XXIX: Blank Period

1.9K 124 20
                                    

-----

XXIX: BLANK PERIOD

Secret PoV //

Naiinis ako nitong mga nakaraang araw dahil napansin ko na sobra akong nagiging sensitive lalo na kung nasa paligid si Valentin. Kahit nakatalikod ako, basta dumating si Valentin ay automatic na nagrarambolan ang dibdib ko.

Akala mo may away sa papogian ang mga gangster na sina TOP at Kenji! Hindi ako makapag-isip ng maayos at lagi pang mali-mali.

#Lutang nga daw sabi nung isang team mate.

Haist! Hirap na hirap tuloy akong kausapin siya kaya tago-mode ako lagi. Tulad ngayon, kasalubong ko siya at si Rust. At natense agad ako pagkakita sa kanya kaya lumiko ako sa ibang dereksyon.

"HOY! SAAN KA PUPUNTA?!" sigaw ni Valentin.

"SA C.R.!!" hindi lumilingong sagot ko.

"HINDI DIYAN ANG C.R. DUN SA KABILA!!" Eh? Hindi ba? Tiningnan ko pupuntahan ko.

Oo nga, hindi. Pader ang nakikita ko eh. "AH EH... NAGJOJOGGING DIN AKO EH..." palusot ko.

"JOGGING BAGO MAG-C.R.?! HAHA! YOU'RE WEIRD!"

Tsh! Weird na kung weird kesa naman atakehin ako sa puso kapag nakaharap ka ng malapitan. Hindi ko alam kung anong problema sa kin.

Tinanong ko si Mama eh kaso, palibhasa anak siya ni Lola. Ayun, ang adik ng sagot... Kumanta siya habang nagi-sway...

~kapag nakita ka... ako'y nahihiya. At pag kausap ka... ako'y namumula. Sabi ng puso ko, ako'y inlove sa'yo---~

Nilayasan ko si Mama sa inis. Haist! Wala na akong makausap ng matino kaya nagbabasa na lang ako sa Wattpad ng mga novel ni Demosthenes... kaso mukhang namatay na yata siya.

HINDI NA SIYA NAGA-UPDATE!!

Para tuloy gustong gumuho ng mundo ko. Si Rust o si Valentin. Sino sa kanila ang tumigil sa pagsusulat?

Parehong walang senyales na may pagbabago sa kanila. Rust was as pokerfaced as he can get. At si Valentin... ayun adik pa rin.

"WHAHAHAHAHA! PEACE MARK!! SORRY, DUN ULIT TUMAMA!" Nag-pitch kasi si Valentin at doon tumama sa part na where-it-hurt-the-most.

"NANANADYA KA NA, LEEEENNN!" sigaw ni Mark.

Tch! Nagpa-practice ulit sila para sa nalalapit na tournament. Ako naman, nakaupo sa mga bench at nanonood. Nanonood na may kasamang emote.

Wala lang... trip lang. Iniisip ko yung mga nangyari nitong nakaraan. Iniisip ko kung paano kaya at.... nagkataon na hindi ko nabasa ang mga nobela ni Demosthenes at hindi ko siya nakilala sa wattpad.

Siguro nadudugyot pa rin ako sa paghihintay sa mga update ng mga writers dun. Kinikilig sa mga teenfiction at hindi namomroblema ng mga clues.

Haaaay! Ang galing ko talaga, tahimik ang buhay ko... tapos pinili kong lumagay sa gulo.

"NAKS! LALIM NG INIISIP AH... SINONG INIISIP MO, AKO?"

Napaunat ako ng likod nung biglang magsalita si Valentin sa harap ko. Hindi ko man lang namalayan na lumapit siya.

"A-ANONG SINASABI MO DYAN!? KAPAAL MO HA? IKAW, IISIPIN KO? AT BAKIT KITA IISIPIN? SINO KA BA?---"

Tumawa ng malakas si Valentin.

"RELAX... RELAX... I'M JUST KIDDING! SLICK! YOU'RE TOO DEFENSIVE, BAKA ISIPIN KO... GUILTY KA--- ARAAY!" Hinampas ko ng bag na hawak ko ang braso ni Valentin. Pikon ako eh.

"HEY! BINIBIRO KA LANG EH..." nanlalaki ang matang sabi niya. Tapos tumawa siya at umupo sa tabi ko.

Nagkalampagan tuloy ang mga tenant sa dibdib ko.

"TCH! ALAM KO NAMAN KUNG SINONG GUSTO MO EH..." mayamaya ay sabi ni Valentin. Napalingon tuloy ako sa kanya.

"A-ANONG IBIG MONG SABIHIN....?" kinakabahan kong tanong. Ngumisi si Val at kumindat.

"I'VE HEARD YOU.... WHEN YOU... YOU KNOW... CONFESSED TO...." inginuso niya si Rust na nasa feild.

"I WAS THERE, RIGHT? AKALA MO HA..." At tumawa siya ng malakas.

Napapikit ako ng mariin. Sheeet! Sinasabi ko na nga ba, narinig niya yung 'I LIKE YOU' ko kay Rust.

Peste! Bakit ba si Valentin na lang lagi ang nakakasaksi sa katangahan ko.

"DON'T WORRY... I WON'T TELL IT TO ANYBODY... BASTA LIBRE MO KO SA JOLLIBEE! HAHAHAHA!"

Sumimangot ako at hinampas ulit sa balikat si Valentin bago nag-walk-out palayo.

Kainis! Kainis! Kainis! Alam kong sinabi ko yun kay Rust na 'like' ko siya. Yun kasi yung panahon na inakala kong siya si Demosthenes. Kaya akala ko 'like' ko siya.

Pero ngayon hindi ako sigurado. Crush ko siya, oo. Pero iba ang crush sa pagkagusto at pagmamahal.

"BILIS MO NAMANG MAGTAMPO! I'M JUST TEASING YOU... PIKON KA NA KAAGAD," ani Valentin na biglang umakbay sa kin.

Tulad ng lalaking 'to, gustong-gusto ko. Iba din ang gusto sa pagmamaha----

Teka... PUTAAAANG! Ano yung sinabi ko? Gustong-gusto?

Nakangangang tumingin ako kay Valentin.

"O BAKIT?" tanong niya na tumaas ang isang kilay. Umiling agad ako. Ayoko ng ganito. Kailangan ko ng matinding distraction. Kailangan ko ng.... wattpad!!

Uuwi na ako!!

----

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon