L: RECONCILIATION 2

1.8K 100 4
                                    

  Rust's PoV

Ang Mama ni Sunny ang sumalubong sa amin ni Valentin sa bahay nila. Hindi ko akalain na malayo pala ang bahay nina Sunny mula sa 'min sa San Juan.

Biruin mo yun, araw-araw siyang nagbibiyahe para lang mapuntahan at mahanap ang idolo niya. Tsk tsk! This Valentin guy... is a one lucky bastard!!

Maganda ang Mama ni Sunny at mukhang mabait pa.

"HINTAY LANG KAYO DITO... BABABA NA DIN YUN SI SUNNY..." sabi niya. Tumango lang kami ni Valentin.

Gusto ko na namang tumawa sa expression ng mukha ni Valentin. He looked tensed from head to toe.

"RELAX VALENTIN... MUKHA KANG... ALIEN.." sabi ko.

Hindi niya ako pinansin. Tch! Ang isang ito, kung gaano kayabang sa baseball. Siya namang nerbiyoso sa babae! Haha!

Tumayo ako at nagmasid sa mga pictures na nandun sa wall at sa isang mesa. Nakita ko yung mga pictures ni Sunny nung maliit pa siya.

Meron siyang kasamang isang batang lalaki. Yun siguro yung sinabi ni Valentin na kapatid ni Sunny na namatay.

Tumingin ako kay Valentin at nakita ko siyang umiinom ng juice na binigay ng Mama ni Sunny. Haha!

He's really tense.

Maya-maya nakarinig kami ni Valentin ng yabag sa hagdan.

Sumandal lang ako sa pader habang hinihintay ang pagbaba ni Sunny. And true, saglit lang ay bumulaga na sa amin si Sunny.

Agad kong tiningnan si Valentin na napatuwid ng upo. Pormal ang mukha nila parehas, tipong mga politician na dadalo sa meeting. Haha! Nagkaka-ilangan pa.

"HI SUNNY!" bati ko sabay kaway sa babae. Ngumiti si Sunny at gumanti ng kaway tapos napatigil siya nung mapatingin kay Valentin.

Hmmm. This is going to be soooo interesting!

Parang kidlat na umupo si Sunny sa silya na katapat ni Valentin. Ang lalaki naman, napatayo sa sobrang tense.

Nung makita ni Sunny na nakatayo si Valentin ay tumayo din siya... sakto naman na umupo si Valentin! Pffft!

Kung hindi ko hinawakan ang bibig ko, sumabog na siguro ang tawa ko. They simply looked stupid together.

Pasimple akong tumagilid para kunwari dedma ako.

"AHMMMMMMM." si Sunny.
"HHHMMMMMMM." si Valentin.

Great. Para silang mga bubuyog na umuugong.

"GUSTO MONG TUBIG?" halatang tense na tanong ni Sunny.

"AH EH... SIGE..." sagot ni Valentin. Nakalimutan niyang may juice na sa harap niya!!

Tumalikod na ako at inuntog ang ulo ko sa pader. These two, are driving me nuts! Nasaan na ang mga utak nila? Hindi naman ako ganyan nung inlove ako kay Heather!

"SUNNY... HUWAG NA..." tawag ko sa babae. "PUMUNTA KAMI RITO KASI..." tumingin ako kay Valentin at pinandilatan siya.

"AH RIGHT!" sabi ni Valentin. "ANO KASI... NANDUN KASI SA BAHAY ANG TEAM... TAPOS NAGLUTO SI MOM AT.... UMMM... ANO...."

Hopeless. Valentin is hopeless.

"BIRTHDAY NI VALENTIN... PUMUNTA KAMI RITO PARA SUNDUIN KA.... BECAUSE YOU ARE INVITED..." ako nang nagtuloy sa sinasabi ni Valentin. Dahil baka abutan pa kami dito ng Mahal na Araw kung siya lang ang aasahan.

Tumikhim si Valentin. "YEAH... OO. TAMA.. GANUN NGA.."

Natulala si Sunny... pero maya-maya napansin ko na namumula ang tenga niya. Valentin's very same traits! Nice.

"OKAY..." sabi niya.
Nakita kong nakahinga ng maluwag si Valentin. Tch! Slick!

Nagpaalam lang saglit si Sunny sa Mama niya. Pasimple akong bumulong kay Valentin. "AKALA KO BA WRITER KA? BAKIT DI KA MAKABUO NG SIMPLENG PANGUNGUSAP?" kantiyaw ko.

Sumimangot si Valentin. "WAG KANG MAINGAY!"

Tch! Haha!


  Si Valentin ang nagmaneho ng kotse. Umupo ako sa likod at si Sunny ang pinaupo ko sa harap kahit pa nga nagpilit siyang sa likod siya uupo.

Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ang lakas magbuga ng hormones sa pagligid ang dalawang 'to.

Nang tumapat ang kotse sa may SM ay nagpahinto ako.

"SAAN KA PUPUNTA?" Maang na tanong ni Valentin sa akin nung makita niyang bumaba ako ng kotse.

"MAY BIBILHIN, UMUNA NA KAYO... SUSUNOD NA LANG AKO. MAGPAPASUNDO AKO KAY RODD..." sabi ko. "BYE SUNNY... SEE YOU THERE.." ngumiti ako sa babae na halata ang pagkagulat sa mukha.

"UI UI TEKA RUST---" reklamo pa sana ni Valentin pero sinarhan ko na ang pinto at naglakad palayo.
Whahahahaha! Those two need some time together!!

Wattpad Reader Na Na-Inlove Sa Isang Wattpad WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon