Secret PoV //
Tahimik lang kaming nakaupo ni Valentin sa tabi ng estatwa ni Eros. Hindi siya nagsasalita buhat kanina pa. Kaya tahimik lang din ako at pinapakiramdaman lang siya.
Naririnig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Pero pinipilit kong magpakahinahon. Kung kailangan ako ni Valentin ngayon. Sige. Dito muna ako.
Eh ano kung atakehin ako nito sa puso? Eh di patay? Ano nga, pareng Eros?
Sa susunod ko nalang hahanapin yung Midnight Sonata kung nandito man yun sa lugar na 'to. Ito-tortute ko si Eros hangga't hindi siya nagsasalita ng tungkol doon! He he!
Maya-maya narinig ko ang malalim na buntung-hininga ni Val kaya napatingin ako sa kanya.
Pero nung makita kong titingin siya sa akin ay mabilis akong tumitig sa estatwa ni Eros. At nag-playing dedma.
"ANO... PASENSYA NA DUN SA NANGYARI KANINA NUNG.... NASIGAWAN KITA..." mahinahong sabi ni Valentin. Napilitan tuloy akong tumingin sa kanya, sa mga mata niya.
At parang gusto kong matunaw.
"I SWEAR... WALA TALAGA AKO SA SARILI KO KANINA... HINDI KO ALAM... LATELY I'M LOSING MYSELF...." sabi niya.
His eyes was full of sorrow. "ALAM KONG MALI YUNG GINAWA KO... NATAKOT KITA----"
"SSSSHHH!" pigil ko sa sasabihin niya. Tapos umiling ako. "WALA KANG DAPAT IPALIWANAG... WALA NAMANG NANGYARI EH... SUMIGAW KA LANG AT... NORMAL LANG YUN KAPAG INIS O GALIT ANG TAO. LAHAT NG TAO NAGAGALIT VAL... AT TAO KA..." sabi ko.
Pinagdikit ko ang tuhod ko at tumingin sa papadilim na langit. Nanahimik muli si Valentin habang patuloy pa rin ako sa pagmamasid ng namumulang langit.
Hinayaan ko siyang manahimik at mag-isip. Okay lang kung mapanisan ako ng laway. Kung kailangan ni Valentin ng kasama ay di sige... ayos lang kahit abutin pa kami ng umaga.
Maya-maya ay tinawag ni Valentin ang pangalan ko kaya lumingon ako sa kanya.
"Mmmmm?" tanong ko. Tumitig muna sa kin si Val bago nagsalita.
"BAKIT..... HINDI KA PA RIN UMAALIS?"
Eh? Sabi niya?
"EH KASI SABI MO WAG MUNA AKONG UMALIS DI BA?" sagot ko sa lalaki.
"KAHIT NA ALAM MONG HINDI AKO NAGSASALITA?" kunot-noo niyang tanong.
"KASAMA ANG KAILANGAN MO, HINDI KAUSAP..." sabi ko lang.
Tumayo si Valentin at namulsa bago sinipa-sipa yung maliliit na bato sa lupa. Tinitigan ko siya habang ginagawa yun. Nakakagaan sa pakiramdam ang makita siyang gumagalaw. Oo hindi pa siya ngumingiti pero pasasaan ba at ngingiti rin siya. Kung hindi... magbibigti ako!
"MERON SANA AKONG IPAPAKIUSAP SA'YO..." tumigil si Valentin sa ginagawa at biglang yumukod sa harapan ko.
Gulat na gulat ako dahil halos magkatapat ang mukha namin. At nag-umpisa na naman ang giyera sa dibdib ko.
"A-ANO BA 'YUN?" tense kong tanong.
Hinawakan ni Valentin ang kamay ko at pinilit ngumiti. Doon lang ako medyo nalungkot. May paghihirap pa rin sa loob niya at kitang-kita yun sa mga mata niya.
"SA MGA SUSUNOD NA ARAW... KAPAG DUMATING AKO SA PUNTO....... NA HINDI KO NA KILALA ANG SARILI KO..... NA NAGAGALIT AKO...... NA NASASAKTAN KO NA KAYONG LAHAT.... PAKIUSAP..... HUWAG MO AKONG IIWAN..."
Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Valentin. Anong ibig niyang sabihin dun? Na hindi na niya kilala ang sarili niya?
"......KAPAG PINAGTATABUYAN KO KAYONG LAHAT AT SINABI KONG IWAN NIYO AKONG MAG-ISA..... HUWAG KANG AALIS. HUWAG MO AKONG SUSUNDIN... MANGAKO KANG HINDI MO AKO IIWAN.... NAKIKIUSAP AKO..." Parang batang natatakot si Valentin. Halos madurog ang kamay ko sa higpit ng hawak niya. At deretsong-deretso ang tingin niya sa mata ko.
Mukhang.... may mitsa ng digmaan ang unti-unting sumisindi sa pagkatao niya at lahat ng yun ay binubura ang pagiging masiyahin niya.
Humugot ako ng hininga. At mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Tapos tumango ako.
"PANGAKO..." sabi ko. Kahit hindi na ako mangako. Wala naman akong balak na iwanan siya. Lalo na ngayon na may malaking halimaw na humahabol sa kanya.
"SABIHIN MONG KAHIT ANONG MANGYARI... NANDYAN KA LANG.... NA HINDI MO AKO SUSUKUAN-----" Pinigilan ko sa pagsasalita si Valentin at hinawakan ko ng dalawang kamay ang pisngi niya at saka ako tumitig sa mata niya.
"KAHIT ANG BUONG MUNDO PA ANG SUMUKO SA'YO... AKO... HINDI AKO SUSUKO. HINDI MO AKO INIWAN NOON, HINDI RIN KITA IIWAN... KAHIT IPAGTABUYAN MO AKO... KAHIT SAKTAN MO PA AKO PARA LUMAYO SA'YO.... HINDI KO YUN GAGAWIN.... PANGAKO YUN!"
Tapos ngumiti ako at binitawan siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bahagyang umaliwalas ang mukha ni Valentin.
"TALAGA?" tanong niya. Tumango ako...... at natulala nang bigla na lang niya akong yakapin. At tapos nun ay nagtatakbo siyang umalis ng Park.
Naiwan akong..... nakanganga. At medyo.... masaya. Tch! Ano nga yung expression niya lagi? Slick! Yeah, pretty slick!
Naghanda na akong umuwi sa amin nang salubungin naman ako ng seryosong si Rust.
At base sa hilatsa ng mukha niya... narinig niya ang pinag-usapan namin ni Valentin. Hinarangan niya ako sa dinadaanan ko.
"TALAGANG HINDI KA NAKIKINIG SA SINASABI KO, ANO? HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG PINAPASOK MO!!" sabi niya.
Bumuntunghininga lang ako at pinilit na wag mainis sa lalaki. "MAARING HINDI KO NGA ALAM.... PERO HINDI AKO MANHID PARA HINDI KO MARAMDAMAN... " sagot ko at nilampasan ko siya pagkatapos nun. That man... hindi ko alam kung anong problema niya sa 'kin.
-----
BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...