XXXIX: GUARDED

1.5K 92 5
                                    

  Sunny's PoV

Tulala ako habang nakikipagtitigan sa monitor ng PC ko. Hindi ko alam kung anong ita-type at ime-message ko. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko gamit ang internet.

Ang problema lang... hindi ko alam kung ano ang tamang salita.

Hinalukay ko ang utak ko pero isang salita lang talaga ang lumalabas...

'VALENTIN'.

Arggh! Nakakafrustrate kaya naglog-in na lang ako sa facebook at sumali sa discussion sa isang group.

Napansin ko ang ilan na humihingi ng advice sa mga member, at naisip ko na gayahin sila. Nag-post ako ng status sa Wall ng group :

'Guys, I need some advice... Paano kung minamahal mo ang isang tao na may mahal ng iba?'

Saglit lang ang pinaghintay ko. Maya-maya ay dumagsa na ang likes at comments. Nakakapagtaka ang pagla-likes nila, dahil... wala namang kalike-like sa sinabi ko. Netizens talaga, adik!

Sa comments ako nagtuon ng pansin dahil yun ang kailangan ko. Yung iba puro kalokohan ang sagot tulad ng...

'Eh di wow.'
'sa'kin ka na lang..'
'bigti na teh...' sabay 'xDDDD'.

Meron din namang nakikisimpatya at 'relate-much' daw sila. Mahirap daw talaga ang ganun at walang solusyon sa ganung mga klase ng problema. Pero sa lahat ng nag-comment, may isang nag-stand-out.

From a person named 'LEE JAY'. Simple lang ang sinabi niya...

'MAY ORAS PARA SA KATANGAHAN, AT MAY HANGGANAN ANG KAMARTIRAN... KUNG PUSO MO AY NASASAKTAN, MATUTO KANG ITO'Y PROTEKTAHAN...'

Yun. Yun ang sabi niya. Nag-comment ako. Tinanong ko kung paano protektahan ang puso. Sumagot ang mga 'epal' na netizens.

Fr. Devil Salem : 'Gumamit ka safeguard para iwas germs.. xD'
fr. Hollaback Boy: 'Bili ka ng armor... sa shop sa DOTA, dami!'

At kung anu-ano pa... Pero sa huli, si LEE JAY lang ulit ang sumagot ng matino.

'WALANG MAINAM NA DEPENSA, SA PUSONG NAGDURUSA KUNDI... MATIBAY NA ISIP AT KAUNTING "DISTANSYA".'

Hindi ko alam pero sinang-ayonan ko siya. Kahit pa para siyang makata... may sense naman yung sinasabi niya. Wow! Pati ako nahawa. XD boink!

Distansya, siguro nga yun ang kailangan ko. Ang malupit na tanong lang ay... KAYA KO BA? Tch!

Kinabukasan, pumasok ako sa school. Hindi lang ako nakapagsulat dahil may benda yung kamay ko. Buti mabait yung mga kaibigan/classmates ko. Pinagsulat ako.

Nung dismissal, sumabay ako sa mga classmates kong babae na palabas ng school pero sa gate pa lang, nagulat na ako sa pagdating ng isang di inaasahang bisita.

"OH LALA! I SEE FOOD!!" tirada agad ni , isa sa mga adik kong classmate, pagkakita sa lalaking nakatayo sa gilid ng gate.

Si.... Rust!?

Lumapit siya sa 'kin nung makita niya ako. Napansin ko na naka-uniform pa siya ng West Hill Academy.

"HI!" seryosong bati niya.

At nangatahimik ang mga babae sa tabi ko habang nakatitig kay Rust. Puwera kay Sasha.

"OLA, MEAT!!" sabi niya.

Siniko ko ang babae. "HOY SASHA, ANG LALAKI AY HINDI KARNE..." sabi ko.

"SOOO...? PAREHO SILANG MASARAP EH... BWAHAHAHA!" sagot niya.

Hala?

Nakita kong sumimangot si Rust, kaya itinaboy ko na palayo ang mga babae pero itong si Sasha, ayaw paawat. Humirit pa kay Rust na di maipinta ang mukha.

"BABE... WARNING LANG, WAG KANG GAGALA SA GABI... BAKA MATYEMPUHAN KITA. KUMAKAIN AKO NG MGA.... GUWAPONG MASUNGIT! WHAHAHA!" sabay talikod ni Sashang adik.

Napailing na lang ako.

Pagtingin ko kay Rust, habol niya ng masamang si Sasha. Tssh! Haha!

Tinanong ko kung anong kailangan niya sa 'kin para i-distract siya. Matapos niyang humugot ng hinga ay sinabi niyang....

"SUMAMA KA SA AKIN... MAY KAILANGAN TAYONG PAG-USAPAN..." at dahil mukhang badtrip siya. Hindi na ako nagtanong pa. Sumama na lang ako.

// -------------- //

There you go... I just introduced the last character who will complete the 4-part puzzle of Val x Sunny x Rust x Sasha who leads to Heather's mysterious death.

But who is Sasha??

-----  

  Valentin's PoV

Pinilit kong umalis ng bahay kahit pa pinipigilan ako ni Mommy. Nag-aalala pa rin siya sa 'kin. Hindi ko siya masisisi matapos ang lahat ng pinaggagawa ko nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa field at magpapractice ng pitch. Naiinip na kasi ako sa bahay.

Naiinip.

Salitang hindi ko naman dati nararanasan. Nitong nakaraan ay talagang... hindi ko alam ang ginagawa ko. Hindi ko makontrol ang sarili ko.

Nagagalit. Nagwawala. May ibang ako na nabubuhay sa katawan ko. Yung 'ako' na matagal-tagal ding nagtago.

Si Demosthenes. Isang taong hindi ko kilala pero ako rin. Kapag nakakaramdam ako ng sakit at guilt ay parang automatic na dumadating siya at hinihikit ako patungo sa dilim.

Kinukulong ako hanggang sa wala nang katinuang matira pa sa 'kin. Buti na lang.... may maliit na liwanag na dumating sa tabi ko. At hindi ako iniwan.

Si Sunny, ang sarili kong 'Araw'.

Napangiti ako bigla pagkaalala sa kanya. That girl. She risked herself just to stay with me. She bleeds but she never complained. She cried yet she never gave me up.

"NANDOON BA SI SUNNY?" napalingon ako kay Mommy dahil sa tanong niya at huling-huli niya ako sa aktong parang baliw sa pagkakangiti.

Tumikhim ako at pasimpleng inayos ang expression ko. "HINDI KO PO ALAM.." sagot ko.

Pinayagan din ako ni Mommy na pumunta sa field. Nagulat ang mga team mates ko nung makita ako at sinalubong nila ako ng group hug.

Agad kong hinanap si Sunny pero wala siya. Medyo nadismaya tuloy ako. Nagpitch na lang ulit ako para madistract. Tch!

Nasaan kaya ang babaeng yun? Namatay na kaya siya dahil sa ginawa ko? Hindi kaya natetano siya? Bakit ang bagal-bagal niyang pumunta dito? Hindi ba niya alam na hinihintay ko siya?

"UI SI SUNNY!!!" Narinig kong sigaw ng isang member, saktong nagpipitch pa naman ako at dahil nawala ako sa balance... sa private part na naman ni Mark tumama ang bola!

"PUTAANG! TOL NAMAN! BUMALIK KA LANG HUWISYO, PINUNTIRYA MO NA NAMAN ANG ANO KO!!"reklamo niya.

Pero hindi ko siya pinansin. Tumingin agad ako sa entrance ng field. At nakita ko siya.... si SUNNY!!!

Pero kumunot agad ang noo ko... Bakit niya kasama si Rust??? At nagtatawanan pa sila!!

Da paaak!

-----  

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon