XLVII: RAIN

1.6K 96 2
                                    


  Sunny's PoV

Hindi niya talaga ako pinapakinggan kahit anong attempt kong lumapit kay Valentin.

Lahat ng style ng walk-out ay nagawa na niya. Pinagsarhan na niya ako ng pinto sa mukha. Napa-frustrate na ako, gusto ko na siyang hampasin ng banga sa ulo.

Arggh! Pero anong magagawa ko, nagmahal ako ng may topak, eh di magtiis ako!!

February 14, first year death anniv. ni Heather. Pumunta ang team sa sementryo para bumisita. Inaaya nila akong sumama pero tumanggi ako.

Hindi sa ayaw ko kundi dahil... hindi bagay sa akin na nasa lugar na yun samantalang wala naman akong alam doon. Close friends lang at relatives ang dapat pumupunta sa ganuon.

Ang mga tulad kong... stranger ay hindi na dapat nakikisawsaw pa.

Mamaya niyan magwala pa si Valentin doon dahil sa 'kin. Ibibigay ko na sa kanila ang moment na 'to.

Nasa bahay lang ako at naglinis. Hindi ako nag-wattpad dahil para saan pa, binura na ni Valentin ang buong account niya?

Haaay. Sobra-sobra talaga ang galit niya sa akin. Feeling ko tuloy, nakapatay ako ng tao.

Tch! Sabi nga ni Rust, 'Hulk-mode' daw ang tawag ni Heather sa ganung ugali ni Valentin. Si Val daw kasi, bihirang magalit... pero pag daw nagalit, todo-bigay.

Medyo natakot tuloy ako, baka hindi na niya talaga ako kausapin. Nagbihis ako dahil tinext ako ni Mama na magkita kami sa SM. Binilin niya yung payong, malakas kasi ang ulan sa labas dahil sa LPA.

Palabas na ako ng bahay nang biglang sumalubong sa akin ang Mommy ni Valentin. Umiiyak siya, nagulat tuloy ako.

"TITA, ANO PONG NANGYARI?!" Kumabog agad ang dibdib ko at naisip ko si Valentin.

"SUNNY, HIJA... SI VALENTIN, BAKA NAMAN PWEDE MONG PUNTAHAN DOON SA SEMENTERYO??" Humawak sa braso ko ang ginang.

"PO? BAKIT PO!?"

"AYAW NIYANG UMALIS DOON SA PUNTOD NI HEATHER! WALA SIYANG PINAPAKINGGAN KAHIT ISA SA 'MIN
. IKAW LANG ANG NAISIP KONG PWEDENG MAKATULONG SA KANYA... KANINA PA SIYA DOON AT BASANG-BASA NA SIYA NG ULAN..."

"PUPUNTAHAN KO PO SIYA!!"

Nagdesisyon akong pumunta sa sementeryo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang galit ni Valentin pero hindi ako papayag na hayaan siyang patayin ang sarili niya. Kung ganundin lang, hahampasin ko na lang siya ng banga sa ulo. Mas madali pa yun.

Malakas ang ulan nang dumating kami ng Mommy ni Val sa St. Therese. Nakita ko si Rust na pinipilit na hikitin ang nakaupong si Valentin sa harap ng puntod ni Heather. At basa na sila parehas.

Nung matanaw ako ni Rust ay agad siyang lumapit sa 'min. Umiiling siya.

"SUKO NA KO SA TIGAS NG ULO NIYA!" anas niyang salubong sa amin habang sumisilong sa tolda. "HINDI TALAGA SIYA NAKIKINIG..."

"AKONG LALAPIT SA KANYA..." sabi ko. Pinatong ko yung mga gamit ko sa mesa.

Nakita ko na nandun ang buong team at si Mr. Winston na nanonood lang sa nangyayari.

"SIGE SUNNY, GO GO GO... IPAGCHI-CHEER KA NAMIN..." sabi ni Mark.

"KAPAG SINAKTAN KA NIYA... SENYAS KA LANG, PAGTUTULUNGAN NA NAMIN SIYA.."

Tumango lang ako. Tapos kinuha ko yung payong at huminga ng malalim. Buti na lang uminom ako ng Vitamins kanina. Dapat pala nagdala na rin ako ng body armor! Daig ko pa nito ang susugod sa giyera.
Humakbang ako papalapit sa puntod ni Heather. Medyo malayo yun sa tolda at malakas pa ang hangin kaya medyo nabasa na din ako.  

  Nang malapit na ako'y tinanggal ko lahat ng kaba sa dibdib ko. Nakikita ko si Valentin na nakaupo habang nakaharap sa puntod ni Heather. At nanginginig na siya.

Mukhang gusto na talagang mamatay ng baliw na lalaking 'to. Dahan-dahan akong lumapit sa lalaki. At nang nandun na ako sa likod niya'y.... pinayungan ko siya.

Alam kong useless na, pero at least malalaman niyang nandun ako sa likod niya. Saglit lang ang pinaghintay ko... maya-maya nga ay tumingala si Valentin. Nakakunot ang noo niya at kahit malamig ang panahon... ang mata niya'y nagbabaga.

"VAL..." anas ko.

"ANONG GINAGAWA MO DITO...?!!" sigaw na nga niya nung makita ako.
Natakot man ako'y hindi ako nagpahalata.

"PINAPUNTA AKO RITO NG MOMMY MO---"

"ALIS! WALA KANG KARAPATANG PUMUNTA DITO!!" Sigaw niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng deretso sa mata niya. Kung matigas ang ulo niya, pwes mas matigas yung akin.

"SORRY... PERO HINDI KITA SUSUNDIN. HANGGA'T NANDITO KA... HINDI AKO AALIS DITO.." pinal kong sabi.

Tumayo si Valentin at humarap sa akin. "BAKIT? SINO KA BA? NANAY BA KITA? GIRLFRIEND? ANONG KARAPATAN MONG SABIHIN SA KIN YAN?! AHH. NAKALIMUTAN KO, FANS KA NGA PALA NI DEMOSTHENES... GUSTO MO NG AUTOGRAPH?!" nang-uuyam na naman ang boses ni Valentin.

Kung ako lang... uuwi na ako at papabayaan ang matigas ang ulong lalakin na 'to na manigas sa lamig.

Nakakairita na siya eh. Ang kaso nga hindi. Isa pa... mahal ko eh.

"KAHIT ANO PANG SABIHIN MO... HINDI PA RIN AKO AALIS DITO. KAHIT LAITIN MO PA AKO O PAGSALITAAN NG KUNG ANU-ANO... SIGE LANG, VALENTIN. KUNG DOON KA SASAYA..."

Biglang nag-iba ang expression ni Valentin. It turns deadly cold. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.

Biglang tinabig ni Valentin ang payong at tumalsik iyon papunta sa malayo. Parang yelo na bumagsak sa mukha ko ang malakas na ulan. At automatic na nanuot sa laman ko ang lamig.

"WHY DON'T YOU JUST LEAVE ME ALONE!!?" Sigaw ni Valentin. "I DON'T NEED A LIAR LIKE YOU--"

Aaarrggh! Nakakainis na!!

"HINDI AKO SINUNGALING, VALENTIN!! KAHIT KELAN HINDI AKO NAGSINUNGALING SA 'YO!!" sigaw ko sabay tulak sa kanya. Napaupo si Valentin sa damuhan.

Basang-basa na ang katawan ko at sumasakit ang kalamnan ko pero wala na akong pakialam. Gustung-gusto nang sumabog ng dibdib ko.

"BAKIT ANG KITID-KITID NG UTAK MO?!! BAKIT ANG GUSTO MO IKAW LANG ANG PAPAKINGGAN?!! VALENTIN, HINDI MO AKO NANAY, HINDI MO AKO GIRLFRIEND!! PERO OO, FAN MO AKO! ANONG MASAMA DUN?! KELAN PA NAGING KASALANAN ANG MAGING ISANG FAN? MAGALING KANG WRITER EH... MAY DAMDAMIN ANG BAWAT LETRA MO! MAY PUSO ANG BAWAT PAHINA NG KUWENTO MO! WAG MO AKONG SISIHIN DAHIL LANG GINUSTO KONG MAHANAP KA!!"

Umihip ang malakas na hangin at mas nanuot sa laman ko ang lamig na parang humihiwa sa laman ko. Dahan-dahang tumayo si Valentin at masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"SINUNGALING KA! HINANAP MO SI DEMOSTHENES DAHIL NAAAWA KA SA KANYA, AMININ MO!! SINABI MO NGA DI BA, NA-CURIOUS KA LANG DAHIL IBA SIYA... DAHIL NARARAMDAMAN MO ANG PAGHIHIRAP NIYA... ANG KAIBAHAN NIYA... ANONG TAWAG MO DUN, HA?! HINDI BA AT AWA ANG------"

Humakbang ako palapit kay Valentin at mabilis na hinawakan ang pisngi niya. Tapos.....

HINALIKAN ko siya!

I kissed him full in his mouth. It was so cold because of the rain. But despite of it, Valentin's lips was warm. Warm as summer... sweet as honeycomb... last only for seconds.

Natigilan si Valentin dahil dun.

Dahan-dahan akong humiwalay sa kanya. Tapos tiningnan ko siya sa mga mata niya. Valentin look shocked and flushed.

".... ALAM MO KUNG ANO ANG TAWAG KO DUN VALENTIN...?" mahina kong bulong. "HINDI AWA KUNDI...... PAGMAMAHAL."

Tapos tumalikod ako at naglakad palayo. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Nagawa ko na ang gusto kong gawin. Hanggang doon na lang talaga ang kaya ko.

Pero kahit ganun, maluwag na ang dibdib ko.

Sa di kalayuan ay natanaw ko sina Rust at ang team na nakanganga! Pati ang Mommy ni Valentin ay nakapagpaypay samantalang sobrang lamig ng panahon.

Tumango sa akin si Rust at ngumiti. Gumanti ako ng tango. Tapos umalis na ako ng Sementeryo. Siguro naman kahit paano, natauhan na si Valentin sa ginawa ko.

Sheeet, ang first kiss ko!!

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon