XXIV: Eve And The Fifth Clue

1.7K 97 1
                                    

-----

XXIV: EVE AND THE FIFTH CLUE

Secret's PoV

Gusto ko sanang maintindihan lahat. Pero kunti lang ang kayang i-process ng utak ko. Pasalamat nga ako hindi pa ito sumasabog eh!

Tumingin ako sa kalendaryo. December 29 na. Malapit na ang New Year's Eve.

Gusto na namang kumabog ng dibdib ko. Hindi ba pwedeng wag na lang mag-New Year's Eve? Tsk!

Malapit na naman yun....yung... ayoko nang maalala.

"MAAAAAAA!" sigaw ko. "MAAAAAAA! MAMA!" tawag ko ulit.

Narinig kong humahangos ang paglalakad ni Mama at ilang saglit pa eh nasa harapan ko na siya sa tabi ng kama ko.

Tinuro ko yung kalendaryo. Nag-aalala siya habang tumitingin doon. "ANAK... GUSTO MO SA PROBINSYA NA TAYO MAG-NEW YEAR?? MAS MAGANDA SIGURO---" umiling agad ako.

Ayokong umalis dito. "MAMA, HINDI RIN NAMAN AKO MAKAKATAKAS KAHIT SAAN PA AKO PUMUNTA KAYA DITO NA LANG TAYO..." sabi ko.

Bumuntung-hininga lang si Mama. "IKAW LANG NAMAN ANG INAALALA KO. PERO SIGE..."

Nung makaalis siya nagbasa na lang ako nung CUPID'S LAST WISH.

Naghahanap ng ibang clue kung saan mada-divert ang utak ko sa anumang pangamba na dulot ng nalalapit na New Year.

----

'YOU MUST HAVE GONE FROM LONG WAY,' said the man in black leather coat.

'NO!' The girl said. 'I JUST LIVED THERE, FROM THAT BIG HOUSE OVER THE WAY!' she answered.

The man recoiled. "THE PRESIDENT'S MANSION? WHERE THE GATE WAS GUARDED BY LION? WHAT'S YOUR NAME?' He asked again.

'EVE,' the girl answered, smiling....

----

Isang eksena sa Cupid's ang binasa ko.

Nung nagpakilala ang bidang babae sa lalaki at sabihin kung saan ito nakatira. Si ate, hindi marunong magpakipot... bigay agad ng address. Haha!

Si Eve... ang bidang babae na namatay sa kuwento. Sad. Just like Heather.

Hmmmm. Eh paano kaya kung totoo 'tong si Eve? I mean, kung si Demo ay ang bidang lalaki... surely si EVE ay meron ding counterpart na totong tao.

Hmmmmm. Kung hindi ko mahanap si Demosthenes... si Eve ang hahanapin ko!

Ayon sa kuwento, Eve was living under the tyranny of Dr. Abe a.k.a. The President. Kaya nga tinawag na The President's Mansion yung bahay nina Eve eh. Kaso.... ang alam ko lang na President's Mansion dito sa Pilipinas ay ang.... MALACAÑANG!

Aba! Baka bitayin ako oras na akyatin ko ang bakod ng Malacañang para lang hanapin si Eve.

Hmmmm. Another symbolic word for a place. Hindi ko 'to pwede i-google map. Tyak na Malacañang lang ang lalabas sa result.

Tch! Nagbasa ulit ako.

Ang The President's Mansion ay malapit lang din halos sa may Statue of Eros sa kuwento. Ibig sabihin, pwedeng nasa San Juan lang din yung tinutukoy na mansion. Posible, di ba?

Kumuha ako ng maliit na note at sinulat dun yung ilang detalye na nasa nobela.

Hahanapin ko 'to next next day... Hindi pwede bukas. May appointment ako dun sa Psychiatrist.

Tiningnan ko kung may update si Demo my heart emoticon , WALA!

Tsh! Log-out.

December 31, bumalik ulit ako sa San Juan. Pero di na ako tumuloy sa may Park. Naglakad na lang ako papunta sa nowhere.

Kahit kinakabahan ako dahil DECEMBER 31 na at mamaya na ang New Year's Eve, tumuloy pa rin ako. Mas matatakot lang ako kung nasa bahay lang ako.

Tinakasan ko si Mama, mas napapraning kasi siya kesa sa kin.

Now... now... where's the President Mansion? Walang ibang description dun kundi ang "that big house over the way. Guarded by Lion named 'G'." Yun lang.

Tsk! Big house. Malaking bahay to.

Over the way. Malayo pa lang kita mo na dapat dahil mataas ang pwesto nito.

Pwede ring clue yung name na Dr. Abe. Tch! I-hire ko kaya si Detective Conan ano? Nang hindi ako nagno-nosebleed kakaisip sa pesteng mga clues!

Haay! Ginusto ko to eh!

Naglakad lang naman ako nang naglakad papunta kung saan-saan. Hanggang sa...... naligaw na ako.

*BOOOOM!*

Napatakbo ako sa lakas ng putok na nagmumula sa isang lote na may mga kabataan. Hindi ko alam kung anong klaseng paputok yun pero nakakatakot naman. Tumahip agad nang malakas ang dibdib ko.

Binasa ko agad yung ilang clues na meron ako. Kailangan kong madistract.

RAINBOW VILLAGE.

Ang tirahan ni Eve ay nakatayo malapit sa Rainbow Village.

"MISIS! MISIS! EXCUSE ME PO," sabi ko sa isang babae na may dalang basket.

"ANO YUN, INENG?" tanong niya.

"ANO, MERON PO BA DITONG LUGAR NA TINATAWAG NA RAINBOW VILLAGE?"

Nag-isip ang ale. Napansin ko na puro paputok ang dala niya sa basket, na-tense tuloy ako bigla. "AY NAKU MISS, KUNG RAINBOW VILLAGE... EH WALANG GANUN DITO."

Nanlumo ako. "GANUN PO BA? SIGE SALAMAT---"

"AAH! PERO MERON DITO NUNG TINATAWAG NA RAINBOW PUB, PARANG BAR YUN.... NG MGA BAKLA..."

Nabuhayan ako ng loob. "SIGE PO. SAAN PO YUN?"

Itinuro ng ale ang daan. "DYAN O.. DIRETSO LANG.... AH INENG.. ILANG ORAS NA LANG HATINGGABI NA... HINDI KA PA BA UUWI?"

Ngumiti lang ako. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakikita ang The President's Mansion. Kailangan kong malaman kung sino si Eve!

Pinuntahan ko agad yung tinuro ng babae. RAINBOW PUB. Nasa bukana ng isang village ang Pub. At maraming.... bakla doon.

Tch. Nothing out of ordinary. Walang kakaiba. Just a pub. Argggh! Nakakafrustrate.

Tumingin ako sa relo ko. 9:00 pm. Sheet! Kaya pala ang ingay na ng paligid. Three-hours na lang bago ang midnight.

Tumingin ulit ako sa next clue ko. LION NAMED G GUARDING THE MANSION. Leon? May bahay bang binabantayan ng leon? Kung aso pa pwede! Pero leon? Rawwr!

Napansin ko ang map-like thing na nakatayo sa gilid ng kalsada. Lumapit ako dun. Mapa ng village yun. Itong village sa looban ng Rainbow Pub. Village sa looban ng Rainbow Pub. Rainbow Pub. Village. Rainbow Village.

Owwwwkay. Ito siguro yun. Agad kong binasa ang map. Walang kahit ano dun na significant at nasa novel ng Cupid's. Wala.

Maliban sa isa... ang LEON GUINTO ST. leon guinto. The President's mansion was guarded by a lion named G. 'G' is the atomic symbol for Gold. English ng ginto... castillan ng.... Guinto!! Leon Guinto!! Bingo!!

Nasa street na yun ang The President's Mansion!!!

Tumakbo agad ako papunta sa Village.

*BOOOOOM!* Sheeeeeet! I hate New Year's Eve!!!!

-----

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon