XLIV: PANDORA'S BOX

1.4K 86 0
                                    


  Sunny's PoV

It was kinda hard... to do things opposite of what you really want.

Gusto kong lumapit kay Valentin... pero mas pinili kong humakbang palayo. Gusto kong umupo dun sa tabi niya pero mas pinili ko ang tumakbo. Hindi dahil duwag ako... kundi dahil yun ang mas mabuting gawin sa pagkakataong ito.

At least ngayon alam ko na kung hanggang saan ang pagmamahal ni Valentin para kay Heather.

Walang hanggan. Forever. Salitang laging pinagdedebatehan sa wattpad kung totoo o hindi.

Totoo sa mga naniniwala, at hindi para sa mga sumuko na.

At ngayong nakita ko at natuklasan ko na kung bakit ginawa ni Demosthenes ang Cupid's Last Wish, bilang fan niya, masaya ako. Pero bilang nagmamahal..... nalulungkot ako.

Gaano man ako magpilit... hindi ako ang bida sa istoryang sinulat niya. At sa bandang huli ay eexit din ako sa eksena.

Masakit man... ganun talaga. All is fair in love and war! At kung digmaan siguro 'to... malamang patay na rin ako.

----------
Valentin's PoV

Pinagkatitigan ko yung pangalan ni Heather na nakasulat sa ibabaw ng puntod niya. Sa ilalim ng pangalan na 'to ay nakahimlay siya.

Ang babaeng naging sentro ng pagkatao ko noon. Ang babaeng naging dahilan para mabuo ang maskara ni Demosthenes.

Matagal kong sinisi ang sarili ko dahil sa pagkawala niya. Pakiramdam ko talaga ay kasalanan ko. Pinilit ko si Heather noon na dumating dahil birthday ko. Sinabi niya na hindi niya kaya dahil may sakit siya.

Naging selfish ako at dahil lang sa kagustuhan kong makita siya.... namatay siya.

Nung matuklasan ko yun, pakiramdam ko ay namatay din ako. Yun ang panahong sobrang madilim na madilim ang mundo ko. At hindi ko alam kung paano umahon.

Para akong pinaparusahan ng sampung demonyo, ni hindi ko kilala kung sino ako.

Luckily, nakakuha ako ng temporary peace sa pgsusulat ng kuwento sa wattpad. Lahat ng nasa loob ko, doon ko ibinuhos. Lahat ng yun, ipinasalo ko sa bumabasa ng mga gawa ko.

Naglagay ako ng mga palatandaan sa bawat kuwento ko. Mga hint at clue na ang paghihirap ng bida sa mga kuwento, ay hindi bastra letra... kundi totoong nangyayari sa buhay ko.

Alam kong walang pag-asa na may makaintindi ng mga clues na yun. Masyado na yung malalim para intindihin pa ng mga bumabasa.

Readers sila... hindi explorers at hindi rin treasure hunters.

Alam ko yun, pero deep inside umaasa ako. Umaasa ako na may isang tao na makakuha ng mga clues na yun. Na makaintindi ng gusto kong iparating.

Na... 'hoy! Nandito ako. May problema ako! Baka pwede mo akong tulungang umahon....'
Pero mukhang wala naman.

Tch! Matapos kong dumaldal sa Wattpad, wala pa ring nakaintindi sa 'kin.

Sa isang banda... ayoko namang meron ding dumating na isang tao at magpakilalang fan ko siya. Kasi alam kong lumapit lang siya sa 'kin para alamin kung sino si Demosthenes at hindi para kilalanin kung sino si Valentin.

Na ginawa lang niya yun para ma-satisfy ang curiosity niya. Ayoko nun! Dahil kung ganun din lang... huwag na, hindi bale na.

Tumayo ako sa tapat ng puntod ni Heather at umusal ng panalangin. I prayed na sana tulungan niya akong patawarin ang sarili ko.

Not just for me, but for everyone around me. Nang makapagsimula na rin ako.

Pagkatapos nun, naglakad na ako palayo. Hindi ko pa gustong umuwi kaya napagdesisyunan kong pumunta na lang sa Park. Sa estatwa ni Eros... ang lugar kung saan ko unang nakilala ang batang si Heather.

At ang pareho ring lugar kung saan ko unang nakita si Sunny na nakatitig at nakatayo sa harap ni Eros. Tandang-tanda ko pa ang pagkakakunot ng noo niya nun.

Tch! Nakakatawa. Ano kayang ginagawa niya dun? Ang babaeng yun... bigla-bigla ang ginawa niyang pagsulpot sa lugar namin.

Para siyang bulaklak na biglang tumubo. Slick! I wish I could pick that flower, pero kapag ginawa ko yun, mamamatay lang ang bulaklak...

------------
SUNNY's PoV

Hindi muna ako umuwi. Dumaan ako sa Park para tingnan ang Midnight Sonata Box sa marker. Wala na akong intensyon na kunin yun... ang gusto ko lang ay malaman ang loob nun.

Sabi sa Cupid's Last Wish, tulad ng Pandora's Box, may sumpa ang box ng Midnight Sonata.

Wala na akong pakialam. Para sa akin, sumpa na yung hindi ka mahal ng mahal mo!

Saktong walang tao doon sa Park. Agad akong pumunta sa may marker ni Eros at tinanggal ang steel doon. Tapos sinilip ko yung loob, nandun pa rin ang box.

Inabot ko yun ng isang kamay at hinila palabas. Nang makuha ko yun ay ibinalik ko yung steel sheet at tumayo hawak ang box. Isang red velvet box, gaya ng nasa kuwento.

Kumakabog ang dibdib ko. Oras na binuksan ko to'y susumpain ako. Hindi na bale... masyado nang malayo ang naabot ko. Masyado na akong maraming dinaanan... marami nang nangyari. Nasaktan na ako... pisikal at emosyonal.... siguro naman may karapatan na akong malaman ang laman nito.

Unti-unti kong inangat ang takip ng box hanggang tumambad sa akin ang........

"SUNNY?"

Halos mahulog sa puso ko sa lupa nang marinig ang boses ni Valentin. Lumipad ang tingin ko sa lalaki at nakita ko ang malaking pagkagulat sa mukha niya ng makita kung ano ang hawak ko.

Hindi.

"V-VALENTIN---"

"BAKIT HAWAK MO YAN?" unti-unting nag-iba ang expression ni Valentin. Mula sa pagkagulat... ay naging malamig.... hanggang sa maging galit.

"A-ANO... KASI..." hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi ko alam ang gagawin ko. I just stood there, frozen.

With that cursed box in my hand.
Ang sarili kong sumpa... ay mabilis na dumating.

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon