XVIII: Bonded

1.7K 107 2
                                    

-----

XVIII-- BONDED

Secret PoV //

"PWEDE KA NANG TUMINGIN," sabi ko kay Valentin na nakatalikod. Humarap siya at ngumiti.

Naramdaman ko na parang may umalon sa sikmura ko. Hindi ko lang alam kung ano.

Yeah, this guy is strange... strange as he can be.

Lumapit ako sa kanya at sinabing... "SALAMAT!"

Ngumiti lang siya at sumagot na pangarap niya daw na magligtas ng mga DAMSEL in distress.

Nagtawanan kami after nun.

Nang maglalakad na kami paalis sa may puno, dun ko lang napansin ang malaking gasgas sa paa ko, ganundin ang sprain sa litid doon.

Masakit, mehn! Napaupo ako.

"TCH. WE SHOULD GO TO INFIRMARY..." ani Val.

"PANO? EH HINDI NGA AKO MAKALAKAD? ANO, LILIPAD?" sabi ko.

Tumawa si Valentin tapos tinapik niya ang likod niya. "I'LL CARRY YOU BEHIND MY BACK," he said.

Eh? Nag-alangan ako dahil..... mabigat ako.

"COME ON! THE CLOCK IS TICKING!!" untag niya.

Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa likod niya. Piggy back ride. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg ni Valentin.

"COMFORTABLE KA NA?" tanong niya at naamoy ko ang pabangong gamit niya. Napapikit ako kasi amoy-heaven siya.

"HOY!!"

"AH EH.. OO OKAY NA AKO DITO.." tarantang sagot ko.

Letse! Natitilihan ako dahil lang sa pabango. Ow ka mon. Kaya kong bumili ng ganun.

Tahimik na naglakad si Valentin. Mabagal siya at hindi nagmamadali.

"MMMMMM. VAL?" tawag ko sa kanya.

"HMMM?" Sagot niya.

"ANO... SALAMAT TALAGA. KUNG HINDI KA DUMATING SIGURO... WASAK NA LAHAT NG PWEDENG MAWASAK SA KIN..." sabi ko.

Bumuntung-hininga si Valentin.

"YOU'RE LUCKY.. I WAS RIGHT UP IN THAT TREE---"

"NASA TAAS KA NUNG PUNO?!" gulat kong tanong.

Tumawa si Valentin. "UHUH! TAMBAYAN KO YUN. DUN AKO NATUTULOG KAPAG WALANG KLASE. HAHA!"

Napatanga ako sa sinabi niya. Tsss. Ganun? Umpisa pa lang, nandun na siya? Narinig kaya niya yung sinabi ko kay Rust? Siguro hindi, NATUTULOG nga daw siya di ba..?

Natahimik na lang ulit kami. Nang mapatapat kami sa bahagi ng clearing ay tumama sa mukha namin ni Valentin ang sikat ng papalubog na araw.

SUNSET. Nagreflect sa tubig ng Red Lake ang liwanag kaya naging pula ang kulay nito.

Whooooah! Awesome! Make sense. Ganito pala. Kaya tinawag itong Red Lake ng mga tao at Sunset Lake ni Demosthenes. Kasi nga, red ang kulay niya.

"DID YOU KNOW.....? SUNSET IS THE WEAKEST PART OF THE SUN... SO WEAK YOU CAN LOOK STRAIGHT AT IT WITHOUT HURTING YOUR EYES..." ani Valentin.

Tumingin ako sa araw. Tama siya. Oras na sumikat ang araw, hindi mo ito matitingnan ng derekta... hindi. Maliban kung Sunset.

"AND IT WAS THE SADDEST PART, TOO. SURRENDERING TO DARKNESS," he added.

Tsh! Emote-mode ata tong si Valentin.

"SAD? SIGURO NGA..." komento ko. Tumingin ako sa papalubog na araw. "....BUT I THINK AT SOME POINT YOU ARE WRONG.... MAAARING LULUBOG ANG ARAW AT SUSUKO SA DILIM NG GABI.... PERO NAKAIMUTAN MO YATA.... SISIKAT ULIT SIYA KINABUKASAN... MAS MALIWANAG PA KESA INAASAHAN!" sabi ko.

Napatigil sa paglalakad si Valentin tapos pinilit niya akong lingonin. His expression was weird. It was hard to read.

Tama si Mama... medyo mahirap mabasa si Valentin.

"YOU... THINK SO...?" sabi niya.

Tumango ako. "YUN ANG MADALAS SABIHIN NG PAPA KO." Tahimik na nag-isip si Valentin at pagkatapos ng ilang sandali ay ngumiti siya. It was a kind of strange smile. Almost.... angelic. I cant help but... sighed.

Dinala ako ni Valentin sa Infirmary ng school nila at pinatingin sa doktor. Wala naman akong major injury. Sprain lang at gasgas na madali namang nagamot nung guwapong doktor.

Haha!

Lumabas kami ni Val ng Infirmary nung dumaan sa pasilyo si Rust at makita kami. Natigilan agad ako. Walang ekspresyon na tumingin lang si Rust at pagkatapos ay dere-deretsong naglakad.

What a cold man! Kainiiiiisss!

"HEY RUST!" tawag ni Valentin. Pero di siya pinansin ng lalaki.

Napasaltak tuloy si Val. "TCH. THAT MAN! I DON'T KNOW WHAT HIS PROBLEM! HE WAS JUST SOOOOO CONFUSING!" angal niya na ikinatawa namin parehas.

Hindi na ako pumayag na ihatid pa ni Valentin. Masyado ko na siyang naabala at may hiya din ako sa mukha ko kahit papano. Hindi ko na ikinuwento kay Mama ang nangyari. Baka hadlangan na niya ako sa susunod pag sinabi ko pa.

Nag-online agad ako sa wattpad. May update si Demosthenes sa Damsel of the Sun. Natawa ako dahil for the first time, may halong humor ang kuwento.

Inakala ni Damsel na babae si Haruka dahil sa androgenous features ng mukha nito kaya kinaibigan niya ang lalaki. Tinuruan pa niya ito na sumayaw sa pagkainis ni Haruka. Pero hinayaan lang ito ni Haruka dahil..... naa-amused siya kay Damsel.

Tawa ako ng tawa sa nangyari at nabitin pa ako sa pagbabasa. Hindi ko akalain na kaya ni Demo na gumawa ng ganitong humorous scenario.

Si....... Rust. Si Rust nga kaya siya.....?

-----

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon