LIV: WHAT'S THIS?

1.5K 85 0
                                    

  Valentin's PoV

"RUST NAMAN EH... WHY DO YOU HAVE TO COME WITH ME? WALA KA NAMANG BUSINESS DUN SA SCHOOL NI SUNNY?" reklamo ko kay Rust habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng West Hill.

Kainis! May plano pa naman sana ako para kay Maaraw tapos biglang makikiride tong si Rust, hindi naman kaabot-usap.

"I WANT TO SEE SUNNY. PERIOD. I DON'T NEED TO EXPLAIN MYSELF TO YOU, VALENTIN!" seryosong sabi ni Rust.

Sheezh!

Bumalik na naman siya sa sungit-mode niya. Kaasar! Kung sasama siya sa 'kin, wag niyang sabihing sasama din siya sa, ehem...'date' namin ni Sunny?!

Eiih! Ayoko ng may chaperon!

"RUST KASI! HINDI MO NAMAN KAILANGANG MAKITA SI MAARAW EH!!" padarag kong binuksan yung pinto ng kotse at binato yung bag ko sa upuan sa likod.

Bigla akong sinamaan ng tingin ni Rust. Yung tingin na tipong... 'TALK MORE AND YOU'LL SEE WHAT YOU'RE LOOKING FOR!'

Sheezh! Umingos na lang ako at pumasok sa loob ng kotse. Pumasok din si Rust.

Haaay. Mukhang wala na akong magagawa. Rust is back! The hard-ass-Rust-everyone-feared-of.

Nakakapagtaka lang na gusto niyang pumunta sa school nina Maaraw. Hmmmm. Meron kaya siyang bagong natitipuhan dun?

Hindi masama. Naka-babang-luksa na siya kay Heather. Nauna pa nga sa kin. Haaaay! Bahala siya.

---------

Sunny's PoV

Term papers are killers!!

Nakalimutan kong magpasa ng term paper at dahil dun muntik na akong lamunin ng buo ni Mrs. Manlogon!

Kasalanan 'to ni Valentin eh, dinistract ako ng todo-todo kaya ayun, naiwan sa pansitan yung term papers ko! Haizt! Buti pinayagan akong humabol bukas. Tapos madedepend pa pala ako ng thesis sa Wednesday. At.... at may long test pa! Kailangan kong magreview mamaya... pero paano, pupuntahan ako ni Valentin mamya?!

Aaaaaahhhhh!! Paano ko yun, magagawa ng sabay-sabay?!! Bigti na!!

"WHERE'S SASHA?" narinig kong tanong ni Ana kaya nag-angat ako ng tingin.

"SI SASHA? NANDITO LANG KANINA YUN... O AYAN PALA EH!!" Turo ko sa paparating na babae na nakahawak sa brasong may benda. Kuwento niya kanina, nahiwa daw nung sampayan nila na may nakausling bakal.

"SASHA!!" tawag ni Ana. "PINAPATAWAG KA NG PROF. MO SA DRM!"

Sumimangot lang si Sasha at naupo sa tabi ko bago itinaas ang paa sa lamesa. "PROBLEMA NG KALBONG YUN SA 'KIN? TSH! PAKISABI PATAY NA KAMO SI SASHA, NATETANO!!" TsK! Hahaha! Bunganga talaga nitong babaeng 'to.

Tumawa lang si Ana pagkatapos ay umalis. Pansin ko ay masyadong badtrip si Sasha ngayong araw na 'to. Hmmm. Baka may problema sa kanila.

Nung dismissal, sumabay sa 'kin sina Sasha, Anja at Lily hanggang gate ng school.

Tumingin ako sa relo ko, 5:15.. may fifteen minutes pa ako.

"MAY SUNDO KA?" Tanong ni Sasha na umupo sa gutter at naghintay sa sundo niya. Tumango ako.

"SINO? BOYFRIEND MO?" tanong niya ulit habang nagcecellphone naman.

"HINDI AH!! GRABE KA, KAIBIGAN LANG--"

"KAIBIGANG SUMUSUNDO? ABA'Y AYOS ANO? PAKILALA MO NGA SA KIN AT NANG MAKAPAGPASUNDO DIN AKO..."

Adik talaga 'tong babaeng 'to!
Maya-maya pa natanaw ko na yung kotse ni Valentin at... saktong tumigil sa tapat namin.

Nakasimangot na bumaba si Valentin. Nung tumingin siya sa 'kin, inginuso niya si Rust na pababa ng kotse.

Ow I see! May chaperon! Haha!
Tumayo si Sasha sa gutter at nagpagpag ng damit. "AYAN NA SUNDO MO?" tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Valentin. "AYOS AH! YUMMY! HAHA!"

Tumaas ang kilay ni Valentin at tumingin sa 'kin. "WHO'S THIS?!" tanong niya.

"ABA! WAG MO AKONG MA-HUSDIS HUSDIS, BAKA UPAKAN KITA--- UI MEAT!!!" Dumako ang tingin ni Sasha kay Rust na matamang nakatitig kay Sasha. "OLA! NAGKITA TAYO MULI! HAY SAYANG! AYAN NA SUNDO KO... SEE YAH SUN!!" Kumaway si Sasha bago tinakbo ang isang... black Bentley car na sundo niya.

Nice. Anak mayaman!

"AALIS MUNA AKO..." paalam ni Rust na naglakad palayo.

Nagtinginan kami ni Valentin.

"ANYARE DUN?" tanong ko.

"EWAN... WEIRD NIYAN, GUSTO SUMAMA DITO TAPOS AYAN AALIS DIN NAMAN. HINDI KAYA MAY NATA-TYPE-AN YAN DITO SI RUST?" kunot-noong sabi ni Valentin.

Nagkibit-balikat ako.

"TAYO NA..." sabi ko.

"HUH?" Maang na sabi ni Valentin.

"TAYO NA NGA..." muli kong sabi dahil mukhang di niya ako na-gets.

"AS IN TAYO NA? AMBILIS NAMAN YATA. HINDI PA NGA AKO NANLILIGAW EH?" tumatawang sabi ni Valentin.

"ANO BANG SINASA-- EEH?!" Ay tanga! "HINDI NAMAN YUN ANG SINASABI KO EH!! ANG IBIG KONG SABIHIN EH TA---"

"EI! TOUCH MOVE!! WALANG BAWIAN!!" sabi ni Valentin binuksan ang kotse at tinulak-tulak ako papasok.

"HOY! VALENTIN! HINDI YUN ANG IBIG KONG SABIHIN!!" reklamo ko.
Pero nag-make face lang siya at pinasak sa tenga yung earphone niya.

"HOY! VALENTIN KASI!! IBA NAMAN YUNG MEANING--"

"WALA AKONG NARIRINIG... WALA AKONG NARIRINIG... KAKANTA AKO!!" binuhay ni Valentin ang makina at pinaandar ang kotse.

Hinihikit ko siya sa uniform niya. "VALENTIN KASI.... UMAYOS KA NGA--"

"~~ KAPAG NAKITA KA, AKO'Y NAHIHIYA... AT PAG KAUSAP KA, AKO'Y NAMUMULA.... SABI NG PUSO KO, AKO'Y INLOVE SA YO......."

Letse! Tinopak na ang gago! Grrrr! Hinayaan ko na lang, maiinis lang ako eh...

"~SANA AY MAHALIN MO RIN AKO..."
Putakte!! Hindi na kailangan!!

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon