to.

Kinuha ko yung gamit ko at nag-martsa pataas ng hagdan.

Nagmamadaling humabol sa 'kin si Valentin. "UI UI! WAG MO AKONG IWAN DITO!!"

At umakbay siya sa 'kin papunta sa tapat ng room ko. Hindi na ako nagkomento, nakakapagod kausap yang si Valentin eh.

Binuksan ko na lang yung kuwarto at pumasok sa loob para i-switch ang ilaw.

"WHOAH! NICE ROOM!! NASAAN SI BARNEY?! WHAHAHAHAHA!" kantiyaw ni Valentin, palibhasa kulay purple at lavender ang buong silid ko.

Binato ko si Valentin ng unan na nasalo naman niya. Tapos ngumisi siya, "AY NAKALIMUTAN KO... IKAW NGA PALA SI BARNEY!! WHAHAHAHA!"

Buwisit na lalaki 'to. "HOY! KUNG MANG-AASAR KA LANG, ANG MABUTI PA UMALIS-ALIS KA NA... " sabi ko.

Umingos si Valentin at pabagsak na humiga sa kama bago parang bata na nagpagulong-gulong doon.

Binuksan ko yung PC ko kasi dun ako gagawa ng term papers.

Maya-maya naririnig ko na si Valentin na kumakanta ng 'twinkle twinkle little star' habang nakatingin dun sa kisame ng kuwarto ko na may glow-in-the-dark stickers.

Tch! Baliw talaga! Nakakatuwa ang kabaliwan niya.

"HEY MAARAW.." narinig kong tawag ni Valentin sa'kin.

"UMMM, BAKIT?" sabi ko.

"SAAN AKO TUTULOG DITO? KASYA BA TAYO DITO SA KAMA MO?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "ANONG DITO?! UUWI KA SA INYO!!"

Umingos si Valentin at tumayo para lumapit sa 'kin. "TCH! HOW INCONSIDERATE YOU ARE.... PAPAUWIIN MO ANG EHEM... BOYFRIEND MO NANG GABING-GABI NA?!"

"HUWAG KANG MAGDRAMA, VALENTIN... HINDI UUBRA SA 'KIN YAN! O..." itinuro ko yung silya sa harap ng desktop. "IGAGAWA MO AKO NG TERM PAPERS, DI BA?"

Sumimangot si Valentin pero umupo din naman siya doon at tiningnan ang naumpisahan ko na.

"ANG PANGIT NG GAWA MO! ANO 'TO? PARANG PANG-GRADE ONE!" reklamo ni Valentin.

Tiningnan ko yung files. "EH SA YAN LANG ANG KAYA NG UTAK KO EH. KAAYAWAN KONG SUBJECT YANG BUSINESS ARTS KAYA WAG MO AKONG GULATAN DYAN... DUDUKUTIN KO YANG MATA MO!" sabi ko.

Tinabig ako ni Valentin. "TABI! AT GAGAWIN NA NANG HENYO ANG TERM PAPERS MO! CHILL KA LANG DYAN... AKO NANG BAHALA DITO... TEKA...." aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Valentin.

"KAILANGAN KO NG POWERBOOSTER!" Tapos mabilis siyang tumayo at....

*tsup!*

Ninakawan ako ng halik sa labi! Saglit lang naman yun, bitin nga eh. Haha!

Seryosong umupo sa harap ng monitor si Valentin. Maya-maya pa, mabilis na siyang nagta-type. Bumaba ako para gumawa ng meryenda.

Pihikan sa pagkain si Valentin, picky-eater nga, kumbaga. Gumawa ako ng egg sandwich dahil hindi kumakain ng peanut si Val. Tapos ayaw din niya ng orange juice, mas gusto niya ang pineapple kaya yun ang kinuha ko. Buti may stock pa kami.

Pagbalik ko, tinawag ako ni Valentin. Lumapit ako. "LOOK AT THIS... OKAY NA BA 'TO SA CONCLUSION?"

Pagtingin ko sa monitor, nahilo ako bigla. Hindi ko maintindihan yung ginawa niya! Though I think mas accurate yung kanya kesa dun sa gawa ko. Whoa! Grabe naman ang lalaking 'to! Parang computer ang ulo!

Pinaliwanag ni Valentin kung ano yung ginawa niya. Kahit hindi ko siya maintindihan, oo na lang ako. Baka sumabog ang utak ko pag inintindi ko pa yung sinasabi niya.

Bumalik na ulit sa pagta-type si Valentin. At ako naman eh, nagreview para sa long test at sa thesis ko.

Ilang saglit lang at natapos na din ni Valentin yung ginagawa niya. Siya na rin ang nag-print. "GUMAWA AKO NG COPY SA LOCAL DISK MO. AT DITO SA USB IN CASE, KAILANGANIN MO NG COPY..." sabi niya.

Tumango lang ako. Humiga si Valentin sa sofa sa gilid ng kama ko at nagbasa nung mga nakakalat ng books doon. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa.

Maya-maya pagtingin ko kay Valentin eh tulog na siya. Nasa sahig na yung binabasa niya at medyo nakanganga siya habang mahinang humihilik.

Gusto kong tumawa pero pinigilan ko. Valentin looks very cute and funny when he sleeps. I could look at him forever and will never grew tired.

Kinuha ko na yung comforter at ikinumot sa kanya. Tapos hinalikan ko siya sa noo. "SWEETDREAMS... MY SWEET VALENTINE," bulong ko.
Gumanti siya ng bulong, "SAME TO YOU, MY SUNSHINE..."

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon