XL: GUARDED 2

1.5K 91 5
                                    


Sunny's PoV

Ang totoo medyo naguguluhan ako kay Rust. Sinabi niyang may pag-uusapan daw kami pero narating na namin at lahat ang field, wala naman siyang sinabi.

Parang nakisabay lang siya sa paglalakad tapos wagas pa siya kung magkuwento kaya hindi ko mapigilan ang tumawa.

Makuwento pala si Rust at may bahagi ng pagkatao niya na natutulad kay Valentin.

Mmmm. Sumingit na naman si Valentin. Nice.

Speaking of Valentin, kumabog ang dibdib ko nung makita siya sa gitna ng inner field at nagpi-pitch.

Mukhang... nasa mood siya ngayon. Gumaan agad ang pakiramdam ko at napangiti ako.

"Uhuh?" Nakita kong tumaas ang kilay ni Rust pero di siya nagkumento.

Eh? Bakit?

Sumali sa laro si Rust at ako naman ay tumuloy sa storage room para ayusin yung ilang gamit doon na binilin ni Mr. Winston na kailangan nang palitan.

Habang nag-aayos, hindi ko maiwasang hindi isipin si Valentin. Ano kayang dahilan at naparito siya? Dapat nagpapahinga na lang siya. Mamaya niyan topakin ulit siya at magwala.

Aba, hindi pa magaling ang sugat ko. Ayoko munang masundan 'to.

Nakita ko ang isang malaking box na may lamang mga lumang gloves. Binuhat ko yun pero naibagsak ko rin bigla.

Awwtsu! Nakalimutan ko... may sugat nga pala ako. Pucha!!

"SHEEZH! SINCE WHEN DID YOU BECOME SO STUPID?! TALAGA BANG GUSTUNG-GUSTO MONG NASASAKTAN HA!?"

Napapikit ako pagkarinig sa malakas na boses ni Valentin at nagkaroon ng biglaang party sa dibdib ko.

Pagmulat ko, nakita ko siyang nakakunot ang noo habang nakapamewang sa pinto ng storage.

Oh no! My heart.

Lumapit siya sa kin at pinitik ako sa noo.

"IKAW ANG BABAENG WALANG KADALA-DALA AT HINDI GINAGAMIT ANG ISIP!! ALAM MONG MAY SUGAT KA TAPOS MAGBUBUHAT KA PA, TALAGA PA LANG BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH..."

Ang haba ng sinabi ni Valentin at hindi man lang ako makahirit.

Nung nagpause siya, sumingit ako. "ALAM MO KASI... SABI NI MR. WINSTON KAILA---"

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINABI NIYA... DI IUTOS NIYA SA IBA! HINDI KA MAINTENANCE PERSONNEL, MANAGER KA NG TEAM BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH BLAH....!!" muli niyang sigaw sa kin at wala akong nagawa kundi pumikit ulit.

Nung matapos siya, nagmulat ako ng mata at nakita kong nakatitig siya sa mukha ko. Tengenee! Natense tuloy ako.

"AH EH... ANO BANG TRABAHO NG ISANG MANAGER?" tanong ko para maiwasan ang pagkailang.

Natigilan si Valentin at bahagyang napamaang. Tapos parang nag-isip siya. Napansin ko na wala na yung parang madilim na anino na nasa mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang dahilan at nawala yun.

Baka... tinulungan siya ng spirit ni Heather.

"MANAGER?" untag ni Val sa mukha ko.

"EH?" wala sa sariling tanong ko.

"SABI KO.. MANAGER KA. EH DI TRABAHO MO ANG MAG-MANAGE..."

Eh? Hindi ko siya ma-gets. Kayo ba?

Bigla niya akong hinawakan sa braso tapos ngumiti si Valentin ng nakakaloko.

"HALIKA, SUMAMA KA SA KIN....... AT I-MANAGE MO AKO..." sabay kindat.

Sheeet! Bigti naaaa!  

  // Rust's PoV //

Pasimple akong tumago para di ako makita ni Valentin at ni Sunny na palabas ng Storage Room.

Slick! Narinig ko yun. Haha! Pinigil ko lang ang sarili kong tumawa ng malakas. I don't wanna be some kind of slap happy guy. Tsh! Pero talagang nakakapanibago si Valentin.

He changed drastically from being a monster to some stereo-jealous-type kind of guy.

Yeah. Jealous. Kanina tanong siya ng tanong kung bakit magkasama kami ni Sunny. And he asked that with 'funny-strange face'.

Slick! Selos agad. Kay Heather, kahit kailan hindi siya nagselos. I guessed, this one is different... this one is real...

Ngumiti ako nang palihim habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalabas ng field.

Hmmmm. It's working...  

=====


  Facts and infos about this story. Kung may ilang medyo naguguluhan why I named this with that, basahin niyo po.

• Sunny, originally has no name. Dahil wala po akong maisip sa kanya noon. I intend to keep her unname. But then, naisip ko na her name should contradict Heather's name. Kaya pinangalanan ko siyang 'Sunny', reference sa Sun at in contrast sa pangalang 'Eve' from Cupid's Last Wish na nagrerepresent naman kay Heather.

•Demosthenes was an ancient greek philosopher who wrote a short story called 'Day and Night'.

•Pinamagatan ni Demo na Cupid's Last Wish ang kuwento niya, bilang siya si Cupid. Since Valentin was born on St.Valentine's Day at ang patron nun ay si Cupid o Eros. Cupid represents Valentin.

•Si Hearth ang bida sa Cupid's at ang hearth sa tagalog ay... hindi ko alam! XD Though, ito yung matter na combination ng soil at fire, parang 'baga'. Soil is black, and fire is red. Black for Night, Red for Day.

•Rust was named Rust, in reference to steel or iron. Something that is 'cold' and 'hard'.

•Baseball is my favorite game. Echos lang! XD

•Midnight Sonata, is ten stanza poem made by Valentin for Heather. Sa huli, Valentin will make another poem and he'll call it... 'Equinox'.

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon