Secret PoV // To make myself away from that insane "heartbeat" thing. Isinubsob ko ang ulo ko sa pagbabasa ng mga stories sa Wattpad.
Bihira pa rin mag-update si Demosthenes. Siguro busy.... sabagay parehas ding busy sina Rust at Valentin. No doubt about that.
Isang gabi, nagbasa ulit ako ng Cupid's Last Wish. Halos memorya ko na ang mga eksena pero inuulit ko dahil habang tumatagal unti-unti kong nakikita ang mga kakaibang bagay na nakasulat doon. Almost like, wordplays, patterns and codes. Wordplays like this: CUPID'S LAST WISH ang pamagat ng kuwento. Pero wala si Cupid sa story at ang pangalan ng bidang lalaki ay "HEARTH E." na pwedeng reference ng 'heart' o 'hurt' o pwede ring parehas, 'a heart that is hurt'. Dahil nasaktan nga naman ang puso ng lalaki. Pero ito ang malupit... i-rearranged mo ang letters sa pangalang Hearth E. at mabubuo ang pangalan ni.... Heather.
Di ba? Simula pa lang.. it really was all about her.
Patterns and codes, tulad nito... si Hearth ay may baril at ang registration no. nito ay 021414. Sa una parang wala lang. But when you think about it... it was actually a DATE. 021414. February 14, 2014. Ang registration no. ng baril ay katulad ng petsa ng pagkamatay ni Heather.
Si Heather si Eve, hindi ba? Nang isipin ko... tsaka lang pumasok sa isip ko na... baka kaya ginamit ang petsa ng pagkamatay ni Heather sa baril ng bidang lalaki ay dahil..... gustong palabasin ni Demosthenes.... na may kasalanan siya sa pagkamatay ni Heather.
Sounded like... he was in deep remorse of her death that he let a deadly weapon like gun to symbolized it.
Tch! Hindi ko sure kung sino kina Val at Rust ang sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Heather. Both of them were in great shock---
HAH! Bigla akong may naalala. Yung.... sinabi ni Rust kay Valentin dati. Yung.... 'LOOK VAL... WALA KANG KASALANAN SA NANGYARI.... ' yun kaya yun? Yun ba yung sinabi ni Rust noon? Bakit sinisisi ni Valentin ang sarili sa pagkamatay ni Heather? Anong nangyari noon? At kung tama ang deduction ko... parang lumalabas na si Valentin... si DEMOSTHENES?
Automatic na nagrambulan ang dibdib ko. At napahiga ako sa kama. Si Demosthenes.
The mystery of that guy. Gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa headrest ng kama.
Kinuha ko yung Cupid's at itinuloy ang pagbabasa. Marami palang clue ang nagkalat sa nobelang ito. Kailangan kong makasigurado na si Valentin si Demo bago mag-conclude. Ayoko nang mapahiya ulit. Sa Chapter 34, may isinulat na letter at poem ang bidang lalaki para kay Eve.
It was called... 'Midnight Sonata'. Pero hindi na niya ito naibigay sa babae dahil nga... namatay ito. It was one of the saddest part in Cupid's. Iniwan ng bidang lalaki ang Sonata sa lugar na pinahahalagahan nila ng todo which was.... hindi sinabi kung saan.
Eh what if.... totoo yung Midnight Sonata? Na meron nun?
Everyone was present surely, meron ding Midnight Sonata in real life. Hindi ko nga lang alam kung nasaan.
Eh kung hanapin ko kaya? Tch! Eto na naman ako. Hindi na nadala! Eh bakit? Exciting eh. Hello... Midnight Sonata yun. It bore the words of Demosthenes love for Heather!
Baka finally, ma-gets ko kung sino siya! Sige.... hahanapin ko yun. He he he. Midnight Sonata was left in place both significant to Hearth and Eve. Place they both love. Saan ang place na yun? Binasa ko yung Chapter 37 ng paulit-ulit.
"Midnight Sonata was lost forever to the world. As the god took it by his own hand and shielded it with own prowess of fake scheme. It was concealed behind the darkness. Dark as the midnight where it was named."
Nosebleed ako... wala akong naintindihan!!! Waaah!
-----

BINABASA MO ANG
Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad Writer
RomanceDedicated sa mga lalaking writer dyan... ^__^V Pasensya na ito'y galing din po sa facebook. Kaya wala rin akong time na mag-edit... --WATTPAD READER NA NAIN-LOVE SA ISANG WATTPAD WRITER-- A Secret PoV No one knows how.. No one knows why.. Nagbabasa...